Former child star Isabelle de Leon returns to the entertainment scene as a singer

Isabelle de Leon on her idols in music: “Wala naman po akong specific peg as a musician… Pero hinahangaan ko po sina Janis Joplin, Katy Perry, Bono, Steven Tyler, Bob Dylan, at marami pa pong iba.”


Muli na namang aktibo sa showbiz ang dating child star na si Isabelle de Leon.

Pero kung noon ay naging laman siya ng pelikula at telebisyon, ngayon, pati ang larangan ng musika ay pinasok na rin ng 19-year-old showbiz personality.

Nakilala si Isabelle sa GMA comedy series na Daddy DiDoDu, bilang isa sa tatlong magkakapatid na witches kasama sina Danica Sotto at Maxene Magalona. Tatay nila rito si Vic Sotto.

Sa pelikula naman, gumanap siya sa markadong papel bilang batang may cerebral palsy sa award-winning movie na Magnifico (2003), na pinagbidahan ni Jiro Manio at idinirek ni Maryo J. de los Reyes.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Isabelle noong June 3, sa pamamagitan ng Facebook.

Sinabi ng young actress na sa pamamagitan ng music ay nalagpasan niya ang awkward stage sa showbiz.

Saad niya, “Dahil po nakasulat ako ng mga kanta, naisip ng manager ko na magandang mai-share ito sa mas marami pang mga tao.

“Kaya prinesent ko po yung mga songs ko sa PolyEast Records at nagustuhan naman po nila.

“I have an album out entitled Love Zone, mayroon po itong six original tracks written by yours truly.”

Nagmula raw siya sa pamilya ng musicians.

“I came from a family of musicians, nauna lang po ma-tap iyong acting side ko.

“I started writing songs when I was 16 years old and at the moment ay mayroon po akong naisulat na 40 original songs.

“Kasama na po doon iyong six songs from the album.”



TRANSITION PERIOD. Mula sa pagiging child star, nahirapan ba siya sa transition ngayong dalaga na siya?

Sagot ni Isabelle, “Hindi naman po, ‘cause I finished high school po and dun ako nagkaroon ng time na tumutok sa musika.

“That’s why I came back as a singer-songwriter, aside from being an actress.”

Nabanggit din ni Isabelle ang mga proyekto niya bilang aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iyon pong Trenderas sa TV5, a musical comedy-drama show.

“Ang co-trenderas ko ay sina Kat Velarde and Lara Maigue... and we are honored to be working with the one and only Superstar, Ms. Nora Aunor.

“’Tapos ang movie naman, yung Marka, na isa pong anti-bullying film na pinagbibidahan ni Martin del Rosario, Ken Anderson na kapatid ni Gerald Anderson, Jay Franco, Jao Mapa, at iba pa. Mula ito sa direction ni Direk Neal Tan.

“Produced po ito ng dating That’s Entertainment member na si Mr. Jojo Matias.

“Sana ay abangan nila ang movie, lalo na ng mga kabataan dahil nababagay po ito sa panahon at eye opener po ang film na ito.”

Gaano katagal ang contract niya sa TV5 and may ka-partner ba siya sa Trenderas?

Tugon niya, “Wala po akong contract with them.

“May ka-love triangle po ako dito, si Carl Guevara… kaming tatlo ni Lara.”

Hindi kaya intrigahin siya dahil sa pagkakaugnay ni Carl sa Kapuso actress na si Kris Bernal?

Ayon kay Isabelle, “I believe hindi naman po kami maiintriga ng press people, dahil trabaho lang naman po kasi yun.

“And sa tingin ko naman po ay mukha namang mabait si Kris.”

Paano kung i-bash siya ng fans ni Kris sa social media?

Sagot niya, “A… lahat naman po tayo ay may freedom of expression, e.

“Pero ang mga basher, ‘di ko na lang po pinapansin, ‘cause we cannot please everyone.”

At ayon sa pinakahuling balita, break na sina Carl at Kris.



MUSICIAN. Sino ang peg niya niya bilang musician—Taylor Swift o Miley Cyrus?

Ayon kay Isabelle, “Wala naman po akong specific peg as a musician… they’re both talented.

“Pero hinahangaan ko po sina Janis Joplin, Katy Perry, Bono, Steven Tyler, Bob Dylan, at marami pa pong iba.”

Ano ang masasabi niya sa British all-male group na One Direction?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think they’re very talented and handsome young men.”

Ano ang opinyon niya sa kontrobersiyang kinasangkutan ng One Direction, kung saan dalawang miyembro nito ang nakunang humihithit ng marijuana?

Aniya, “Hindi ko po masagot, kasi hindi ko rin po talaga alam ang totoong nangyari sa One Direction.

“Nadaanan ko lang din po kasi iyon sa newsfeeds ko.”

As an artist/musician, ano ang pananaw niya sa ganitong mga bagay?

“As an artist, kahit sabihin natin na buhay nila ‘yon, I think they should just be more careful and responsible with their activities.

“Lalo na iyong mga artists na madaming youth na naglu-look up sa kanila.

“And wala po akong particular na artist na sinasabihan o pinatutungkulan, iyon lang po ang pananaw ko.”



ACTING. Noong nagpahinga siya sandali mula sa showbiz, ano ang na-miss niya sa lahat?

“Ang na-miss ko po sa lahat ay yung umarte ulit. Parte na kasi talaga ang sining ng pag-arte ang pagkatao ko, e.”

Sinabi rin ni Isabelle na ang Magnifico ang isa sa pinakamahirap na role na natoka sa kanya.

“Nine years old po ako at that time and isa po yun sa pinakamahirap kong role.

“I was blessed with five acting awards for that role. Sa FAMAS, Gawad Tanglaw, Guillermo Mendoza, Pasado Awards, at sa Star Awards.

“Ang Magnifico po ay isang napakagandang pelikula, matalino, at may puso ang pagkakasulat.”

May dream role pa ba siya?

Sagot ni Isabelle, “Any challenging role po na taliwas sa personality ko.

“Iyon po kasi yung mga masarap gampanan, dahil kailangan mong bumuo ng bagong pagkatao.”

Sino ang favorite niyang teen stars?

Sagot ni Isabelle, “Sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla po, kasi mahusay sila at mababait.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN