Richard Gutierrez and Annabelle Rama insist they never denied Sarah Lahbati’s pregnancy

Inamin ni Annabelle Rama na isang manghuhula ang nagsabi sa kanyang isa sa mga anak niya ang makakabuntis. Nagkatotoo ang hula sa kanya dahil ang paborito niyang anak na si Richard Gutierrez ay nabuntis ang kasintahan nitong si Sarah Lahbati.


Iginiit ng mag-inang Annabelle Rama at Richard Gutierrez na hindi sila kailanman nag-deny tungkol sa pagbubuntis at panganganak ng girlfriend ng aktor na si Sarah Lahbati.

Noong nakaraang Linggo, June 1, ay inamin na nina Richard at Sarah ang pagkakaroon nila ng anak—si Zion Gutierrez—sa reality show na It Takes GUTZ To Be A Gutierrez.

Read: Richard Gutierrez finally admits: “Yes, I’m a proud father.”

At kagabi naman, June 8, ay ipinakita nila sa unang pagkakataon ang mukha ni Zion.

Humarap sina Annabelle at Richard kay Kris Aquino para sa isang interview sa The Buzz 15 kahapon.

Sabi ni Annabelle, “Ika-clarify ko lang, kasi tinatanong ng iba, bakit daw kami deny nang deny.

"Never kaming nag-deny—never."

Sinang-ayunan naman ni Kris ang sinabi ni Annabelle. Sa pagkakatanda raw niya, hindi lang nagsasalita ang pamilya Gutierrez tungkol sa isyu.

Ayon naman kay Richard, “We never denied it.

“For Sarah and I, kasi siyempre, we’ve been through a lot last year.

“Sarah and I realized that, I think, it’s also the right move to wait for the right time.

"Para maging private din kami ni Sarah."



BY HER SIDE. Nasa tabi naman daw ni Sarah si Richard nang manganak ang kasintahan sa Geneva, Switzerland.

Saad ni Richard, “Yes, I was there.

“Ang nangyari diyan, doctors in Geneva, Switzerland, where Sarah gave birth… the doctor said she’s gonna give birth anytime this week.

“So, Sarah called me up.

“I was working here [in the Philippines]. And then, nagpaalam ako ng five days na pupunta ako ng Switzerland. Pinayagan naman ako.

“Yung five days na yun, within five days, she gave birth, so I was very thankful that I was there.

“Ako yung first person to welcome baby Zion.”

Ayon pa kay Richard, nang malaman nilang nagdadalantao si Sarah, wala silang sinabihan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Even her mom, kasi we were thinking of ways on how to break the news.

“So, until one day... I have to let them know.”



THE PREDICTION. May nanghula naman daw kay Annabelle na isa sa mga anak niya ang makakabuntis.

Doon pa lang daw ay kinabahan na siya.

Kuwento ng celebrity mom, “Mahilig kasi akong magpahula talaga.

“Totoo naman, sabi sa akin, nakikita raw niya na may anak daw akong makabuntis.

“Sabi ko naman, ‘Ay, ‘wag sanang si Richard! Okay lang sa akin na iba!’

“Sabi ko, ‘Tingnan mong mabuti, ‘Day, baka nagkamali ka.’

“’Meron talaga.’


“’Sino?’

“’Yung favorite mong anak.’

“Sabi ko, ‘Hindi, hindi ako naniniwala sa ‘yo, sinungaling ka!’

“Yun pala, totoo. Kaya sabi ko, ’Totoo pala minsan ang hula.’”



BREAKING THE NEWS. Paano ipinagtapat ni Richard sa pamilya niya ang pagbubuntis ni Sarah, lalo na sa kanyang ina?

Kuwento ng 30-year-old actor, “One morning, nakita kong good mood naman sila ng dad ko [Eddie Gutierrez], which is one of the regular days in our house.

“I said, ‘Mom, Dad, magkaka-apo na kayo. Sa amin ni Sarah.’

“Sabi niya, ‘Congratulations.’”

Pag-amin naman ni Annabelle, “Kunwari lang yun, Darling.

“But deep in my heart, I was so, so worried, nag-cry talaga ako.

“Nag-cry ako kasi totoo pala ang mga hula.

“Sabi ko, sana mali ang hula. Sana si Elvis na lang, ganyan-ganyan...

“’Tapos, sabi ko, matagal kami ni Eddie na nag-usap. Parang hindi ko pa rin matanggap.

“’Tapos sabi ko, sana nagbibiro lang si Chard, sana hindi totoo.

“Siyempre naman, nabibigla ako.”

Patuloy ni Annabelle, “Parang natanggap ko na bandang huli. Nakikita ko siya, worried siya.

“’Tapos, nakikita ko si Chard, nagtatrabaho siya na para siyang restless.

“So, sabi ko, ‘Chard, ‘wag ka nang mag-worry, okay na ako.’

“Para ma-relax lang siya. Makapag-shooting na siya. Makapagtrabaho na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nalungkot talaga ako. Kasi, parang ang aga naman.

“’Ang bata-bata pa ni Sarah. Ano kaya ang mangyayari sa kanya?’ sabi kong ganun.

“’Tapos yung nanay naman [ni Sarah], ‘Ipinagkatiwala ko si Sarah kay Richard.’

“’Day, wala kang magawa. Na-in love ang dalawa, wala kang magawa.’”

Parang sinisisi sila ng nanay ni Sarah?

Sagot ni Annabelle, “Ako, sa akin sinisisi.

“Sabi ko naman sa kanya, ‘Huwag ka nang mag-worry, kasi pasalamat ka, si Richard ang ama, na papanagutan naman niya si Sarah at ang baby.

“’At saka, kaya namang buhayin ni Richard ang anak mo,’ sabi ko sa kanya.

“Kasi, nasasaktan din ako kapag nagsisisi siya.

“I can’t blame her also kasi pinuprotektahan niya [si Sarah].

“Parang si Ruffa ang nakikita ko, ganoon din ako kay Ruffa dati.”

Si Ruffa Gutierrez ang panganay at nag-iisang anak na babae nina Annabelle at Eddie.

Nag-iisang anak daw si Sarah ng mga magulang nito.

“Siyempre, bata pa ang anak niya. I can’t blame her.

“Pero sabi ko sa kanya, ’Huwag kang malungkot, papanagutan ni Richard si Sarah at ang baby.’”

Nineteen years old lamang si Sarah nang isilang niya ang anak nila ni Richard.



NOT YET ENGAGED. Nilinaw naman ni Richard na ang mga sinasabi ng kanyang ina ay mga pangyayari noon pa. Pero ngayon daw ay maayos na lahat.

Inamin din ng aktor na nagsasama na sila ni Sarah at ang kanilang anak sa bahay ng mga magulang niya, kunsaan din nakatira ang ate niyang si Ruffa at ang dalawang anak nito.

Pagtatapat pa ni Richard, bagamat may anak na sila ni Sarah ay hindi pa sila engaged nito.

Natawa naman si Annabelle nang tanungin ni Kris kung ayaw pa niyang magpakasal ang anak.

Sabi ni Richard, “Hindi naman.”

Ayon naman kay Annabelle, “Sabi ko sa kanila, ‘Enjoy niyo muna ang life niyo pareho, kasi mga bata pa kayo pareho.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lalo na si Sarah, bata pa.

“Enjoy naman si Sarah sa kanyang work ngayon.

“Parang happy ako na nakakapagtrabaho siya. Tapos na ang problema niya.”

Katuwiran naman ni Richard, “Well, for me kasi, one major life decision at a time.

“Sobrang blessing sa amin na dumating si baby Zion sa buhay namin.

“Ngayon pa lang namin nasi-share si baby Zion. Ngayon pa lang namin nae-enjoy having a baby.

“So, yung marriage, I believe it will come at the right time.”

Pero si Sarah na ba ang “the one” para sa kanya?

Sagot ni Richard, “Of course! I won’t be spending my time with her if she’s not the right person.

“It’s in the horizon but, for now, it’s very important na…

“Kakabalik lang niya sa work niya. I’m having a reality show and she’s enjoying her time with baby Zion.

“So, doon muna kami naka-focus as of now, but everything will fall into places.”



RICHARD AS A FATHER. Sa edad ngayon ni Richard na 30, masasabi ba niyang handa na siya sa pagiging tatay?

“Yes, kaya ko,” sagot niya.

Kapag nakikita ni Richard ang anak nila ni Sarah, ano ang nararamdaman niya?

Si Annabelle ang sumagot para sa anak.

Aniya, “Ay, iba na, iba na. Nakalimutan ko nang mag-tweet.

“Kasi, every time na pupunta ako ng bahay, humahalik na siya sa akin.

“Alam niyang lakwatsera ako. Sumasama siya sa akin sa mall, mag-aaya na siya sa kotse.

“Nakalimutan ko nang mang-away, mag-tweet.”

Sabi naman ni Richard, “You know what, yung effect ni baby Zion sa buong family is very positive.

“Talagang he brings joy and happiness to the whole family at nakikita ko yun sa both side.”

Kuwento pa ni Annabelle, “Ang mommy ni Sarah, pumupunta sa bahay. Doon siya natutulog kay Zion kapag weekend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako naman, nandoon kami every day ni Eddie.

“Hindi puwedeng hindi ako pupunta every day. Kasi, na-addict talaga ako.

“Hindi na ako tumitingin sa Twitter at sasagot ng mga bashers.

“Sabi ko, wala na akong panahon diyan.”

MOMMY KNOWS BEST. Nang tanungin ni Kris si Richard kung ano ang ginagawa nito ngayon, si Annabelle ang sumagot ng: “May movie siyang katatapos lang.”

Sabat naman ni Richard, “Ma, she is asking me. Lahat ng tanong sa akin, ikaw ang sumasagot.”

Sabi naman ni Annabelle, “Ang tagal mo kasing sumagot, Darling. Sagot ka agad, sige.”

Natatawang sagot ni Richard, “Yes, I have a new movie coming up.”

Napansin ni Kris na bumalik sa dati ang katawan ni Richard at halatang nakapagbawas ito ng timbang.

Singit na naman ni Annabelle, “Tell them na truth, anak, bakit ka pumayat.

“Na-inspire kasi siya sa movie ni Ruel Bayani, in-offer-an kasi siya.”

Tawanan na naman ang lahat kaya biro ni Kris kay Richard, “Ang hirap katabi ng mommy mo.”

Sabi naman ni Richard, “Maybe it’s because I’m very happy right now.”

Singit ulit ni Annabelle, “Talagang nagpapayat siya, nag-diet siya. Hindi siya kumakain ng rice.

“Ang handa ko sa kanya, palaging yung dressed chicken na walang ano…”

Sabi ni Richard, marami siyang pinagdaanan noong nakaraang taon.

Ano ba ang ipinagdarasal ng isang ina, lalo na sa anak na inaamin niyang paborito niya?

Sagot ni Annabelle, “Ang dasal ko talaga na makakayanan niya at makalimutan niya ibang problema.

“Matapos na ang mga problema ni Sarah.

“Kasama rin si Sarah sa dasal ko. Ipinagdarasal ko rin si Sarah na sana magsipag si Richard sa trabaho.

“Ngayon, masipag na ulit siya.”



AGAINST THE SHOW. Dalawang episodes na ng It Takes GUTZ To Be A Gutierrez! ang napapanood sa E!.

Pero tutol daw noong una si Richard na gawin ang programa. Bakit?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon niya, “I don’t know.

“It’s just that my whole career, I felt that I was always trying to put up my privacy.

“Obviously, if you’ll do a reality show, you’ll open your life to the public.

“I don’t know… I wasn’t used to it.

“I wasn’t sure that I want to share my life.”

Paano siya nakumbinsing makasama sa show?

“I realized that, why not?

“I questioned myself also and the opportunity came and we’re able to work with E! Network, very good network.

“And sabi ko, bakit hindi?

“Right now, our family, we’re not hiding anything.

“And once the people get to know our family, I think, they’ll like us more.”

Ano naman ang gusto niyang sabihin sa kanyang ina na si Annabelle?

Saad ni Richard, “Of course, lahat naman na meron kami ngayon, kung anong klaseng tao kami ngayon, dahil din naman sa parents ko, sa mom ko.

“And hindi talaga maiaalis sa akin yung having faith in the Lord, at Siya talaga ang naglagay sa core namin ngayon.

“And, always be a family.

“No matter what happens, no matter what problem arises, kapag shinare mo sa family mo, we can all go through it.”

Ayon naman kay Annabelle, “Alam mo, haping-happy ako.

“Maski ako, hindi ko nagawa yung dapat kong ginawa na mapag-aral mabuti para matutong mag-English.

“At least, napag-aral ko ang mga anak namin ni Eddie.

“Yung wala sa amin, nasa kanila.

“Tuwang-tuwa ako na lahat sila, ganyan. Marespeto sa tao, hindi mayabang.

“Kahit nasa taas, nandiyan pa rin ang paa sa lupa.

“I always tell them na huwag maging mayabang.”

Ano ang mensahe ni Richard kay Sarah?

Sabi ni Richard, “Yes, I’m very thankful for her. I’m very proud of her.

“Lahat ng pinagdaanan namin, nandoon kami para sa isa’t isa, and for her patience also.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung bond namin ni Sarah ngayon is unbreakable after what we’ve been through.

“And we’re just happy that, now, we have baby Zion.

“And she’s doing good as a mom.”

Ano naman ang gusto niyang sabihin sa anak na si Zion?

Sagot ni Richard, “That I love him, that I’m proud of him.

“That I will protect him no matter what and I just want him to be a good kid.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN