Edgar Allan Guzman denies prioritizing girlfriend Shaira Mae over career

Ito ang sagot ni Edgar Allan Guzman sa isyung mas binibigyan niya ng prayoridad ang girlfriend niyang si Shaira Mae kumpara sa sarili niyang career: “Ako po, kung lovelife ko ang priority ko, wala po ako dito ngayon. Hindi ko po sinusunod ang mga trabahong ibinibigay sa akin. Nag-a-addict ako, kung yun po ang priority ko.”


Sa followers ng aktor na si Edgar Allan Guzman sa Instagram, kapansin-pansin ang madalas niyang pakikipagpalitan ng sweet messages sa girlfriend na si Shaira Mae, produkto ng artista search ng TV5 na Artista Academy.

Pero may ilang nagsasabi na dahil sa kanyang lovelife ay tumatamlay na naman ang career ni Edgar.

Ano ang reaksiyon niya rito?

Tugon niya, “Marami po ang nagsasabi na yung lovelife ang isang reason, matamlay, kaya hindi nabibigyan.

“Ako naman po, tanggap ko na naman na isa yun.

“Pero tumatayo pa rin ako pagdating sa career path ko na gustong tahakin, yung sa nagawa ko.

“Ako, yung lovelife naman, nandiyan lang din.”

Mas inuuna raw kasi at pinaglalaanan ng oras ni Edgar ang lovelife o si Shaira Mae kumpara sa mga proyekto niya.

May indie films at may shows daw siyang hindi nasisipot o tinatanggap dahil kay Shaira Mae.

Tanggi naman ni Edgar, “Ay, hindi po, hindi po.

“Ako naman, naghihintay lang.

“Kaya tumatamlay, kasi wala rin naman pong nagbibigay, walang dumarating.”

Paano kung kailangan niyang mamili sa lovelife at career, ano ang pipiliin niya?

“Ako naman, I love my career,” sagot ng aktor.

Kaya niyang i-give up si Shaira Mae?

“Hindi ako magbabanggit. Basta ako, yung career talaga.

“Parang nami-miss ko na yung dati,” sabi ni Edgar.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Edgar sa press conference ng pelikulang The Illegal Wife noong June 2, Lunes, sa Dolce Latte Restaurant, Quezon Avenue, Quezon City.



LOVELIFE OVER CAREER? Napapansin naman daw ni Edgar na kapag masaya ang kanyang lovelife ay matamlay naman ang career niya; gaya nga noon sila pa ni Johlan Veluz at maging ngayong sila ni Shaira Mae.

“Actually, yeah,” pagsang-ayon niya.

Posibleng nahihila siya pababa?

“Hindi naman po, siguro hindi lang naman po sa akin.

“Posibleng yung mga tao rin po na nakapaligid sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I must say na ako, ginagawa ko naman ang part ko as an artist, talent.

“So, ako po, hindi ko po alam talaga.

“Every time na magkaka-lovelife ako, parang napaka-big deal. Napakaganyan.

“Ako naman, e, isang tao lang na masaya, inspirasyon.

“Kasi, ang labas nga po palagi, inuuna ko, priority ko, which is hindi naman po totoo.”

Paano niya mapapatunayan na hindi niya pina-prioritize ang lovelife bago ang career niya?

Sagot ni Edgar, “Ako po, kung lovelife ko ang priority ko, wala po ako dito ngayon.

“Hindi ko po sinusunod ang mga trabahong ibinibigay sa akin. Nag-a-addict ako, kung yun po ang priority ko.”

Pero gaano katotoo na inuna niya ang bakasyon nila ni Shaira Mae sa Baguio kesa sa taping niya noon para sa TV5 series na Misibis Bay? Ilang projects din daw para sa kanya ang hindi natuloy dahil nasa bakasyon siya?

Mariing tanggi ni Edgar, “Wala po, wala pong ganun.

“Before po, before sa ex ko. Pero dito, wala.”



SHAIRA MAE’S REACTION. Ano naman ang pakiramdam ng girlfriend niyang si Shaira Mae na ito ang nasisisi o natuturong dahilan sa pagiging matamlay ng career ngayon ni Edgar?

Sagot ng aktor, “Nao-open up naman po minsan.

“Pero sabi ko sa kanya, ganun naman sa showbiz, yun ang makikita nila.

“Pero ako, bilang tao, tumatayo ako sa akin kung ano ang totoong ginagawa ko.

“Ako, naaapektuhan ako sa mga sinasabi, pero gagawin ko ang part ko para i-prove na hindi.”

Dagdag niya, “Nalulungkot po ako sa sinasabi na si Shaira, hinihila ako pababa.

“Ako naman, sa Instagram ko naman, masaya naman ako.

“Wala namang masamang mag-post. Hindi naman naapektuhan ang trabaho ko.

“Well, naapektuhan in some ways, pero yung pagiging ako na artista, sa mga responsibilities ko sa taping, projects, hindi naman naapektuhan.

“Kami naman po, mas nananaig pa rin ang happiness namin, yung intindihan since nasa showbiz din naman po siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bata pa lang ang girlfriend niya, kaya tinanong namin siya kung seryosohan na ba silang talaga at ito na ang makakatuluyan niya?

Sagot ni Edgar, “Ako naman, seryoso naman ako this time.

“Nandiyan lang naman siya, nandito lang ako para sa kanya.

“Ang goal namin ngayon, mas mature at napag-usapan namin na career muna.

“Huwag muna tayo… ako, matagal pa po talaga.

“Twenty-four ako ngayon, pero 32 years old ko pa po balak mag-asawa.

“Gusto ko munang ibili ng bahay ang nanay ko, at alam niya yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN