Ryan Eigenmann says brother Geoff handled breakup with Carla Abellana well

Ryan Eigenmann and his wife Cathy have been married for four years and are in relationship for nine. He says, "I love my wife. Best friend for life."


Ilang linggo na rin ang nakalilipas mula nang lumabas ang balitang breakup nina Geoff Eigenmann at Carla Abellana.

Kung si Carla ay nakausap na ng media tungkol dito, nananatili namang tahimik si Geoff.

Kaya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktor na si Ryan Eigenmann ay kinumusta namin sa kanya ang kapatid.

Sagot niya, “Geoff is good, he’s always in my house.

"He’s always with his pamangkin, sina Gabby [Eigenmann, his cousin] palagi rin nasa bahay. We spend weekends.

“Minsan, uuwi ako, tulog si Geoff sa couch. He’s spending his time well.

"Not what... yung ibang tao, can’t handle a breakup, dinadaan sa inom, dinadaan sa kung anu-ano.

“Geoff went through period of pain and then moving on.”

Kay Carla na rin nanggaling na naging malapit siya sa mga Eigenmann.

Naging malapit din ba si Ryan kay Carla?

Tugon niya, “I’ll say so, yeah. They were together for few years din. Yeah, we’re friends.

“Noong mag-break naman sila, never naman akong nakialam.

"Never said anything and I’ll never say anything now.

“It’s not my place to say anything kasi Geoff’s being quiet about everything, I’ll just follow him and leave it as it is.

“If they want separate ways, they’re both moving on.

"Eventually, iisipin mo rin na they are not meant for each other talaga. Huwag nang pilitin.”

Nakausap ng PEP si Ryan sa presscon ng kinabibilangan niyang afternoon soap sa GMA, ang The Half Sisters, noong June 3.

ROMANTIC... NOT. Ayon kay Carla ay hindi raw romantic si Geoff, at sinasabing isa ito sa dahilan kung bakit nagtapos ang kanilang relasyon.

Si Ryan ba ay romantic?

“No,” nakangiti sabi ng aktor.

“I mean, I don’t give flowers on Valentine’s. I don’t celebrate Valentine’s.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, yung anniversary rin kasi namin ng wedding, February rin, February 28 kami, so iniisip namin sa anniversary na lang.

“Pero even before marriage, Valentine’s Day is never a big deal for me.

"Yung special day, like birthday, but not the holidays propagated by a corporation to peddle greeting cards.

“It’s a very commercialized holiday... wala lang.”

Noong narinig niya ang ganoong komento ni Carla tungkol kay Geoff, ano ang naging reaksiyon niya?

Sabi ni Ryan, “Well, I’m not part of their relationship, sa kanila yun.

"If Carla wants a romantic guy, if that’s what she wants and she wants flowers on Valentine’s, who can tell her that she can’t have flowers on Valentine’s, ‘di ba?

“I guess, pareho kami ni Geoff that way. We’re not romantic in that aspect.”



FATHER’S DAY. Dalawa na ang anak ni Ryan sa kanyang kabiyak na si Cathy—sina Catalina at Ruiz.

Kumusta siya bilang ama?

“I’m trying!” natawang sagot niya.

“I’m trying to be the best I can be.

"Pero I believe the best way to learn is through experience, ‘di ba?

“Ang daming self-help book diyan about parenting, how to raise your child, ganito, e, pananaw ng ibang tao yun.

“Iba ang pananaw ko as a man, as a parent, how I see my children.

"So, it’s a work in progress.

"So far, I think, I’m doing an alright job."

FOR LIFE. Apat na taon nang kasal sina Ryan at Cathy, pero siyam na taon silang may relasyon.

Masasabi ba ni Ryan “tried and tested” na rin sila ni Cathy?

Sagot niya, “Yeah, after nine years, I mean, habang-buhay na ‘yan. Best friend for life.”

May conscious effort ba siyang hindi maulit sa kanila ang nangyari sa kanyang mga magulang na nagkahiwalay pagkatapos ng maraming taon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Ryan ang panganay na anak nina Gina Alajar at Michael de Mesa.

Sabi ni Ryan, “I think, ang mga ibang lalaki or sabihin na rin natin na mga babae rin, hindi mo matatanggal sa kanila yung maghanap ng iba.

"There comes a point in time na baka magsawa or to spice things up or whatever reason they have to do what they do, sa kanila na yun.

“The reason I have not done those things is because I love my wife and I don’t want to hurt her.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN