Vice Ganda moves on after breakup: “In love, you will commit the same mistakes over and over again, but it’s worth it.”

Despite the pain he experienced from his recent breakup, Vice Ganda declares, “Love is worth it. Love is worth the pain kasi ang daming magagandang bagay na maidudulot sa ‘yo ng pag-ibig, ng pagmamahal. Nakakaganda, nakakasaya ang love. It’s worth it!”


Pagkatapos ng kontrobersiyang breakup ni Vice Ganda sa kanyang basketball player ex-boyfriend, isang araw nawala ang komedyante sa Showtime.

 

Lumabas din ang pangalan ni Terrence Romeo na agad namang itinanggi na wala siyang relasyon kay Vice.

 

Kinabukasan ay humingi ang TV host ng tawad on air sa ginawang pagliban dahil na rin sa sobrang lungkot na napagdaanan niya ng araw na iyon.

 

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Vice noong nakaraang Miyerkules sa set ng Showtime at agad namin kinumusta ito.

 

“Masaya, masaya ako. Sobrang okay, maaliwalas ang aking pakiramdam," ani Vice.

 

“Ah, Biyernes ba? Oo yata Friday, ah parang Thursday…wala, I just gave myself a break, I just gave myself time to cry, to deal with my real emotions, kasi nga sabi ko parang hindi na normal.

 

“Parang masyado na akong napaplastikan sa sarili ko na sinasabi ko sa mga tao dapat masaya, masaya, masaya. Masaya lalo na pag sa Showtime, when in fact, hindi naman ako totoong masaya.

 

“Sabi ko pag gusto kong ibigay yung araw na yun, iiiyak ko na lahat para kinabukasan, totoo na yung ngiti ko.

 

“True enough masaya, masaya na ’ko ulit.

 

“Nailabas ko na… oo, nailabas ko na lahat.

 

“Hirap din naman kung itago mo sa sarili.

 

“Ang saya-saya mo dito sa Showtime, pag-uwi mo iiyak ka naman.

 

“Nakakabaliw! One emotion at a time,” pahayag niya.

 

 

HURT BUT NOT MAD. Para kay Vice, marami siyang natutunan sa nangyari at isa na dito ang pagpokus sa mga magagandang bagay na nangyayari sa kanya.

 

Dagdag pa niya, “I learned to appreciate the great things na nakapaligid sa akin.

 

“Oo, mas nag-dwell ako sa magaganda, e.

 

“At saka I never got mad, not at all. I was just hurt, I was badly hurt, but I never got mad.

 

“Oo, siguro dapat hindi ka magalit kasi tuwing magagalit ka hindi ka makaka-move on, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 

“Kasi pag magagalit ka, gugustuhin mong gumanti, gugustuhin mong makapanakit at sabi ko nga, kung gumanti ka o manakit ka, hindi naman nito mapapangako ang masarap na tulog sa gabi, e.

 

“Yun ang gusto koâ€"makatulog sa gabi.”

 

Bago pa man lumabas ang pangalan ni Terrence Romeo ay na-interview namin si Vice at siniguro nito sa amin na hindi siya broken-hearted gaya ng kadalasang nangyayari sa mga relasyong nauuwi sa breakup.

 

Ngayon ay tinanggap na ng TV host na broken-hearted talaga siya noong panahong iyon.

 

“Na-realize ko I was broken-hearted, pero I did not get mad.

 

“I was just hurt, badly hurt, but I’m over it. Wala, hindi talaga ako nagalit. Sumama lang ang loob, nasaktan ako talaga,” pag-amin pa niya.

 

Sa interview ni Vice sa The Buzz ay inamin nito na magkaibigan silang naghiwalay ng ex pero sa ginawa nitong pagpapa-interview ay natapos na rin ito. Tinanong namin si Vice tungkol dito pero umiwas na rin itong magbigay ng pahayag.

 

“Ay, ayoko nang magsalita.

 

“There are things na I wanna keep to myself na lang for now. Gusto ko magkaro’n ng konting reservations,” deklara niya.

 

 

OVERWHELMING BY SUPPORT. Hiningan namin ng reaksyon si Vice sa ginawang pagdedepensa sa kanya ni Boy Abunda sa The Buzz.

 

“Maraming salamat kay Tito Boy.

 

“Ang saya kaya, lalong naging madali para sa akin ang lahat because I didn’t have to say a thing to defend myself.

 

“There are so many people who defended me on this issue.

 

“Ang daming tao who stood up for me, ang daming tao na hindi ko inaakala pero nagsalita to defend me.

 

“Nakakatuwa, I felt the love from everyone tapos noong nagsimba ako sabi nung pari, sabi ko nga alam kaya nung pari na nandidito ako kasi parang para sa ’kin yata yung ano... yung Misa, yung sermon...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 

“Sabi niya, ’You may be denied of love by one person but never by your God.’ Kaya masarap, hindi ko kailangang ipagtanggol ang sarili ko, ang daming nagmamahal sa akin,” pagpapasalamat ng Showtime host.

 

 

LOVE IS WORTH IT. Sa sakit na pinagdaanan ni Vice, masasabi ba niya ngayon na bukas na siya muli sa panibagong pakikipagrelasyon?

 

At dahil sa nangyari, nangangahulugan ba na magiging maingat na siya sa susunod na pakikipagrelasyon at hindi na siya magmamahal nang sobra-sobra?

 

Mabilis niyang tanggi, “No, no, no… Hindi naman iwas, gusto ko mag-enjoy. Gusto ko lang talaga laging mag-enjoy.”

 

“Wala, hindi naman totoo yun.

 

“In love you will commit the same mistakes over and over again, but it’s worth it.

 

“Love is worth it. Love is worth the pain kasi ang daming magagandang bagay na maidudulot sa ‘yo ng pag-ibig, ng pagmamahal.

 

“Nakakaganda, nakakasaya ang love. It’s worth it!”

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN