Richard Gutierrez and Sarah Lahbati to show baby Zion for the first time in reality program

Kasunod ng pag-amin nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati na may anak na sila, ipapakita na rin nila sa wakas ang mukha nito sa pamamagitan ng reality program ng pamilya Gutierrez.


Kasalukuyang nasa Dubai ang magkasintahang sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati para sa dalawang gabi na fashion show.

Pero bago sila umalis ng bansa, unti-unti na silang naglabas ng mga detalye tungkol sa kanilang anak na si Zion, na itinago nila sa publiko sa loob ng mahigit isang taon.

Matatandaang inamin lang ni Richard ang tungkol sa kanilang baby ni Sarah sa first episode ng family reality series nila sa E! Channel, ang It Takes GUTZ To Be A Gutierrez, noong June 1.

Read: Richard Gutierrez finally admits: “Yes, I’m a proud father.”

Ang kuwento tungkol sa pagkakaroon nila ng anak ay unang lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noon pang April 2013.

Read: Source: Sarah Lahbati gave birth to baby boy in April

Ngunit sa nakaraan nilang interviews ay mariing pinabulaanan ng dalawa ang tungkol sa isyu.



“MY LIFE.” Sa Twitter account ni Sarah noong June 1, sinabi niyang maligaya sila ngayon ni Richard dahil naibabahagi na nila sa publiko ang tungkol sa kanilang buhay.

June 2, nag-post si Richard ng larawan ni Sarah at ni baby Zion sa kanyang Instagram account na ang tanging caption ay: “My life.”

June 4, muling nag-post si Richard ng larawan nila ni Sarah. Base sa caption nito ay lumang kuha ito noong buntis pa ang girlfriend.

Saad niya, “She was like "carry me, carry me love"... And I’m like "no...how...I can’t" 😁 #bigbabyZion.”

Kasunod nito, si Sarah naman ang nag-post sa kanyang Instagram account ng larawan kung saan kitang-kita ang kanyang malaking tiyan.

Tanging nakalagay sa caption ay hashtag na "#waybackwednesday."



MEET BABY ZION. Sa darating na Linggo, June 8, makikita na raw ng publiko sa kauna-unahang pagkakataon ang kanilang anak na si Zion sa It Takes GUTZ To Be A Gutierrez.

Ito ang inanunsiyo ni Sarah sa kanyang Twitter account:

Maaaring sa show rin nila ipakita ang binyagan base na rin sa Instagram post ng kapatid ni Richard na si Ruffa Gutierrez:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Let the celebrations begin! Excited to welcome my inaanak into the Christian world! #ziontheyounglion 🐅"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN