Aiko Melendez on reconciling with ex-hubby Jomari Yllana: "Talagang ’pag kami ang para sa isa’t isa, then it’s God’s will."

Ayaw pangunahan ni Aiko Melendez ang tadhana, ngunit kung plano raw ng Diyos na magkabalikan sila ng dating asawang si Jomari Yllana, mas makakabuti raw ito para sa kanilang anak na si Andre. Kasama nina Aiko, Andre, at Jomari sa larawang ito si Marthena Jickain, ang anak ng aktres sa pangalawa nitong asawang si Martin Jickain.


Larawan ng isang masayang pamilya ang nasaksihan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Linggo, June 1, sa Batangas Racing Circuit sa Rosario, Batangas.

Nagkasama kasi ang dating mag-asawang sina Aiko Melendez at Jomari Yllana, ang kanilang anak na si Andre, at si Marthena, ang anak ni Aiko sa dati rin nitong asawang si Martin Jickain.

Noong 2013 pa raw naka-kalendaryo kay Aiko ang pagsuporta sa ex-husband sa laban nito sa Philippine Grand Touring Championships 2014 noong araw na iyon.

Balik-karerahan si Jomari matapos ang ilang taong pagtigil nito.

Ani Aiko, “Oo, kasi last year pa yun, nagsabi na siya sa akin.

"At least, pareho kami ng sinasabi.

"So, ibig sabihin, nag-uusap kami, sync kami."

Hindi na raw bago sa kanya ang hilig sa car racing ni Jomari.

Kuwento ni Aiko, “Oo, I was pregnant before with Andre when he started racing.

"I think I was... mga two months pregnant ako nun kay Andre.

"Kaya si Andre, paglabas, mahilig sa kotse."

BEST OF FRIENDS. Ayon kay Aiko, sobrang maayos ang relasyon nila ngayon ng dating asawa.

Saad pa ng dating konsehala ng Quezon City, “Actually, kasi more than anybody else naman, ang nagbi-benefit dito ay yung mga anak namin.

"It’s a good example to our kids na makikita na okay kami, ‘di ba?

“Kasi nung time na ’pag hindi kami masyado nag-uusap ni Jom, si Andre, feeling sad na.

"So, ano... ‘di naman masama kung maging ganito relasyon namin, ‘di ba?

"And kung in the end, mas mag-aano pa kami sa next level, who knows?"

Posible kayang sa huli ay magkabalikan sila ni Jomari?

Saad ni Aiko, “Everything is possible, ‘di ba?

"When you’re praying what’s best for the both of us...

"So, I’m at that level na I’m praying talagang ’pag kami ang para sa isa’t isa, then it’s God’s will, ‘di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Parehong single sina Aiko at Jomari ngayon.



WISHING THE BEST FOR ARA AND PATRICK. Si Mayor Patrick Meneses ng Bulacan, Bulacan ang huling nakarelasyon ni Aiko.

Sa ngayon, ang girlfriend ng alkalde ay ang aktres na si Ara Mina, na dati ring nakarelasyon ni Jomari.

Okay na ba sila ni Ara ngayon?

Sagot ni Aiko, “I haven’t seen her.

"Wala kaming opportunity na magkita and, as much as possible, ayoko na siyang pag-usapan.

“Hindi dahil galit ako sa kanya or masama loob ko, dahil kasi ayoko ng ma-misinterpret.

"Kasi ayoko naman na if I say something na I really mean well naman, pero ang dating naman sa kanila iba, so I’d rather keep quiet na lang."

Buntis sa pangalawang pagkakataon si Ara sa magiging anak nito kay Patrick. Nakunan kasi ang aktres noong una itong magbuntis.

Sabi ni Aiko tungkol dito, “Every baby is a blessing, ‘di ba? That’s good.

"It’s a gift from God, so I hope they ano… they take it to the next level, ‘di ba?"

Active member si Aiko sa Victory Church kaya sobrang positive daw ang pananaw niya sa buhay ngayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN