Rocco Nacino attests to the power of Nora Aunor’s eyes

Rocco Nacino on working with Superstar Nora Aunor: "Nakita ko yung sinasabi nila na, totoo nga, nangungusap yung mga mata niya. ’Pag tumingin siya sa iyo, talagang nagsasalita na siya. It’s an honor to see her in action, parang ganun."


Nanginig daw ang buong katawan ni Rocco Nacino sa unang araw ng shooting nila ng Superstar na si Nora Aunor.

Magkasama ang dalawa sa Cinemalaya 2014 entry na Hustisya mula sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Hindi raw napigilan ni Rocco ang kabahan nang magharap sila ni Nora sa harap ng kamera.

Paliwanag niya, “Nakita ko yung sinasabi nila na, totoo nga, nangungusap yung mga mata niya.

“’Pag tumingin siya sa iyo, talagang nagsasalita na siya.

“It’s an honor to see her in action, parang ganun.

“Kaya nagpasalamat ako kay Direk Lamangan dahil tinutukan niya ako nong mga sandaling yun.

“’Rocco, kailangang makita ko yung confidence mo.’ ‘Yes.’

“Although sa simula, medyo nahirapan ako, nangangapa pa ako.

“But then, eventually, through his guidance, nagawa ko pa rin.

“Okey naman, kailangan kong tanggalin yung kaba.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rocco noong Linggo, June 1, sa studio ng GMA Network pagkatapos ng live airing ng Sunday All Stars.



CO-ACTORS. Sinasabihan ba siya ni Nora kung ano ang dapat niyang gawin sa mga eksena nila?

Sagot ni Rocco, “Hindi. Hinahayaan niya ako.

“That’s what I appreciate about her.

“At ang ginagawa niya, kakausapin niya ako, ‘Uy, alam mo bang kinakabahan rin ako, pero hindi ko pinapahalata. Ikaw rin, dapat gano’n.’

“Sabi ko naman, ‘Oo nga po, e.’

“Inamin niya sa akin na kinakabahan rin siya, pero hindi raw niya pinapahalata.

“Sabi ko nga, ‘Ang galing niyo naman!’

“Ako, kitang-kita sa akin na kinakabahan.

“Nong sinabi niya yun sa akin, ang Superstar kinakabahan rin ‘tapos nagagawa niyang hindi yun nahahalata, so, kaya ko rin.

“Doon nawala yung kaba ko, and doon rin na-break yung barrier namin.

“And then, we became ano… nagdyu-joke na nga siya, e.

“Twelve a.m., siya na yung nagdyu-joke sa set, e.

“Kaya nakakatuwa siyang kasama, sobra!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon, sobrang enjoy na, relax na.”



ADVICE FROM THE SUPERSTAR. Masipag si Rocco na mag-post sa Instagram ng selfie photos niya o mga larawang kuha sa kung saan man siya naroroon—mapa-personal man o work-related.

May selfie shots nga siya kasama si Nora sa isang courtroom na location shoot ng kanilang ginagawang pelikula.

Kuwento niya sa kinukunang eksena, “Ipinapakita doon sa scene yung ugali ng character ko, yung pagiging efficient niya, yung pagiging magaling being in the court.

“Lawyer ako doon na magbabago ng kanyang [Nora] katauhan.”

Dagdag pa ni Rocco sa ginagampanang role, “Mahirap. Actually, I went my way to research.

“Nag-immerse ako sa courtroom, nanonood ako ng mga cases para makita kung paano dumiskarte ang isang lawyer.

“Mahirap. A lot of research.

“And then, jampacked yung schedules. Pero kinakaya naman.”

Ano ang natutunan niya sa pakikipagtagisan ng pag-arte kay Nora?

Sagot ni Rocco, “Just to be natural. To make the scene appear na totoong buhay siya.

“You can do it with your eyes… and you’re really good. Makikita mo yun kay Ms. Nora.

“Ang advice lang niya, ‘Huwag kang kabahan. Kailangang mataas ang confidence mo at bumilib ka sa kakayahan mo.’

“’Pag nag-buckle ako, humaharap ako kay Ms. Nora.

“Pinalalakas niya yung…parang sinasabi niya na, ‘Teamwork tayo dito.’

“Nakakatuwa na makita yung suporta niya sa mga artista niya and she calls me ‘anak.’ Nakakatuwa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN