LJ Reyes in no rush to enter new relationship: "...love is a decision. Once you commit, kailangan committed talaga."

LJ Reyes on rumors linking her ex-partner Paulo Avelino to KC Concepcion: “As long as happy sila, I’m happy for them. Kasi, ‘di ba, deserve naman ng lahat ng tao na magkaroon ng somebody na makakasama.”


Natutuwa si LJ Reyes na muli siyang gumagawa ng indie film para sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.

Matatandaang dito siya unang nagkaroon ng acting award para sa pelikulang The Leaving at ang huli niya ay ang Intoy Syokoy, kung saan nakatanggap din siya ng maraming rekognisyon.

Nang makita at makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si LJ Reyes sa opisina ng PPL Entertainment sa Quezon City noong June 3, una naming kinumusta sa kanya ang pagsu-shooting niya ng The Janitor na dinidirek ni Mike Tuviera.

“Okay naman, masarap magtrabaho ro’n dahil una, ang director namin, masarap katrabaho.

“’Tapos yung mga artistang kasama ko, magagaling talaga na gusto kong makatrabaho,” masaya niyang ibinalita.

Mag-asawa sila ni Dennis Trillo sa The Janitor na may hawig daw sa Hollywood movie na The Departed.

Sabi ni LJ, “Si Dennis, masaya siyang katrabaho. Kapag trabaho, trabaho talaga.”

Natawa na lang daw siya nang ma-link sila ni Dennis dahil nga magkasama sila ngayon sa pelikula.

Pero kung sakali, posible ba siyang ma-attract kay Dennis?

“Guwapo naman yung tao. Attractive naman yung tao. Hindi naman mahirap magustuhan ang personality niya. Mabait naman si Dennis,” ani LJ.

ON SAS REFORMAT. Bukod sa The Janitor, madalas daw ay regional shows ang pinagkakaabalahan ni StarStruck alumna.

Isa rin siya sa once-a-month na lang na mapapanood sa Sunday All Stars o SAS.

Ano ang naramdaman niya sa naging epekto sa kanya ng pagbabago sa show?

“Well, hindi naman talaga ako regular ng SAS before. Na-absorb lang ako kaka-guest guest ko hanggang sa naging regular na ’ko.

“So, okay lang. Okay lang naman kasi, nakaka-miss din naman ang family day at saka ang weekends mo kasi, siyempre, yung family mo at friends mo usually, yun ang free time nila.

"Hindi mo man lang makasama, hindi mo man lang madala sa simbahan ang anak mo nang maayos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At least, may time. Yung once a month, okay lang sa akin.”

Nakarating din daw kay LJ ang balitang nasuspinde si Mark Herras sa SAS dahil sa mga naging pahayag nito nang magkaroon ng reformat.

Pero sabi na lang ni LJ, “Well, may kanya-kanya naman talaga ng opinyon ang mga tao. Lahat ng tao naman entitled to their own opinion. Pero siguro rin, meron lang din taong dapat pagsabihan, ‘di ba?

“’Tapos, saka yun, mahirap na rin kasing ma-misinterpret.”

Nakakasama raw niya si Mark sa gym. At natutuwa naman daw siya rito dahil nakikita raw niyang “very proud” ito sa anak na si Ada.

SICK “LOLA.” Simula nang magkahiwalay sila ni Paulo aavelino, na ama ng anak niya, na-link na rin siya sa ibang actor. Pero wala pang nabalita na naging boyfriend niya.

Kumusta na nga ba ang puso niya ngayon?

“Okay naman,” nakangiti niyang sabi.

“Ano lang—well, napaisip ako ro’n. Pero kasi, may sakit ang lola ko kaya nandoon ang focus ko. Kaya yun din ang pinagkakaabalahan ko ngayon.

“Nalaman ko kasi, nasa Amerika ako.

“Actually, hindi talaga namin siya kamag-anak. Pero siya yung nanny from the generation ng Mommy ko.

“So sa mga magkakapatid mula nang ipinanganak, nandoon na siya, present na siya. So lola na ang tawag ko sa kanya.

“Ngayon kasi, nasa bahay siya ng pinsan ko, pero baka kunin ko siya. Tinapos muna namin ang check-up niya. Naospital siya for about a month, buti pinayagan na siyang lumabas.”

TOO BUSY FOR LOVE. Sa personal na aspeto ng buhay niya, partikular sa buhay pag-ibig, wala ba siyang ini-entertain ngayon?

“Busy ako,” natatawa niyang sabi.

“Pero totoo kasi magtatrabaho ako, mag-aalaga ako ng lola ko, si Aki. Alam niyo yun? Usually, nanonood lang ako ng sine kasama ang friends.”

Hindi naman siya yung naghahanap o nag-iisip na may kulang sa kanya pagdating sa bagay na yun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, siyempre kapag down ka at may iniisip ka, siyempre, gusto mo na meron kang ka-partner na parang makakagaanan ng loob mo.

“Pero wala, e. Nakakatawa. Natawa tuloy ako sa sarili ko,” natatawa ngang sabi niya.

Naalala namin si JC de Vera na na-link din sa kanya.

Anong nangyari? Hindi ba na-develop pa sa mas malalim sanang pagkakaibigan?

“Kay JC? Wala, hindi rin naman kami nagkikita at saka, matagal na rin naman. Naging busy rin ako.

“At saka friendship lang naman.”

Handa na ba siyang ma-in-love muli?

“Alam niyo, masarap ma-in love. Pero, sabi nga noong Sunday sa church, love is a decision.

“Once you commit, kailangan committed talaga. So especially ngayon na meron akong anak, kailangan kapag nag-decide ako na ma-in love, dapat maayos.

“Yung pang-matagalan or yun na yun. Yun na ang dyowa mo for life.”

ON PAULO AVELINO. Tungkol naman sa ex-partner niya, tanggap na ni LJ na tatanungin at tatanungin siya tungkol dito.

Natatawa niyang sabi, “Hanggang sa mamatay pa yata ako, nakadikit pa rin ang pangalan niya sa akin.”

Kumusta naman sila ni Paulo ngayon?

“Okay naman. Civil naman kami. Kapag tungkol kay Aki, nag-uusap kami,” lahad niya.

Nag-uusap sila sa personal?

“Hindi pa kami nakapag-usap in person, usually, text or phone.”

Maayos naman daw bilang Tatay si Paulo sa anak nito.

Sabi ni LJ, “Mahal na mahal naman niya si Aki. Okay naman siya although ngayon, parang medyo busy yata siya.”

NOT AFFECTED BY RUMORS ABOUT PAULO. Ano ang nararamdaman niya kapag nakakarinig siya ng mga balitang nag-uugnay kay Paulo at KC Concepcion?

“Wala,” nakangiti niyang sabi.

“Wala, walang reaksiyon. Wala talaga, e. Kung siguro noong medyo fresh pa, baka. Pero ang hirap kasing i-explain sa inyo.

“Hindi ko nga sinabi kung ano ang nangyari. Basta,” sabi na lang niya.

Sa kanilang dalawa ni Paulo, sino sa palagay niya ang unang naka-move on sa paghihiwalay nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Feeling ko, ako. Hindi ko na i-e-explain kung bakit, pero, ‘wag na rin nilang alamin kung bakit.

“Pero kung anuman ang i-speculate ng tao, okay lang.”

Paano kung sina Paulo at KC na nga ang talagang magkarelasyon? Magiging masaya ba siya para sa mga ito?

“As long as happy sila, I’m happy for them. Kasi, ‘di ba, deserve naman ng lahat ng tao na magkaroon ng somebody na makakasama.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN