Marian Rivera pays tribute to Vilma Santos and Maricel Soriano in pilot episode of Marian

Marian Rivera on what her show, Marian, can offer to the viewers: “Kumbaga sa camera, 360, ganun ang gagawin ko, Lahat—hip-hop, sexy, tina-tumbling, hinahagis. Wala po akong limitations.”



Sa pilot episode ng dance program ni Marian Rivera sa GMA Network, ang Marian, ay special guests ang dalawa sa itinuturing na icons pagdating sa pagsasayaw—ang Star For All Seasons na si Vilma Santos at ang Diamond Star na si Maricel Soriano.

Saad ni Marian, “Masasabi ko na isang suntok sa buwan ang makasama ko sila, dahil hindi ko inakala sa sarili ko na magagawa ko yun.

“Kasi alam nating lahat na tumatak talaga sila na mahusay sumayaw, kaya nga siya naging Diamond Star [Maricel], kaya nga siya naging Star For All Seasons [Vilma].

“So, hindi ko lubos-akalain na ibibigay sa akin ng Diyos na maranasan na makasayaw sila sa iisang entablado.

“At isinayaw ko pa yung mga pinasikat nila.

“So, masarap lang sa pakiramdam.”

Dagdag niya, “Siyempre, gusto natin i-guest yung, bukod sa malalapit sa puso ko, yung talagang mahuhusay sumayaw.

“Siyempre, yung mga first episodes ko, gusto ko yung talagang tinitingala ko, na isa sila sa mga inspirasyon ko kung bakit nagkaroon ng Marian.

“At siyempre, hindi naman natin maiaalis sa mga tao na sila naman talaga ang nauna.

“Bilang respeto rin at malaki talaga ang paghanga ko sa dalawang bisita ko sa first episode namin.

"Nararapat lang na sila ang kasayaw ko talaga."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Marian sa press conference ng Marian kaninang hapon, June 10, sa Studio 7 ng GMA Network Center.



INTERVIEW PORTION. Bukod sa pagsasayaw ay mag-i-interview rin ng kanyang mga guest si Marian sa show.

Kinabahan ba siya sa bahaging ito ng kanyang programa?

Saad ni Marian, “Actually, yung first guests ko kasi ay malalapit sa puso ko.

"So, hindi ako nakaramdam ng pagkaba. Hindi ako na-tense.

“Pero sinisigurado ko na meron din naman akong alam tungkol sa mga iinterbyuhin ko.

“Ayoko naman na on the spot, na ibinigay lang sa akin ng writer, yun ang tatanungin ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May mga assignment din akong kailangang gawin.

“At naniniwala ako, bilang host, dapat hindi lang yung ibinibigay ng writer yung alam mo.

“Dapat may sarili kang pag-aaral para sa mga guest mo.

“Para at least, aware naman sila na pinaghahandaan mo sila at importante sila.

“Lahat ng guests namin, binibigyan namin ng importansiya.”

Sino namang Kapuso female stars ang gusto niyang i-guest sa Marian?

Tugon niya, “Depende kung sino ang free… Marian is open to everyone as long as magaling kang sumayaw at willing kang ipakita ang talent mo.”

Pero kung meron man daw isang tao na tila imposible ngunit gusto niyang i-guest sa show, ito ay walang iba kundi ang kanyang ina na si Amalia Rivera.

Paliwanag ni Marian, “Kasi mahiyain ‘yon, pero magaling sumayaw.

“E, kasi hindi ma-showbiz si Mama, e.

"Alam mo naman ‘yon, nasa likod lang ng kurtina ‘yon, hindi nagpapakita."



DANCING QUEEN. Tinanong ng PEP si Marian kung sumailalim muna ba siya sa dance workshop o formal dance lessons bago niya simulan ang Marian.

Sagot niya, “To be honest, wala.

“Pero yung exercise ko kasi… after ko nag-Muay Thai, nag-stop ako, kasi feeling ko, nagkaka-muscle ako nang sobra. Nag-Zumba ako.

“Siguro kasi, bata pa lang ako, mahilig na talaga ako sumayaw.

“Sa partido man ng tatay ko o nanay ko, lahat kami sa pamilya, hilig ang pagsasayaw.

“So, feeling ko, nasa dugo ko na talaga ang pagsasayaw.”

Natural talent?

Sabi ni Marian, “Huwag na lang nating sabihing natural.

“Mas masarap pa rin yung sa bawat nagre-rehearsal ako, marami akong natututunan.”

Sa teaser ng Marian ay binanggit ang mga programa noon nina Vilma Santos, Maricel Soriano, at Alma Moreno na pawang nakilala sa kanilang husay sa pagsasayaw.

Sa henerasyon ngayon ay ibinabalik ni Marian ang panahon kung saan namamayani ang pagsasayaw sa telebisyon.

Pero ano ang bagong maibibigay ng isang Marian Rivera sa mga manonood?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ng Kapuso Primetime Queen, “Alam naman ng lahat na sumasayaw ako.

“Alam nila naghi-hip-hop ako. Alam nila gumigiling ako—yung trademark na sinasabi nila.

“Pero dito sa Marian, nalalaman ko na… kahit sa sarili ko, nagulat ako, na kaya ko pala siyang gawin.

“Na hindi lang hip-hop, hindi lang ganito… Ibig sabihin, umpisa pa lang ito.

“Naniniwala kasi ako na ang pagiging mahusay o kagalingan sa isang bagay, gradual ‘yan. Walang nakukuha nang biglaan.”

Kung si Vilma ay nakilala sa kanyang lifting dance numbers at si Alma ay sa kanyang pagsusuot ng tanga, ano naman ang magiging trademark ni Marian sa show niya?

Kampante niyang sagot, “Kumbaga sa camera, 360, ganun ang gagawin ko,

“Lahat—hip-hop, sexy, tina-tumbling, hinahagis. Wala po akong limitations.”



ONE SEASON. One season show lang daw ang pinirmahan ni Marian para sa kanyang show na ito.

Pero paano kung mag-hit ito at magkaroon ng extension?

Sabi ng Kapuso actress, “Sa ngayon po, ang priority po namin, yung ibinigay lang po at pinirmahan ko lang po na isang season.

“Malay niyo po… nag-enjoy ang mga tao, nag-enjoy ang mga Kapuso natin, malay niyo po, kayanin natin na nagsu-soap na ako, nag-i-Eat Bulaga na ako, magma-Marian pa ako!

“Ako na si Curacha!” biro pa niya.

Gusto niya bang tumagal ang Marian ng maraming taon, gaya ng programa noon ni Vilma Santos?

Sagot ni Marian, Mahirap pong magsalita ng tapos, e.

“Siguro po, priority po namin ngayon, maipalabas po ito.

“At sobrang proud po kami sa ginagawa namin sa Marian.

“Hihintayin po namin yung pagmamahal at pagyakap po ng mga tao.

“Kasi, para po sa akin, lahat po nangyayari sa buhay, may dahilan.

“Kung gaano po nila tatanggapin ang Marian, ipagpapasalamat po namin.

“Saka ipinagdadasal po namin na tumagal ang Marian… wish ko din po iyan.”

Ang Marian ay mula sa direksiyon ni Louie Ignacio at ang choreographer nila ay si Geleen Eugenio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mga stylist naman ni Marian para sa show ay sina Liz Uy at Pam Quiñones.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN