Sunshine Cruz happy about positive comments on MMK acting: “...kahit papaano, hindi na nakasentro ang mga tao sa pagiging hot mom or sexy mom.”

Sunshine Cruz on getting rave reviews for her portrayal in Maalaala Mo Kaya: “Siyempre nakakatuwa yung alam mong nakakapagpaiyak ka ng tao at na-a-appreciate naman nila yung hirap na ginawa mo, ’di ba? So, talagang ano, sobrang bongga lang, nakakatuwa, nakaka-touch.”


Labis-labis ang pasasalamat ni Sunshine Cruz sa sunud-sunod na projects na binibigay sa kanya ng ABS-CBN.

Kahit hindi guaranteed ang contract niya sa Kapamilya network, hindi raw siya nawawalan ng programa.

“Per taping ang agreement namin," ang bungad ni Sunshine noong makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Arya restaurant sa Podium, Pasig City, kamakailan.

“Kaya nga si Tito Alfie [Lorenzo, her manager] sinabi ko na, kasi parang I think merong offer sa ibang channel.

“Pero parang sa akin, ’Tito, paano ‘yan? Nag-start na ako and at the same time, ang laki-laki ng utang na lob ko sa ABS.’

“Tatlong shows agad ang binigay nila sa ’kin, dire-diretso. Sinong artista ang nabibigyan ng dire-diretso na serye?

“For now, okey naman kami sa ABS."

FINANCIALLY STABLE. Noong nag-guest si Sunshine sa morning show ni Kris Aquino na Kris TV, inilahad niya na noong naghiwalay sila ng mister niyang si Cesar Montano, ang savings lang niya noon ay P100,000.

Pero pagkalipas lang ng ilang buwan ay nakabili na siya na bahay para sa kanilang mag-iina.

Masasabi ba niyang financially stable na siya ngayon?

Pagmamalaki niya, “Kahit papaano, kahit paano nakaipon na ako.

“Ang priority ko ngayon, mabayaran yung utang ko sa Mommy ko. Sa kanya kasi ako nanghiram ng pera para pambayad sa bahay.

“Kalahati nabayaran ko, yung kalahati, nanghiram ako sa Mommy ko. Kasi kung sa bangko ka maglu-loan, ang laki ng interes.

“Pero yung tuition fee, sa ama [Cesar] dapat yun. Binibigay naman ng ama nila yun. Enrolled na sila.

“Meron na lang akong konting kailangang bilhin na gamit sa school para sa mga anak ko.”

DAUGHTER SAM WANTED TO JOIN THE VOICE KIDS. May hilig ba sa pag-aartista ang mga anak niya??

Kuwento ni Sunshine, “Ever since mahiyain naman ang mga anak ko. Hindi sila uma-akting.

“Hindi, talagang ano sila, school ang priority.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero yung nine-year-old ko, si Samantha, though lahat sila kumakanta pero ang pinaka-nakikita kong…

"Kasi pinu-push pa ako na gustong sumali ng The Voice Kids, e. Kaya lang tapos na yung audition.”

Okay lang ba sa kanya na sumali si Sam sa The Voice Kids?

Aniya, “Kung yun ang gusto niya, basta huwag mapapabayaan ang school.

“Siyempre kapag ganyan, ipapasok mo siya ng ganyan, kailangan muna na ipaalala sa anak mo na merong nanalo at natatalo. Maging okay siya kapag natalo siya.

“Pero yun nga, hindi siya nakaabot [sa audition]. Pero sabi ko sa kanya, ‘O, there’s more time for you to practice and prepare a lot of songs.’

“Siya mismo, ang sinabi niya, ‘Mommy, I want to audition for The Voice Kids.

“Maganda ang boses niya at mahilig kumanta kahit walang nagtuturo sa kanya.

“But now, kasi start na ng klase, huwag na muna. Priority muna talaga ang school niya. Kasi ito namang Voice Kids kailan lang ‘yan, e, summer vacation ng mga bata, ’di ba?

“Sayang, sayang nga, e.

“Next year na lang, kasi for us, it’s a different environment na.

“Lumipat ako ng Parañaque ngayon. Nag-a-adjust kami. Huwag muna naming pasukan ng kung anu-ano. Mag-focus muna sila sa studies nila, bagong school.

“Big school sila ngayon, e. Dati kasi small school lang sila.

“Ngayon, ’eto talaga, malaking eskuwela na. Ang daming adjustments ang gagawin ng mga bata. So, doon muna sila mag-focus.”

FAVORABLE COMMENTS ON ACTING. Overwhelmed naman si Sunshine sa walang tigil na comments na natanggap niya pagkatapos ng partisipasyon niya sa longest-running drama anthology on TV na Maalaala Mo Kaya sa ABS-CBN.

Gumanap si Sunshine bilang ina ng karakter ni Zaijian Jaranilla, isang batang may cancer.

Pagmamalaki niya, “Nakaka-touch kasi for three days, non-stop yung comments ng tao sa akin.

“Diri-diretso na, sobrang nakakaiyak na yung appreciation ng tao sa akin, and I’m very thankful sa MMK for giving me that chance and that role kasi sobrang bigat talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Three days yun, talagang wala akong taong kinakausap.

“Three days ang taping noon kasi may mga bata.

“Kapag mga bata, may cut-off time so maaga sila. Pero ako, usually, ang taping ng MMK for two days.

“Pero since mga bata ang mga kaeksena ko so, naging three days yun. Pero kami ni Dominic Ochoa, umuuwi pa rin kami alas dos, alas tres kasi may mga scene pa kami without the kids.”

Three days din daw ang nakuhang TF ni Sunshine sa guesting niya sa Maalaala Mo Kaya.

“Oo, nakakatuwa kasi sobrang ano, kahit kanina may nag-message na naman na, ‘I just saw MMK and it’s really heartbreaking, nakakaiyak. Hands down sa ‘yo at kay Zaijian.’"

Masaya si Sunshine dahil mas nakikita na ng tao ngayon ang galing niya sa pag-arte.

“So, talagang ano, sobrang bongga lang, nakakatuwa, nakaka-touch. At least kahit papaano, hindi na nakasentro ang mga tao sa pagiging hot mom or sexy mom.

“Nakita naman nila this time yung acting ko. Kasi talagang iniba nila ang look ko.

“No make-up, puro maluluwag na duster ang suot ko, walang suklay-suklay.

"Talagang ayaw nila akong palapitan sa mga make-up artists para magmukha talaga akong losyang.

“Wala, nothing. Kung meron lang iaabot sa ‘yo dahil kakaiyak mo, sinipon ka, tissue lang."

Maging ang mga anak daw niya ay napaiyak ng episode.

“Grabe ang iyak ko doon. Kahit yung mga anak ko, we were watching it, yung mga anak ko, humihinto lang umiyak kapag commercial break.

“’Tapos kapag ’eto na naman Maalaala Mo Kaya, humahagulgol [sila] lalo na yung bunso ko. Tawa ako nang tawa!

“Siyempre nakakatuwa yung alam mong nakakapagpaiyak ka ng tao at na-a-appreciate naman nila yung hirap na ginawa mo, ’di ba?” pahayag pa niya.

Wish ni Sunshine na mabigyan pa siya ng challenging roles tulad ng ginampanan niya sa Maalaala Mo Kaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“In fairness with ABS-CBN, ang gaganda ng mga roles na binibigay nila sa akin, ha.

“Sa Dugong Buhay, iyak din ako nang iyak, pati sa Galema. Kaya sobrang grateful ako sa ABS-CBN.

“’Tapos may ginagawa akong Pure Love. Although si Alex [Gonzaga, lead star ng upcoming drama-series] ngayon nasa loob ng Bahay ni Kuya.

“But ewan ko kung kailan siya lalabas. Pero we’re just waiting for her para maka-resume kami ulit ng Pure Love.

“Nakaka-six shooting days na ako doon, e. Six taping days. Pero tengga kami ngayon magmula nung pumasok si Alex.

“Ganoon talaga kung ikagaganda naman ng show.

“Kumbaga, siyempre, lalong magiging matunog ang pangalan niya becaude of PBB. Para paglabas niya ng PBB, maingay na maingay ang name ni Alex, so okay lang.

“Kasi para sa akin, wala naman akong dapat ireklamo kasi sa isang taon nag-overlap din ako, Dugong Buhay at Galema.

“So, sabi siguro sa akin ng Diyos, magpahinga ka naman tutal malapit na ang pasukan ng mga bata, i-enjoy mo muna ang mga bata, ang mga anak mo.

“E, kahit naman ganoon [na wala siyang regular show], tuluy-tuloy pa rin [ang kita].

"Meron akong MMK, meron akong mga guesting na iba,” ang mahabang pasasalamat niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN