Kathryn Bernardo reveals getting a tour of Daniel Padilla’s new house

Kathryn Bernardo admits that she and Daniel Padilla are both excited to finish their movie, She’s Dating The Gangster. She assures their fans that it will be different from their previous projects together.


Isang blooming at masayang Kathryn Bernardo ang humarap sa entertainment press sa pagpapakilala sa kanya bilang bagong mukha ng Smart C juice drink sa Aracama, sa The Fort Strip, Bonifacio Global City, kahapon, June 5.

Masaya ang Kapamilya young actress na muling mapagkatiwalaan ng isang produktong kanyang sinusuportahan noon pa man.

Walang bahid ng pagod at puyat si Kathryn dahil game na game niyang ikinuwento ang progress ng ginagawang pelikula kasama ang ka-loveteam na si Daniel Padilla, ang She’s Dating The Gangster.

Saad niya, "Nag-e-everyday shooting na po kami, as in nag e-every day na kami para matapos na."

Gaya ng supporters nila ni Daniel, excited na rin si Kathryn na matapos ang pelikula.

Kuwento niya, “Sa lahat ng movies na ginawa namin ni DJ, ito yung hindi ko pa natatapos, pero favorite ko na siya sa lahat.

“Kasi sa story, yung story kasi, super-ganda ng ginawa nilang story.

"Si Direk Cathy [Garcia-Molina], as in binantayan nila kami sa movie na ‘to kaya exciting.”

Pero gaano ba ito kaiba sa dating mga proyekto na nagawa nila?

“Iba, iba siya talaga, as in malayo siya sa Got To Believe.


"Malayo siya sa lahat ng nagawa ko, kasi very particular kami dun sa pag-arte ko, like yung sa mata, sa paghinga, as in lahat yun, iniiba namin."



PRESSURE. Halos ng projects nila ay naging matagumpay, pero hanggang ngayon ba ay may pressure pa rin sa kanilang dalawa tuwing may bago silang gagawing proyekto?

Sagot ng 18-year-old actress, “Siyempre naman, nandun pa rin yung pressure.

"Pero more on nae-excite ako na mapanood nila yung ginawa naming movie."

Tiniyak din niyang ibang Kathryn at Daniel ang mapapanood sa pelikula.

“Alam ko yung movie, hindi siya yung typical na love story na mapapanood.

“It’s very different kaya masaya ako sa project na ‘to.

"Kaya excited at masaya ako na mapakita ‘to sa tao."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



DJ AS A GANGSTER. Sa totoong buhay ay masasabing may bad-boy image si Daniel, pero sa pelikulang ito, anong klaseng "gangster" ba ang kanyang kapareha?

Sagot ni Kathryn, “’Di ba, ’pag binasa mo yung book, typical na gangster, ganyan.

"Pero dito... basta ibang DJ yung makikita niyo.

“Hindi lang siya bad boy... basta, basta.

“Iba rin si DJ dito sa movie.

“Nag-grow din talaga siya.”

DANIEL’S NEW HOUSE. Nadako naman ang usapan sa bagong bahay ni Daniel.

Masayang-masaya si Kathryn para sa kapareha dahil alam niyang pangarap ito at talagang pinaghirapan ni Daniel.

“Masaya, masaya ako para sa kanya.

"Kasi after ng Dodge niya, yun naman talaga yung next dream niya... na sariling bahay.

“And masaya ako para sa kanila ni Tita Karla [Estrada, Daniel’s mom] kasi alam ko kung ilang puyat at kung gaano nila pinaghirapan yun, at deserve naman talaga nila.”

Niakuwento rin ni Kathryn ang unang pagpunta niya sa bahay ni Daniel.

“First time ko nung surprise birthday niya. So, dun ko nakita.

"’Tapos nag-tour kami, ’tapos super excited siya ipakita.

"Kaya masaya ako kasi naramdaman ko na masaya siya."

Ano ang paborito niyang parte ng bahay ni Daniel?

“Favorite ko siguro yung gagawin nilang area na parang [game room].

"’Di ba, meron silang court, ’tapos lalagyan nila yun ng billiard table, as in yung mga panglaruan.

"So, dun ako nae-excite, sa gagawin nilang yun.

“Para dun kami talaga puwedeng mag-relax and mag-bond talaga.

"And nagagandahan din ako sa door niya sa kuwarto, yung parang cabinet, pero door pala."

Inilarawan din ni Kathryn ang kuwarto ni Daniel.

“Very pang-lalaki, alam mo yung mga trip ng mga lalaki na relax lang, ’tapos may theater sa loob.

"So, yun, masaya ako para sa kanya."

Ano nga ba ang sikreto nila para mapanatili ang "KathNiel magic"?

Sabi ni Kathryn, “Very natural siguro kasi maganda din kasi yung relationship naming dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung friendship namin, sobrang tibay na kaya comfortable na kami sa isa’t isa.

"Kaya yung trabaho, mas madali, kasi kilala ko siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN