Zsa Zsa Padilla wants boyfriend Conrad Onglao to be the last man in her life

Zsa Zsa Padilla on boyfriend Conrad Onglao: "I want him to be the one. Ayoko talaga ng papalit-palit, paiba-iba. I like fighting for something that I really like and believe in. Kumbaga, ang feeling ko, worth it siyang ipaglaban."


Sa pamamagitan ng blind date nakilala ni Zsa Zsa Padilla ang current boyfriend niyang si Conrad Onglao.

Wala bang pag-aalinlangan ang Divine Diva nang makipag-blind date siya sa kilalang arkitekto?

Sagot ni Zsa Zsa sa panayam sa kanya ni Kris Aquino sa The Buzz 15 noong Linggo, June 1, “Oo naman.

"Kasi that day talaga, I chipped my tooth, kaka-whitening, nakaka-weaken siya.

“Actually, noong nag-date kami, pinaupo ko siya sa side para hindi niya makita ang ngipin ko because it was a Sunday, walang dentist.”

Sa isang restaurant sa Bel-Air, Makati raw sila nag-“private dinner.”

Pero natatawang kuwento ni Zsa Zsa, “After ng date namin, may nakita kaming couple na artista, kaya sabi ko, ‘Hmmm, private, ha!’”

Nag-enjoy siya?

Kuwento ni Zsa Zsa, “I enjoyed his company.

“If I remembered it right, parang three hours kaming nag-uusap.

“Si Sharon [Cuneta] ang nag-introduce.

"Sabi ko, ‘Shawie, parang he can be my BFF [best friend forever]. I don’t feel any spark and I really don’t know if I’m attracted to him.’

“Hindi ko naman alam kung ano ba.

“Sabi ko… ang kapal pa ng mukha ko. Sabi ko, ‘E, kung ligawan kaya niya ako?’”

Ibinigay raw ni Sharon ang numero nila sa isa’t isa para sila na lang ang mag-usap. At sinabi rin daw ni Sharon na nakikita niya sina Zsa Zsa at Conrad together.

Hinatid ba siya pauwi?

“Hindi, sabi ko, ‘I’ll go to my car.’ Kapal ko, ‘no?” natatawang sabi ni Zsa Zsa.

Inalok ba siyang ihatid?

“Sabi niya, ‘You didn’t even look back.’

“Akala ko talaga tapos na yun. Pag-uwi ko, umiyak akong talaga.

“When I got home, I said, ‘Oh, my god, how will I move forward when I can’t give it a chance?’ Then I cried.”

Pambubuko naman ni Kris, tinext daw siya ni Zsa Zsa ng Justin Timberlake song na “Not A Bad Thing.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman ito itinanggi ni Zsa Zsa.

Aniya, “Yeah, kasi sina-pysche ko ang sarili ko.

“You know, my sisters and I, we text each other every single day and they were the ones who kept prodding me, ‘Kaya mo ‘yan, date lang naman ‘yan.’

“Tapos, ‘Ano’ng outfit mo?’

“Una kong ipinakita, may sweater pa. ‘Tapos sabi niya, ‘Magsa-Sunday mass ka? ‘

“Ang suot ko, very tight, sexy. Kailangan daw kita ang katawan.

“Siyempre, ang isang sister ko, mga Amerikana na sila, ‘di ba?”



NO SPARK. Pag-uwi raw ni Zsa Zsa ng bahay pagkatapos ng dinner nila ni Conrad ay nag-report na siya kay Sharon at sinabing parang wala ngang spark.

Noong sinabi raw niya kay Sharon na ligawan siya ni Conrad, kinabukasan ay nag-text na ang arkitekto sa kanya.

Natatawang kuwento ni Zsa Zsa, “We started texting in the morning and he said, ‘Sharon said maganda ka raw kapag walang make-up.’

“A, challenge, nagpadala ako ng picture!

“Sabi ko, ‘Uy, Binelo ko talaga ‘yan para wala akong pores. Talagang kinarir ko ‘yan since December. Kaya dapat sabihin mo maganda ako.’

“So, yun, we just hit it off and we were texting from morning until five na matapos siya mag-work.

“Sabi ko, nag-work ka ba talaga?”

Pagkatapos daw ng ilang araw, nag-date silang muli.

“Pagkatapos ng one week, sinagot ko na siya. Kasi, nagpa-hard to get ako!” natatawang sabi ng 50-year-old singer-actress.

May paliwanag naman si Zsa Zsa tungkol dito.

Aniya, “Kapag may edad ka na, alam mo na kung ano ang gusto mo.

“Alam ko na kung sino ang taong… kasi parang pareho kami ng sinabi.

“We were comfortable with each other. Para siyang old friend.

“You know, I would have known him three months bukas, pero parang ang tagal-tagal ko na siyang kakilala.

“May ganung tao siguro.”

Marami raw silang pagkakapareho at compatible daw silang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



ENOUGH MOURNING. Tinanong ni Kris si Zsa Zsa kung dumaan ba siya sa puntod ng yumao niyang partner na si Dolphy sa Heritage Park, Taguig City, upang humingi ng permiso.

Tugon ng Divine Diva, “Hindi naman.

“Actually, when I would feel uncomfortable after a date, nagpi-pray ako sa kanya.

“I want to be released kasi.

"It’s just too hard. Ang hirap kasing mag-mourn.

“At a certain point, nakita ko ang hitsura ko na parang, ‘Artista ka pa ba? Bakit ganyan na ang nangyari sa hitsura mo?’

“So, I really have to make a change.

“’Tapos nun, a lot of times, nasa kuwarto lang akong talaga kasi depressed ka.

“Actually, dinaan ko nga sa kain, ‘di ba, so I gained so much weight.

“Sabi ko, ‘Oh, my god, buhay pa ba ako?’ Kasi, a part of you dies.

“So, yun minsan ang hindi maintindihan ng tao. I think, kailangan mapagdaanan mo yun.

“Of course, I don’t want anybody else to experience it, but it’s so difficult.”



NEW LOVE. Sa loob ng isang linggo ay napatunayan daw ni Zsa Zsa na mahal niya si Conrad.

Pero mas nararamdaman ba niya ang pagmamahal na yun araw-araw?

Sagot ng ASAP mainstay, “Yeah, when I told him before, kasi nga, galing nga ako sa ganoong situation ko…

“Sabi ko, ‘Sana intindihin mo that it’s wasn’t a break up. Kumbaga, namatay yung tao.’

“I was still very much in love with him. It’s so hard.

“’Tapos, kapag namatay ang tao, he can do no wrong. Siyempre, inangat mo na sa pedestal, e.

“Saka hindi mo naman maiaalis yun.

“Sa tagal ng pinagsamahan namin ni Dolphy, palagi ko pa rin siyang kinakausap.”

Sa palagay niya, si Conrad na ba ang makakasama niya hanggang sa huling araw niya sa mundo?

“I want him to be the one,” sagot ni Zsa Zsa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayoko talaga ng papalit-palit, paiba-iba.

“I like fighting for something that I really like and believe in.

“Kumbaga, ang feeling ko, worth it siyang ipaglaban.

“Ang showbiz and non-showbiz naman, ang difference lang is oras. Yung oras talaga ng artista, kakaiba.

“Kapag bago ka sa showbiz, hindi mo alam... ang nakikita kasi ang finished product. Glamorous-glamorous.

“Yun pala, pinagpuyatan niyo ‘yan.

“Hindi nila naiintindihan.”



WHO IS CONRAD? Ayon pa kay Zsa Zsa, wala siyang halos alam tungkol kay Conrad. Hindi raw niya alam ang mga gawa nito bilang isang architect.

Wala rin daw alam si Conrad na kanta niya.

“So, ako, noong makita ko ang trabaho niya, bigla akong, ‘Oh, my god!’

“Ganoon pala siya. Nakakamangha siya sa galing.

“And I’m really his fan and I call him a rock star—rock star of architecture.”

Naniniwala si Zsa Zsa na si Dolphy rin ang nagbigay sa kanya ng bagong boyfriend.

Saad niya, “Ipinagdasal ko siya kay Dolphy rin.

“I said, ‘Please, give me a man, hinahanap ko talaga, somebody who will love my girls, equally.’

“He does, ha, he cares so much for my girls, and ipinagdasal ko siya talaga sa Diyos.

“Sabi ko, ‘Please, God.’”

Ikinuwento rin ni Zsa Zsa na naging turning point sa buhay niya nang mapansin ng kaibigang si Kris ang lungkot niya noong nasa Dubai sila.

“Doon ko na-realize, ‘Oh, my god, if the stranger can see how…’ Turning point ko talaga yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN