Angeline Quinto quashes alleged rift with Erik Santos: “Tampuhan? Wala namang ganun.”

Angeline Quinto explains that the alleged "tampuhan issue" between her and Erik Santos probably stemmed from their live TV guesting on Kris TV: “Si Ate Kris lang ang nagsabi niyan kasi nag-guest kami no’n sa Kris TV, e live yun. Alam ninyo naman si Ate Kris, ’di ba?...Akala niya may something between me and Erik. Sabi ko wala, okay naman kami.”


May tampuhan ba sa pagitan nina Angeline Quinto at Erik Santos?

Nitong nakaraang Miyerkules, June 4, marami ang nakapansin na tila may pader sa pagitan ng dalawa noong nag-duet sila sa Kris TV.



HOW IT STARTED. Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Angeline, agad naming tinanong ang singer kung totoo ba na nagkasamaan sila ng loob ng Prince of Pop?

Paliwanag ni Angeline, “Okay naman kami ni Erik, medyo busy din yung tao so ’di kami masyadong nagkakasama lately. Ang pinaka kita namin ay dito sa ASAP.”

Sa tingin ni Angeline, nagsimula ang haka-haka dahil sa tanong ng host na si Kris Aquino.

“Tampuhan? Wala namang ganun. Si Ate Kris lang ang nagsabi niyan kasi nag-guest kami no’n sa Kris TV e live yun.

“Alam ninyo naman si Ate Kris, ’di ba? Kung ano ang maitanong, maitanong nun.

“Akala niya may tampuhan kami ni Erik kasi nung pinapaupo niya ako sa tabi niya [Kris] e katabi niya si Erik nun. Sabi ko ’wag na muna kasi ’di na kami kasya sa upuan.

“Akala niya may something between me and Erik. Sabi ko wala, okay naman kami.”

ERIK HURTING? May mga kuwentong lumalabas na nasaktan daw kasi si Erik na nag-entertain ng ibang manliligaw si Angeline, at pakiramdam daw nito ay parang bigla na lang siya nitong iniwan sa ere. Hindi naman tinago ni Angeline na talagang nakikipag-date siya ngayon sa iba.

“Totoo yun na may in-entertain ako ng ibang lalake, pero kasi alam naman yun ni Erik.

“Noong una nagbibiruan pa kami na mas guwapo siya e totoo naman na mas guwapo siya dun.

“Pero kasi mas enjoy na ka-date yung isa.

"Pero kami naman ni Erik e mabuting magkaibigan."

Sa paglabas-labas nila noon ni Erik, nanligaw ba ang Prince of Pop kay Angeline?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi nanligaw pero minsan, dating din. Para sa amin kasi ayaw naming madaliin, natatakot ako na mawala ang friendship namin,” pagklaro ni Angeline.

COMEDY MOVIE. Nang kumustahin naman namin ang mga pinagkakaabalahan ni Angeline, binalita niya sa aming may pelikula siyang ginagawa ngayon kasama sina Assunta de Rossi at Angelica Panganiban.

Kuwento ni Angeline, “Sa ngayon, may ginagawa akong movie with Ms. Assunta and Angelica Panganiban under Quantum Films and Star Cinema.

“Actually, comedy ito, talagang nag-e-enjoy ako sa movie na ginagawa namin and excited talaga ako sa mga katrabaho ko.

“At the same time, yung third album ko pa rin, Higher Love, yun pa rin ang pinu-promote ko sa mga mall shows ko," pagtatapos ng dalaga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN