Mark Bautista reveals Gwendoline Ruais initiated their breakup; admits he had a thing for Sarah Geronimo "for a time"

Mark Bautista breaks silence about the end of his relationship with Gwendoline Ruais; says she initiated the breakup but he’s happy he has known the Miss World Philippines titleholder for a year.


Napadako sa usapang puso ang interview kay Mark Bautista ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa presscon ng upcoming concert niyang The Best Of Me kahapon, June 10, sa Crowne Plaza, Ortigas, Pasig City.

Thirty-two years old na kasi ang singer at hanggang ngayon ay single pa rin siya.

Ang huling napabalitang naging karelasyon ni Mark ay ang Miss World Philippines 2011 na si Gwendoline Ruais.

Hindi sila umamin sa tunay ng estado nila noong taong 2012, pero madalas silang makitang magkasama sa showbiz events.

Read: Gwendoline Ruais and Mark Bautista on their "getting to know each other" stage

GWEN’S MOVE. Dahil vocal na si Mark sa pagsagot tungkol sa mga katanungan tungkol kay Gwen, inusisa ng media ang tungkol sa kanilang nakaraan.

Engaged na si Gwen ngayon sa athlete-model na si David Semerad.

Saad ni Mark, “Like last year pa yun, so okay na ako dun... yeah, engaged na siya.

"Happy ako na nakilala ko siya for a year.

“Oo, for a year din, yun lang.”

Ano ba ang dahilan ng kanilang hiwalayan?

Atubiling sagot nito, “Ay, ayokong pag-usapan…

"Tanungin natin siya, ayokong manggaling sa akin.

"Kasi feeling ko naman may pagkakamali din ako.

"Kahit sabihin kong ayoko rin namang akuin lahat ang pagkakamali, siguro may time na siya rin may pagkakamali rin... hindi ko alam.”

Sino ba ang nakipaghiwalay?

Pag-amin ni Mark, “Siya ang nag-initiate ng breakup.

"Ako, sabi ko, ‘Okay.’”

Pero ayaw nang magdetalye pa ni Mark dahil naka-move on na raw sila pareho mula sa kanilang naging relasyon.



HAPPY FOR SARAH. Masaya na rin si Mark para sa kasabayan niya sa Star For A Night na si Sarah Geronimo, na maligaya na ngayon sa piling ng boyfriend nitong si Matteo Guidicelli.

Na-in love ba siya kay Sarah noon?

Pag-amin ni Mark, “For a time, nagpakita ako kay Sarah ng intensiyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Matagal na matagal na yun, siyempre ’di mo maiwasan dahil matagal kaming nagkasama talaga.

“So, naniniwala ako na in God’s perfect time, makakahanap ka ng right person for you.

"And si Sarah siguro, nakahanap na siya ng right person.

"And ako, antay ko lang, baka na-traffic lang, and darating din yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN