Marian Rivera to meet boyfriend Dingdong Dantes in U.S. for romantic rendezvous

Nilinaw ni Marian Rivera na nagbibiro lamang siya nang sabihin niya sa isang interview na gusto niyang magkaroon ng isandosenang anak sa kasintahang si Dingdong Dantes. Saad niya, “As if naman kaya ko yun! Sabi ko nga, in time. Kasi nag-iisang anak ako. Kung bibigyan ako ng chance talaga, hangga’t kaya ko, gagawin ko.”


Bukas, June 11, ay lilipad papuntang Amerika ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera para sa series of shows ng GMA doon.

Dalawang linggo mawawala sa bansa si Marian, kaya wala siya rito kapag nag-premiere ang kauna-unahang dance program niya sa GMA Network, ang Marian, sa June 21, Sabado.

Kaya naman kaninang hapon, June 10, ay ginanap na ang grand launch ng Marian sa Studio 7 ng GMA Annex Building.

Kabilang sa mga lugar na pupuntahan ni Marian sa U.S. ang Los Angeles, San Francisco, San Diego, at Las Vegas.

Ngunit pagtatapat ng aktres, “‘Tapos, siyempre hindi naman po ako papayag na wala po akong segue sa pag-ibig.

“Kikitain ko po yung mahal ko doon.”

Ang tinutukoy siyempre ni Marian na "mahal" ay ang kanyang boyfriend na si Dingdong Dantes, na magtutungo rin sa Amerika para sa sarili niyang series of shows doon.

Kuwento ni Marian, “Actually, natuwa ako sa kanya, kasi siya ang nakaisip na magkita kami.

“Kasi ako talaga, uwi na ako [pagkatapos ng shows], kasi kailangan ko ring mag-taping para sa Marian.

“Kailangan kong mag-Eat Bulaga! ulit dahil mawawala ako ng two weeks.

“So, sabi niya, ‘Ba’t hindi tayo magkita?’

“So, nagpaalam ako sa Triple A [talent management], hindi naman nila ipinagdamot. Ibinigay naman nila.

“Hay, o, ‘di ba, ang saya!” bulalas pa niya.

Pero tumangging sabihin ni Marian kung saang lugar sa Amerika sila magkikita ni Dingdong.

"Secret!"



DINGDONG ON MARIAN. Dahil mayroon nang sariling dance show si Marian, hindi raw siya papayag na hindi mag-guest dito si Dingdong.

Lalo na’t nagsimula ang aktor bilang miyembro ng all-male dance group na Abztract Dancers.

Pero anong klaseng sayaw naman kaya ang gusto ni Marian na sayawin nila ni Dingdong?

“Dirty dance!” walang kagatul-gatol na sabi niya.

Paliwanag ni Marian, “Kung hindi ako nagkakamali, sa promo namin ng Marimar, first time namin ginawa ‘yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, ibabalik ko uli ‘yan na mga panahon ng Marimar...”


Ang Marimar ang kauna-unahang teleserye na pinagtambalan nina Marian at Dingdong noong 2007.

Ang ibig sabihin ay magiging sensuwal ang sayaw nila?

“Hindi naman! Meron namang dirty dance… OA naman yung sensuwal.

“Kumbaga, sexy din siya pero… sige na nga, sensuwal na nga!

“Of course, why not?” pagsang-ayon na rin ni Marian sa huli.

Sa isang panayam ay sinabi ni Marian na, kung sakali, gusto niyang magkaroon sila ni Dingdong ng isandosenang anak kapag ikinasal sila.

Pero kanina sa presscon ay sinabi niyang nagbibiro lamang siya.

“As if naman kaya ko yun!” tawa niya.

“Sabi ko nga, in time. Kasi nag-iisang anak ako.

“Kung bibigyan ako ng chance talaga, hangga’t kaya ko, gagawin ko.”



SUPPORT SYSTEM. Ano naman ang mensahe ni Dingdong para sa kanya ngayong may sarili na siyang dance program?

Ayon kay Marian, “Sobrang happy siya.

“Isa sa ipinagmamalaki ko sa relationship naming dalawa, kung anong achievement ang nakukuha ng bawat isa, masaya kami para sa isa’t isa.

“Kasi, sabi ko nga, sa rehearsal ko, dire-diretso, pagod na pagod talaga ako, talagang inuumaga na ako.

“Nasa bahay na ako, hindi pa ako makatulog kasi iniisip ko yung mga set ko.

“Pero malaki po talaga ang naitutulong ng mahal mo ang trabaho mo, at nakikita mo yung mga mahal mo sa buhay na pinu-push ka pataas at binibigyan ka ng energy para magawa mo ang trabaho mo.

“Kasi kapag nakikita mo na tsini-cheer ka nila, vitamins lang ‘yan, e.

“‘Pag alam mong marami ang nagmamahal at nagtsi-cheer sa ‘yo, parang yung immune system mo, parang, ‘Kaya ko ‘to.’

“At yun ang masuwerte ako dahil buo yung sa akin.”

May nararamdaman ba siyang hindi nagmamahal sa kanya?

Tugon ni Marian, “Parang wala…

“Kung meron man na napapansin mo, siguro sa confetti na ito, ang colorful, ‘di ba, yung kalat, hindi ko na nakikita.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN