Governor Vilma Santos: No wedding plans yet for son Luis Manzano and Angel Locsin

Batangas Governor Vilma Santos on Luis Manzano-Angel Locsin reconciliation: “Ang tingin ko sa kanila ngayon, parang mas may respeto at mas mahal nila ang isa’t isa.”


Tinupad ng Star for All Seasons at Batangas governor na si Vilma Santos ang hiling ni Marian Rivera na maging special guest sa pilot episode ng bagong dance show ng Kapuso Primetime Queen sa GMA Network.

Bago ang taping ni Governor Vi sa programa ni Marian ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang actress-politician sa kanyang tanggapan sa Kapitolyo ng Batangas.

Dito ay nagkuwento siya tungkol sa imbitasyon ni Marian sa kanya.

“Oo, may bago siyang dance show si Marian at hinilingan niya ako na pumunta.

“Yung opening ‘ata, iniimbitahan niya ako.

“Sabi niya, ‘Please, Ate Vi, kahit na ten minutes ka lang nandoon dahil idol kita sa pagsayaw nung Vilma! days pa.

“Peg lang kita kaya sa opening ko, sana kahit ten minutes, gusto lang kitang makita na nandoon.’

“Baka pumunta ako, pero hindi ako sasayaw, papakita lang ako.

“I just want to show my Baby Marian my support.”

Maging si Marian ay madalas nakasuporta sa mga aktibidades ni Governor Vi sa Batangas.

Bukod pa rito ang pagpayag ni Marian na magkaroon ng guest role sa unang indie film ni Governor Vi, ang Ekstra, noong 2013.

Sinabihan na rin ba siya ni Marian tungkol kasal nila ng boyfriend niyang si Dingdong Dantes?

Tugon ni Governor Vi, “Tungkol sa kasal, hindi pa.

“Pero yun ang ano namin, kapag natuloy sila ikasal, ninang ako.”

Totoo bang siya ang nagbulgar ng tungkol sa pinaplanong kasal nina Marian at Dingong?

“Oo, ibinuking ko sila!” natatawang pag-amin ng Star For All Seasons.



LUIS-ANGEL WEDDING IN BATANGAS? Maraming celebrities ang nagpapakasal sa Batangas, at posibleng mapabilang dito sina Marian at Dingdong.

Hindi rin kataka-taka kung sa Batangas maganap ang inaabangan ding kasalan ng panganay na anak ni Governor Vi na si Luis Manzano sa nakabalikang girlfriend nitong si Angel Locsin.

Ngunit ayon kay Governor Vi, “Hindi pa namin napapag-usapan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa dami ng magagandang tanawin sa Batangas, may iminungkahi ba siyang lugar kung saan puwedeng gawin ang kasal nina Luis at Angel, kung saka-sakali?

Tugon niya, “I think they’re mature enough to decide for themselves.

“Basta sina Mommy, si Daddy [Edu Manzano], si Tito Ralph [Recto] niya, amen lang.

“Even si Angel is mature enouogh to decide.

“That’s why ganoon sila ngayon, kasi they’re both mature.

“So, let them be, because buhay nila yun.

“Dito kami to support, yun lang yun.”

Nagsabi na ba sa kanya si Luis na gusto nitong pakasalan si Angel?

Sabi ni Governor Vi, “Wala pa kaming ganoong usapan.

“But, again, si Angel ay hindi iba sa amin.

“Kaya hindi bago ang tratuhan, yung respect and love na meron, dahil ex naman si Lucky ‘yan noon, e.

“So, matagal, din naming nakasama si Angel.

“Unfortunately, it happened na nag-break sila. But now, they’re back.

“And siyempre, natutuwa kami na magkasama sila ulit and nakikita ko na ano, e, masaya silang dalawa.

“Ang tingin ko sa kanila ngayon, parang mas may respeto at mas mahal nila ang isa’t isa.”

Naiinip na ba siyang magkaroon ng apo kina Luis at Angel?

“Oo nga, e… kukunin ko yun kapag babae! My God, baby girl!” tawa niya.



LOVE IS LOVELIER THE SECOND TIME AROUND. Sa isang interview ay nakuwento ni Luis na tinanong niya si Angel kung ready na ba siyang maging “First Lady.” Umoo naman daw si Angel.

Ano ang masasabi ni Governor Vi dito?

“Si Lucky ba mismo ang nagkuwento sa inyo? At least, sa kanya nanggaling.

“Oo, ‘yan yung nung nagdi-dinner kami, ‘yan yung joke nila.

“E, siya ang nagkuwento, hindi ako, ha!

“Kasi ang tawag niya kay Angel, ‘My First Lady’

“Siya ang nagkuwento, ha, hindi ako.

"Lucky, ha, hindi ako! Ikaw ang nagkuwento!” natatawang paglilinaw pa ng ina ni Luis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May dalawang scenario na raw si Luis sa gagawin niyang proposal kay Angel. May nakuwento ba sa kanya ang anak tungkol dito?

Ayon kay Governor Vi, “Wala, oo nga, ngayon, nakikita ko nga, grabe ang proposals. Meron sa screen, ganyan.

“Ang importante, hindi lang maganda ang pabonggahan, anim na oras lang ‘yan.

“Ang mahalaga, yung after niyan.”

Sabi nila, "Love is lovelier the second time around." Nakikita ba niya ito sa dalawa?

“Siguro nga, parang literally, tama. I mean, sa nakikita ko lang, ha.

“Because kapag may special occasions or that time nasa bahay kami, nagdi-dinner.

“So, parang nakikita ko yun na malayo nung una.

“Parang ngayon, mas nakikita mo yung respect and the love for each other.

“Masaya sila pareho, pero hindi ako nandoon para magtanong, ‘Ano’ng ganyan-ganyan?’

“Mukha akong tsimosa nun!” tawa niya.

“E, ayoko noon. Siyempre, prim and proper pa rin si Mommy.

“Pero natutuwa ako.”



THE DINNER. Puwede ba niyang i-share ang mga kaganapan sa dinner nilang iyon noong Mother’s Day?

“Wala… it’s just a family get-together.

“Si Luis ang nag-organize noon. Kasi, kumbaga, araw ko yun.

“Saka sinabi ni Luis sa akin, ‘Mom, we will be going there,’ on the day itself.

“Sunday yun, e, Mother’s Day. ‘Mom, we will be going there. We’ll have dinner. It’s your day.’

“Definitely, natuwa ako.

“Although, hindi naman yun ang first time na nakita ko si Angel, ‘di ba?”

That time ba ay naramdaman niya na kapamilya na talaga nila si Angel?

Sagot ng actress-politician, “She’s been a part of the family palagi, e, hindi bago.

“It’s just, meron na silang buhay.

“At kapag may special occasion, they see to it na nasa bahay sila.”

Bakit niya nasabi kay Angel ang “welcome home”?

Paliwanag niya, “It’s because hindi na siya bago nga. Ibig kong sabihin, dati na kaming magkakasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Like, tuwing Pasko, tuwing New Year, nandito siya palagi sa bahay noon.

“Kaya nung nakita ko siya ulit, ‘Welcome home.’”

Na-miss niya si Angel?

“Oo naman. Mabait naman si Angel. Mapagmahal din sa magulang.

“At saka ina-appreciate ko rin yung… siguro ngayon, public servant ako, na-appreciate ko, merong sincere na tulong.

“Alam ko malaking bagay yung ganoon. Dahil hindi lahat willing gumawa ng ganoon, e.”

Mahilig din tumulong si Angel sa mga nangangailangan, kaya tingin ba niya ay puwede rin itong maging public servant katulad niya?

Sagot ni Governor Vi, “Hindi, yung mga ganyan, usually, nanggaling sa puso and sometimes you do it without camera.

“And si Angel, kinukunan din siya, pero alam ko, behind the camera, marami siyang ginagawa, which I appreciate.”

Ano ang masasabi ni Governor Vi na si Angel lang ang binalikan na girlfriend ni Luis?

“Ma at pa!” bulalas niya.

“E, sila ang nakakaramdam noon.

“Ang maganda lang, I guess, sa ngayon, nakikita mo kung gaano kasaya yung anak mo.

“Kaya nga sinasabi ko kay Gel na, binabanggit ko sa kanya, ‘Thank you for making Lucky happy and thank you for making him lucky.’”



NOT IN A HURRY TO SETTLE DOWN. Thirty-three years old na ngayon si Luis, ngunit hindi pa rin ito nagpapakasal.

Sa tingin ni Governor Vi, ano ang dahilan kung bakit hindi nagmamadaling lumagay sa tahimik ng panganay niyang anak?

Tugon niya, “Alam mo, siguro while you mature, mas gusto ko yung ganoong desisyon ng anak ko, e, na hindi nagmamadali.

“Iba na ang panahon ngayon, e. Technology na ngayon.

“Kaya siguro pati utak ngayon, technology.

“Kapag alam niyang hindi pa niya kaya… I thank God na hindi niya pinapasok na alam niyang hindi pa niya kaya.

“Now, kapag nagdesisyon siya, respect it dahil matagal niyang hinintay yun.”

RYAN CHRISTIAN. Kung si Luis ay patungo na sa kasalan, what about her youngest son, si Ryan Christian?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta masaya rin yung anak kong yun,” sabi ni Governor Vi.

May girlfriend na ba ang bunso niyang anak?

“Ayokong sabihin. Basta… oo!” pambubuko rin niya.

“Baka sisihin ako ng anak ko na sinabi ko, my God!”

Papasok din ba sa showbiz si Ryan?

“Aral muna, magko-kolehiyo na siya this coming school year, e.”

Dito ba sa Pilipinas mag-aaral si Ryan?

“Paparamdam muna namin sa kanya yung… dapat ma-experience muna niya yung college dito.

“Now, kapag prepared na siya, saka siya puwede sa abroad.

“Nag-check kami nung nasa States kami. Tsinek naming yung UCLA, USF something.

“And then, gusto naming i-check itong sa London, yung school doon.

“Si Ralph is very particular sa education ni Ryan.

“Pero gusto muna namin ipa-experience yung aral dito sa kolehiyo.”

Ano ang course ni Ryan?

“Business Management. Imagine, kolehiyo na!

“Naalala ko noon during Vilma! days, huminto ako para magbuntis, ngayon kolehiyo na ang anak ko.

“Ilang months ako noon na-bed rest nung ipinagbubuntis ko si Ryan, ‘di ba?


“’Tapos ngayon, kolehiyo na siya?

“Naku, 36 na ako, my God!” biro ng 60-year-old actress-politician.



SILVER. Ilang taon na silang kasal ni Senator Ralph?

“May seven years, plus twenty… magtu-twenty-eight years na.

“Ang kasal namin, bale magtu-twenty-one pa lang, kasi 1992.

“E, bago kami ikasal, mag-on kami ng seven years.

“So, ang marriage namin ng silver, four years from now.

“Siyempre naman, may wedding ulit!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN