Gabby Eigenmann finally gets his first title role in Kapuso network

Gabby Eigenmann on pressure of being the title role in his upcoming soap: "I always say naman na sa lahat ng projects na ginagawa ko, napi-pressure ako. Kasi, bakit ako inilalagay sa ganitong klaseng proyekto? Bakit sa dinami-rami ng artista, bakit ako? Siguro, they believe in me. They believe in what I can do. And what I always say, I like the pressure. It strives me to do better in every project that I do."


Sa kauna-unahang pagkakataon, si Gabby Eigenmann ang gaganap sa title role sa upcoming afternoon soap ng GMA Network, ang Dading.

Mula sa pagiging kontrabida sa mga nakaraan niyang teleserye, ngayon ay isang “daddy na bading” ang karakter na gagampanan ni Gabby.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabby sa opisina ng PPL Entertainment Inc. noong June 6, tinanong namin siya kung ano ang pakiramdam na title role na siya.

Sagot ng 36-year-old actor, “Ayokong isipin na ganun, e.

“For me, it’s just another job, another project. Hindi pa nagsi-sink in sa akin.

“Pero palagi nilang sinasabi sa akin, you know, itong showbiz, na-feel ko naman na happy sila para sa akin na, ‘Uy, title role!’

“I feel it as a project, trabaho, e. Kumbaga, it’s a profession.

“Parang sa doctor, kung may pasyente ka, magtrabaho ka.

“Parang ako, kung may show, magtrabaho ako.”



THE PRESSURE. May takot ba siyang nararamdaman bilang unang title role niya ang Dading?

Ayon kay Gabby, “I always say naman na sa lahat ng projects na ginagawa ko, napi-pressure ako.

“Kasi, bakit ako inilalagay sa ganitong klaseng proyekto? Bakit sa dinami-rami ng artista, bakit ako?

“Siguro, they believe in me. They believe in what I can do.

“And what I always say, I like the pressure.

“It strives me to do better in every project that I do.

“Kung wala namang pressure, parang siyempre, yung treatment ko sa trabaho, kung hindi ako napi-pressure, wala lang.”

Napi-pressure ba siya sa ratings?

“Siyempre,” pag-amin niya.

“Pero sabi ko nga, karamihan naman ng nasa showbiz, you’re as good as your last project.”

Naniniwala siya sa kasabihang iyon?

Tugon ni Gabby, “Oo naman, siyempre bawat proyektong ginagawa mo, kung nagkaroon ka ng marka dun at binigyan ka ng bagong project, ibig sabihin, maganda yung nagawa mo sa huling proyekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun lang, nanggaling ako sa Paraiso Ko’y Ikaw na hindi pinagpalang tumagal.

“Pero sabi ko nga, I did my part, I did my best, and nabigyan ng panibagong opportunity.”

Patuloy niya, “Hindi naman ako yung artistang maraming followers at admirers sa industriyang ito.

“Ang ano ko lang, gawin ang ibinigay sa akin na trabaho at pagtatrabahuhin ko nang mabuti kaya yun ang medyo…

“Siyempre, ratings, sana talaga.”

Hindi pa umeere ang Dading at kasalukuyan pa lang silang nagti-taping.



UNEXPECTED. Ang Dading ay isang bagay raw na hindi inakala ni Gabby na makukuha niya.

“I don’t expect anything naman.

“That’s why after Paraiso, oo, malungkot ako, hindi tumagal, but I don’t blame… it’s just, may ganun.”

Nasa Japan daw siya, kasama ang pamilya at ang pinsan na si Geoff Eigenmann, nang malaman niyang may project na naghihintay para sa kanya.

Sabi niya, “Noong malaman ko, ang sa akin, at least, may bagong show.

“Ganun yung sa akin. So, thank you.”



GAY ROLE. Madalas ay kontrabida ang mga role na ibinibigay kay Gabby sa GMA.

Napaisip ba siya kung bakit gay role ang naisipang ipagkatiwala ngayon sa kanya ng Kapuso network?

Saad niya, “Noong una, inisip ko, siguro baka nagustuhan nila ang pag-portray ko sa Magpakailanman.

“Baka they like how I can do something in any roles that given to me.

“Feeling ko, baka may confidence sila sa akin, at natutuwa ako na ipinaparamdam nila na may tiwala sila sa akin.

“Noong malaman kong bading ang role ko, sabi ko, ‘Uy, bago ‘to. Hindi man kontrabida, challenging.’”

Gaano ka-challenging sa kanya ang bagong karakter na ginagampanan?

“Siyempre, sometimes if you’re really passionate as an actor, gagawin mo yung role na yun.

“Minsan, yun nga ang problema ng iba, minsan naiuuwi mo sa bahay.

“Minsan, yun ang medyo… I have to get used to not being in character!” natatawang sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naiuwi na ba ni Gabby sa bahay ang pagiging bading niya?

“So far, hindi.

“Pero sa set, minsan hindi ko nabibitaw agad.

“Usually kasi, pagdating ko sa set, in character na ako.

“After every scene, usually, I tend to relax na, okay, role lang ‘to.

“Minsan when I talk na, during break, in character pa rin.

“So, mahirap, kaya sabi ko, baka mahipan ako ng hangin, matuluyan ako!” biro pa niya.



COMPARISON. Sa Kapuso network, nakilala nang husto sa pagganap bilang bading sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez sa hit primetime series na My Husband’s Lover.

Paano kung makumpara siya sa mga ito?

Tugon ni Gabby, “Yun nga, that’s why we wanted to do it differently.

“When I read the script, week one pa lang, bading na bading talaga siya, e.

“Yun ang sinasabi nga nila na noong dini-discuss namin na gusto naming ilayo sa nagawa ni Dennis.

“May nagsasabi pa na, ‘Yung daddy mo [Mark Gil], nakagawa na ng bading na role.’

“Si Tito Mike [Michael de Mesa], si Sid [Lucero, his half-brother], nakagawa na ng bading na role.

“And sabi ko na lang, as much as we want to make it different, bading is bading.

“Ang dami lang levels. May sosyal na bading, may cheap na bading… ang dami.”

Anong klaseng bading siya sa Dading?

“Mahinhin ako, e, malumanay. Pero kapag kausap ko si Gardo [Versoza], siya ang parang mentor ko na bading. Been there, done that, siya ang loud.

“So, pagkausap ko siya, lumalabas ang pagka-jolly ko na bading.

“Pero kapag kausap ko ang best friend ko, si Glaiza [de Castro] na magiging nanay, sweet ako, maasikaso. Parang best friend, e.

“Kapag sa lover ko, yun, feeling ko, girl ako.”

May conscious effort ba siyang mailayo ang pagganap niya bilang bading sa napanood na kina Tom at Dennis?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Gabby, “Oo, kasi itong binabasa ko, bading. Hindi siya pa-girl.

“But, yun nga, we have to put different dynamics.”

Ito raw ang unang pagkakataon na makakatrabaho ni Gabby si Glaiza.

Kumusta naman sila?

Ayon sa Kapuso actor, “First time kay Glaiza, kaya after ng first-ever eksena namin, nagyakapan kami na, finally, nagkaeksena na tayo.

“Kasi, usually, hi and hello lang.

“Sabi ko nga, wala itong process ng bonding, wala itong process ng workshop.

“Kasi, super close kami dapat, yung characters namin.”



CARLA-GEOFF BREAKUP. Sa isang banda, kinumusta rin ng PEP kay Gabby ang naging bakasyon niya sa Japan, kasama ang kanyang pamilya at si Geoff.

Sa naturang bakasyon, kasama rin sana nila ang ex-girlfriend ni Geoff na si Carla Abellana.

Ngunit hindi natuloy ang aktres dahil na rin sa kinasapitan ng relasyon nila ni Geoff at sa maraming trabaho.

Sa past interviews ni Carla, nababanggit nito madalas ang pangalan ni Gabby na isa sa naging malapit sa kanya, kaya nang mag-break daw sila ni Geoff ay nalungkot siya sa nabuo nang pagkakaibigan nila ng pinsan nito.

Sabi naman ni Gabby tungkol dito, “Well, naging close naman kami and, sabi ko nga, kung anuman ang naging communication namin, kami lang yun.”

Kumusta naman si Geoff noong bakasyon nila sa Japan? Hindi ba ito nangulila?

Sabi ni Gabby, “Sobrang saya. Sobrang saya rin namin sa Japan.”

Hindi ba nakaapekto na walang partner si Geoff nang magbakasyon sila?

“Tinapos namin ang bakasyon, e.

“Kung magma-matter na dapat nandoon siya, hindi na sana namin itinuloy, ‘di ba?

“So, masaya. And I think, yung outlook niya sa buhay ngayon, mas malinaw.

“Pero alam mo, ayoko na rin i-entertain ang hindi naman nakaka-affect sa akin and my personal life.

“Yun lang ang medyo weird, kasi kung may gagawin man akong proyekto, hindi na nawawala o naihahalubilo ako sa pinsan ko, sa kapatid ko, ‘di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Iniiwasan na niyang matanong o magsalita tungkol sa pinsan o kapatid niya?

Sagot ni Gabby, “Hindi naman sa iniiwasan, hindi naman sa ayaw, pero alam ko naman they won’t talk and they won’t defend themselves.

“And the only one that’s been doing that is ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN