Erik Santos distances himself from Angeline Quinto

Inamin ni Erik Santos na dumistansiya muna siya kay Angeline Quinto dahil na rin sa manliligaw ng female singer. Sinabi rin ni Erik na hindi na sila lumalabas ni Angeline.


Marami ang nakapansing tila nag-iiwasan at wala na ang sweetness nina Erik Santos at Angeline Quinto nang mag-duet sila sa programang Kris TV noong nakaraang linggo.

Bihira raw ang eye contact sa dalawa na dapat ay makita sa dalawang singers na nagdu-duet.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Erik noong Linggo, June 8, sa studio ng ASAP 15, inamin ng singer na naglagay na siya ng distansiya sa pagitan nila ni Angeline.

“Hindi naman tampuhan, wala namang tampuhan, ano lang… paano ko ba sasabihin?

“Medyo, hindi ako handa. Medyo distansiya lang, pero we’re okay.

“Kung ganun man, may reason kaming dalawa. Sa amin na lang yun.”

Sinasabing ang dahilan ng pag-iiwasan na ito ng dalawa ay dahil sa bagong manliligaw ni Angeline, na ayon naman sa female singer ay ipinaalam niya kay Erik.

Sinag-ayunan naman ito ni Erik.

Aniya, “Hindi naman, nag-usap naman kami about it.

“Hindi ko pa nami-meet… hindi naman kailangan.

“I don’t want to go into details, pero okay kami. Okay naman ako.”

Dagdag niya, “Yung pagkakaibigan namin, intact pa rin yung pagiging magkaibigan.”

May posibilidad kayang sila pa rin ang magkatuluyan sa huli?

Sagot ni Erik, “Hindi naman natin yun masabi, but who knows, ‘di ba?”

Lumalabas pa ba sila ngayon ni Angeline?

“Hindi na, hindi na,” pag-amin niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN