Derrick Monasterio owns up to being a flirt before; denies rumor linking him to Yassi Pressman’s sister

Derrick Monasterio not threatened by the entry of new young stars at GMA Network: "Nasa sa akin yun kung gusto kong umasenso o hindi."


May bigote at konting balbas si Derrick Monasterio nang humarap sa press conference ng The Half Sisters kahapon, June 3, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Naumpisahan na raw kasi niya sa ilang linggong taping nila kaya hindi na niya ito matanggal.

Paraan na rin daw niya ito upang ipakita na kahit paano ay nagma-mature na siya.

Pero biro niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Kapag kumakain, sumasabit po, e. ’Pag umiinom ng water, ang weird.”

Dagdag ni Derrick, “Mature, mature lang ng konti.”

Gusto na ba niyang mamaalam na sa pa-tweetums na image?

“Siyempre, panahon na po para mag-step up,” sagot niya.

Eighteen years old na si Derrick ngayon kaya gusto raw niya ay may pagbabago at maturity na ring makita sa kanya, lalo na sa mga karakter na ginagampanan niya.

Biro naman ng press kay Derrick, hindi kaya itong pag-i-step up na sinasabi niya ay "step-up" lamang sa pambababae?

“Babae po agad? Hindi naman na po ako nambabae, nanlalaki na lang!” biro niya.

Ibig sabihin, dati nambabae siya?

“Hindi rin,” mabilis niyang tanggi.

“Kung dati, friendly ako, ngayon po, hindi na ako friendly—career-oriented na.

“Kasi, iniisip nila, ganoon lang ako, babae and stuff.

"Gusto ko namang ipakita na may pagka-propesyunal naman ako kahit paano.”

Napipikon ba siya kapag palagi siyang tinatanong tungkol sa mga babae at napapansin ang pagiging “malandi” niya sa mga ito?

Natatawang sagot niya, “Hindi naman.

"Kasi dati, parang medyo totoo naman.

“At some point, naging ganoon nga po ako, pero panahon na para hindi na mag-focus sa ganoon.”



PAST IS PAST. Talaga bang niligawan niya sina Sarah Lahbati at Bea Binene?

“Past is past,” nakangiting sagot ni Derrick.

Nabanggit na rin lang si Sarah, ano ang naging reaksiyon ni Derrick nang malaman niyang may anak ito kay Richard Gutierrez?

Sabi niya, “Napanood ko nga po yun. Masaya ako para sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At saka, bagay naman sila. Nasa tamang edad na sila.

"Ako, bata pa ako, hindi pa puwede.”

Walang panghihinayang?

“Actually, wala, kasi ayokong magsalita. Basta, ayokong magsalita.

“Siguro ano, ayoko lang pong magkaanak pa, kasi bata pa ako.

"Sila naman, stable na. Na-reach na nila yung peak nila. So, okay na.”

Kung sakaling bumalik siya sa nakaraan, kanino kina Sarah at Bea siya mai-involve?

“Bakit po may ganyan?” natatawang sabi ni Derrick.

Pero aniya, “Siguro si Sarah, kasi mas matagal po kaming nagsama.

“At saka, unang-una, nagkasama kami sa ibang bansa, so bonding sa Switzerland.

"At saka, marami kaming napagsamahan.

"Si Bea kasi, Tween Hearts lang.”

Itinanggi naman ni Derrick ang pag-uugnay sa kanya sa kapatid ng kasamahan niya sa GMA na si Yassi Pressman.

"Wala, wala, hindi po totoo yun," mariing sabi niya.

“Hindi, hindi totoo yun. Nagkasama lang po kami sa mga parties.

"Kasama ko rin naman po ang mga friends ko... kaibigan lang."

BARBIE FORTEZA. Madalas niyang nakakapareha ngayon si Barbie Forteza. Hindi pa ba niya ito napapasagot?

Sagot ni Derrick, “E, kasi, hindi naman po mapapasagot ang taong ayaw muna ng lovelife.”

Niligawan niya ba si Barbie?

“Hindi naman!” natatawang sagot niya.

Paano siya sasagutin, hindi naman pala siya nanligaw?

Buwelta naman niya, “E, kasi yung tanong po, bakit hindi ka pa sinasagot, kaya sinagot ko lang.”

For the record, nanligaw nga ba siya?

“Hindi naman, hindi pa,” sabi niya.

Nakikita siguro ni Barbie na hindi naman siya seryoso?

“Hindi naman po kasi ako nanligaw. I mean, malalaman niyo naman po.

"Kumbaga, kinukutuban mo, pinupulso.

"Ang kutob ko, hindi pa po ready."

Baka naman may iba na palang gusto si Barbie?

“Sa ngayon po, wala pa. Sobrang vocal niyan kapag may gusto siya.

"Ako pa, ako ang unang nakakaalam niyan.”

Alam naman ni Barbie na naghihintay lang siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naghihintay? Siguro hoping po siya.

"Hindi, joke lang!" natatawang sabi niya.

“Siguro, ang alam niya, yung lagi akong nandiyan for her.

"Kahit hindi kami, hindi naman kailangang maging kayo para inaalagaan niyo ang isa’t isa.”

Bakit sa dami na rin ng na-link sa kanya, wala pa rin namang masasabing naging girlfriend niya?

“Hindi ko lang sinasabi!”

At pagkatapos ay binawi na naman niya ito at sinabing, “Hindi, joke lang.

“Marami akong crush, pero crush-crush lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN