Marian Rivera named Celebrity Media Magnet of the Year

Marian Rivera on being part of "Juan For All, All For Juan" segment of Eat Bulaga!: “Masarap sa pakiramdam kasi ito talaga ang totoong ako, e. Ito ang Marian talaga na hindi nila nakikita. So, thankful ako sa Eat Bulaga! na binigyan nila ako ng chance na makapagpaligaya ng tao talaga.”


Sunud-sunod ang parangal na natatanggap ngayon ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Pagkatapos itanghal na Female TV Star of the Year sa Editors’ Choice category ng The 1st PEP List Awards, ngayon naman ay siya ang ginawaran ng Celebrity Media Magnet Award sa YAHOO! Celebrity Awards 2014.


“Hindi ko alam na may award ako. Nagulat ako. Ang alam ko lang, pupunta ako rito,” sabi ni Marian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro sa Amber Lounge, Fort Strip, Taguig City, kahapon, June 4.

Kahit na nilalagnat ang aktres ay nagpunta pa rin siya sa event.

Nagpasalamat naman si Marian sa panibagong parangal na iginawad sa kanya.

“Siyempre, grateful ako.

“Ang laki rin ng Celebrity Magnet of the Year, ‘di ba? So, thank you.

“At napakabigat ng award na ‘yan para ibigay sa akin.

“So, thank you sa pagtitiwala nila sa akin.”

BLESSINGS. Parang lahat na yata ng blessings ay dumarating sa palad niya ngayon? Bukod kasi sa awards ay sunud-sunod din ang endorsements niya, maliban pa sa TV projects niya.

Sabi ni Marian tungkol dito, “God is good. Thank you, thank you Lord talaga sa nangyayari sa lahat talaga.”

May mahihiling pa ba siya pagdating sa career niya?

Tugon ni Marian, “Minsan may mga bagay kasi na… well, ang tao kasi, hindi naman mauubusan ng pangarap.

“Pero may mga pagkakataon na wala ka nang hihilingin kung hindi magpasalamat ka na lang sa lahat ng blessing na dumarating sa buhay mo.”

Nasa estado raw si Marian ngayon na puro pasasalamat na lang sa lahat ng nangyayari sa kanya.

Wala na siyang mahihiling pa?

“Well, hindi ko naman kasi masasabing wala na kong mahihiling pa, kasi ang buhay naman, marami kang gustong mangyari at matupad.”

Sabi naman ng iba, parang isa na lang ang kulang sa lahat ng masasayang nangyayari sa kanya—ang kasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Why not?” natatawang sagot naman niya.



DANCE PROGRAM. Bukod sa “Juan For All, All For Juan” segment ng Eat Bulaga!, malapit na ring mapanood si Marian sa kanyang sariling dance program sa GMA—ang Marian.

Kailan lang ay nakapag-taping na siya ng pilot episode, kung saan ang naging special guest niya ay si Batangas Governor Vilma Santos.

Gaano ba kabongga ang bago niyang show na ito?

Ani Marian, “Siguro mahirap magsalita kung gaano ito kabongga, pero isa ito sa mga pangarap ko na tinupad ng GMA.”

Sa sobrang busy niya ngayon, paano ba nama-manage ni Marian ang oras niya?

“Manage na manage!” ang natatawang sabi niya.

“Basta palaging sinasabi ko nga, basta gusto, palaging may paraan.”



JUAN FOR ALL, ALL FOR JUAN. Positibo ang feedback sa pagkakasama niya sa “Juan For All, All For Juan.”

Mas naging masaya raw ang grupo na ito nina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros dahil nakikisabay si Marian sa mga kalokohan at pagpapatawa.

Sabi naman ng Kapuso actress, “E, kasi, sa totoong buhay, kalog naman talaga ako, e.”

Masaya raw talaga sa pakiramdam na nakakapagpasaya siya ng mga tao.

“Kakaiba talaga ang experience na nararanasan ko sa Eat Bulaga!. Kasi, actual, e. Hindi ka uma-akting.

“Kung ano yung nakikita mo sa tao, yun ang totoo.

“Ang sarap lang na nakikita mo ang mga ngiti nila na tumutulong ka sa kapwa mo.”

Permanente na ba siyang makakasama ng Dabarkads?

Tugon niya, “Hanggang wala akong soap opera, gagawin ko siya.

“Kasi, Marian lang naman ang ginagawa ko, so right after ‘Juan For All’ ang rehearsal ko ng Marian.

“So, kaya pa hangga’t wala akong soap, gagawin ko siya. Siguro kahit three or four times a week.”

Ano ba ang pakiramdam na mas napalapit siya sa mga manonood dahil sa Eat Bulaga?

Tugon niya, “Masarap sa pakiramdam kasi ito talaga ang totoong ako, e. Ito ang Marian talaga na hindi nila nakikita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, thankful ako sa Eat Bulaga! na binigyan nila ako ng chance na makapagpaligaya ng tao talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN