Manny Pacquiao accepts new challenge as PBA coach

Manny Pacquiao explains why basketball is similar to boxing: “Sa basketball naman ay halos similar lang sa boxer. Kailangan din ng disiplina, matinding training, at siyempre, mga strategy.”


Bukod sa pagiging boksingero at pulitiko, matatawag na rin bilang basketball coach si Manny Pacquiao.

Opisyal nang ipinakilala ang Pambansang Kamao bilang head coach ng bagong dagdag na team sa Philippine Basketball Association (PBA), ang Team Kia, kahapon, June 9.

Sa Oktubre magiging opisyal na kalahok ang Kia sa PBA kasabaya ng pagbubukas ng 2015 season.

Read: SPIN.ph: It’s official: Manny Pacquiao will be head coach of Kia Motors in PBA debut next season

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Manny sa inihandang press conference ng Pizza Hut para sa kanya bilang bago nitong endorser.

Kaya raw niya tinanggap ang pagiging coach, “Mahilig din kasi talaga ako sa basketball, e.

"Before boxing, ‘yan na rin ang hilig ko talaga."

Ayon pa kay Manny, wala halos pagkakaiba ang basketball at boxing.

“Sa basketball naman ay halos similar lang sa boxer.

“Kailangan din ng disiplina, matinding training, at siyempre, mga strategy.

“Kung mabilis ang strategy mo sa boxing, magagamit mo rin ‘yan sa boxing.

“Yung mga techniques din kung paano gumawa ng offense and defense.”

Bilang paghahanda, mas pagtutuunan muna raw niya ng pansin ang training ng mga miyembro ng kanyang team.

“Sa ngayon, focus muna sa pagiging coach, kasi kailangan mabuo yung solid team para sa pagsisimula ng pagsali ng Kia.”

Diin pa 35-year-old boxer, “Magiging istrikto tayo sa training.”

Gayunman, tiniyak ni Manny na hindi niya pababayaan ang kanyang tungkulin bilang isang public official, pati na ang training para sa kanyang susunod na laban sa November ngayong taon.

“Wala namang problema. Time management lang.

“Maganda rin na dito ang training ko sa Manila for this fight, so hindi ko rin maiiwanan ‘yon,” sabi ng Sarangani representative.

PROPERTY FOR SALE. Samantala, muling ipinaliwanag ni Manny ang balak niyang ibenta ang kanyang mansion sa Los Angeles, California.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hanggang ngayon ay for sale pa rin ang naturang property, na naging kontrobersiyal noong nakaraang taon dahil sa usap-usapang senyales daw ito na malapit nang ma-bankrupt si Manny.

Read: Manny and Jinkee Pacquiao deny bankruptcy report

Sabi ni Manny, hindi pa niya ito maibenta dahil hindi pa siya nakakapagdesisyon kung ano ang bibilhing property sa Beverly Hills, sa may Los Angeles, California rin.

Aniya, “Hindi pa muna puwede ipagbili kasi hindi ko pa na-finalize yung tatlong bahay sa Beverly.

“Kasi tumitingin ako ng mas malaking lupa doon sa mataas na lugar ng Beverly para tanaw ko yung buong lugar.”

Diin pa niya, “Hindi ko pa na-close yung tinitingnan ko, so hindi ko pa puwedeng ibenta ‘yon.

“Pero ibebenta ko rin ‘yon kapag close deal na yung bahay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN