Julie Anne San Jose enjoys ten-day vacation in USA

Julie Anne San Jose on her dad: “Marami akong hindi nasasabi sa kanya. Kasi siyempre, hindi naman ako showy sa feelings ko. Pero naipaparamdam ko naman sa kanya. And, lagi rin naman akong nagpapasalamat sa kanya sa lahat ng suportang ibinibigay niya sa aming magkakapatid at sa pamilya namin. Ipinagpapasalamat ko rin sa kanya na… never siyang nawala."


Halos kasabay lang nakabalik sa Pilipinas ni Julie Anne San Jose ang kapwa Kapuso stars niyang sina Heart Evangelista at Tom Rodriguez.

Galing ang tatlo mula sa New York.

Kuwento ni Julie Anne sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Sina Heart at Tom lang po ang nagkaroon ng show doon.

“Ako naman po, nagbakasyon lang talaga.

“Kumbaga, parang treat ko na rin iyon sa sarili ko na bumisita doon.

“Ten days po akong nag-stay sa U.S. Five days sa New York, ‘tapos five days sa L.A.

“Masaya naman. Nakapaglakwatsa po ako nang husto… sobra!”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang young Kapuso singer-actress noong Linggo, June 9, sa Sunday All Stars ng GMA.



NEW YORK, NEW YORK. Pangalawang beses na raw niyang makapunta sa New York. Last year ay nag-show siya doon for GMA Pinoy TV.

Bakit nagustuhan niyang bumalik sa New York?

Sabi ni Julie Anne, “Gusto ko lang pong ma-explore.

“Kasi last year, hindi ako nakapasyal doon nang maayos.

“Kaya nung bumalik ako, nilubos-lubos ko talaga.

“At saka nakakatuwa kasi fast-paced lahat, lahat naglalakad.

“’Tapos, kumbaga, walking distance lang lahat.”

Kasama si Julie Anne sa upcoming dance show ni Marian Rivera na Marian.

Hindi siya nakapag-taping para sa pilot episode nito dahil kadarating lang nga niya galing sa Amerika.

Sabi niya, “Excited na po akong mag-taping sa show.

“Inihahanda ko na rin ang sarili ko dahil mapapasabak din ako sa sayawan dito.”



FATHER’S DAY. Malapit na ang Father’s Day. Hindi pa raw napag-iisipan ni Julie Anne kung paano nila idaraos ito ng kanyang ama.

Pahayag niya, “Marami akong hindi nasasabi sa kanya.

“Kasi siyempre, hindi naman ako showy sa feelings ko.

“Pero naipaparamdam ko naman sa kanya.

“And, lagi rin naman akong nagpapasalamat sa kanya sa lahat ng suportang ibinibigay niya sa aming magkakapatid at sa pamilya namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ipinagpapasalamat ko rin sa kanya na… never siyang nawala.

“Sila ng mom ko, napalaki nila kami nang maayos. Mahal na mahal ko silang pareho ng mom.”

Patuloy ni Julie Anne, “In some ways, masasabi ko na daddy’s girl ako, kasi may mga pagkakapareho kami sa hilig at hobbies namin.

“When it comes to emotions, kay Mama naman. Gano’n naman kasi yata talaga.

“Si Papa, ayaw talaga niya dati na mag-showbiz ako. As in, ayaw niya talaga.

“But nagkaroon kasi kami ng deal before na I have to finish school, gano’n.

“At na-prove ko naman sa kanya na kayang-kaya kong pagsabayin ang career at pag-aaral ko.

“At saka okey rin naman sa akin na… maganda rin pong experience na napagsasabay ko ang pag-aaral ko at saka yung work ko.

“And name-maintain ko naman na matataas lahat ng grades ko.

“Ang education po kasi for me, parang isa ‘yon sa magagandang bagay na puwede mong iregalo sa mga magulang mo, ‘di ba?

“Ang showbiz kasi, parang hindi siya forever.

“Pero as long as may education ka, tatatak sa ‘yo na may pinag-aralan ka.

“At saka may pride ka dahil nakatapos ka ng pag-aaral. May fallback ka.”

Graduating na si Julie Anne sa kursong Communication Arts sa Angelicum College ngayong taon.

“Hopefully!” sambit niya.

“Hopefully, pero hindi pa ako nagti-thesis.

“Pero konti na lang, matatapos ko na ang studies ko... kaya naman.”



DIET & EXERCISE. Malaki na ang ipinayat ni Julie Anne, at tuluy-tuloy lang daw ang pagda-diet at regular exercise na ginagawa niya.

Saad niya, “I do sit-ups. Araw araw ‘yon.

“Nagmu-Muay Thai at nagba-boxing din ako.

“But for me, you don’t have to be skinny. Ang importante ay maging fit ka.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN