Jenifer Murillo camp on Claudine Barretto robbery case: "She might be an actress and influential but she is not above the law."

The lawyer of househelps Jenifer Murillo and Malou Becher attests his clients have valid reasons to file cases against their former employer, Claudine Barretto. "Jenifer and Malou filed cases because of Ms. Barretto’s wrongdoing against them," says Atty. Rico Quicho in an exclusive interview with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) today, June 11.


Desidido si Jenifer Murillo, ang dating kasambahay ni Claudine Barretto, na ituloy ang kasong robbery laban sa aktres.

Ito ay matapos maghain ng not guilty plea si Claudine sa ginanap na arraignment o pagbasa ng sakdal sa Marikina Regional Trial Court kaninang umaga, June 11.

Kahapon, June 10, ay boluntaryong sumuko ang aktres upang magbayad ng piyansa na nagkakahalaga ng P100,000.

Read: Claudine Barretto posts bail in robbery case filed by former househelp

Pahayag ng legal counsel ni Jenifer na si Atty. Rico Quicho, hinggil sa pag-usad ng kaso laban kay Claudine: “I was earlier informed that Ms. Barretto appeared in court and posted bail after learning that her motion was denied.

“We would pursue the case to its end.

“Ms. Barretto pleaded not guilty.

“We are preparing for the pre-trial and trial of the case.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Atty. Quicho sa pamamagitan ng palitan ng mobile messages ngayong araw.

Kasalukuyang nasa U.S. ang abugado upang kumuha ng master’s degree sa abugasya sa University of California, Berkeley.

Ngunit regular umano ang komunikasyon niya sa kanyang associates at pati na rin kay Jenifer para sa kaso.

Sa June 24 ang simula ng pre-trial para sa kasong robbery na kinahaharap ng aktres.



NOT ABOVE THE LAW. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagbigay rin ng pahayag si Atty. Quicho hinggil sa alegasyon ni Claudine na ang kasong robbery na isinampa ni Jenifer ay pakana lamang ng estranged husband ng aktres na si Raymart Santiago at kapatid nitong si Gretchen Barretto.

Read: Claudine Barretto slams Raymart Santiago and Gretchen Barretto over robbery case against her

Kontra-pahayag ni Atty Quicho: “That statement is totally baseless and irresponsible.

“Jenifer and Malou [Becher] filed cases because of Mrs. Barretto’s wrongdoing against them.

“Her total disregard to their rights and threats and abuses to my client are valid reasons to file these cases against her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She might be an actress and influential but she is not above the law.

"No one else to blame but herself."

Hindi rin daw hahayaan ng abugado na maimpluwensiyahan siya at si Jenifer sa paglaban nila sa karapatan ng dating kasambahay ni Claudine.

Pahayag ni Atty Quicho: “Gretchen and Claudine have nothing to do with these cases.

"I would not allow myself and my client to be influenced or dictated by anyone regarding these cases.”

Sa ngayon, ayon sa abugado, ang hiwalay na reklamong grave coercion at grave threat na isinampa ni Jenifer laban kay Claudine ay ibinasura na ng korte.

Pinag-iisapan umano ng kanilang kampo kung mag-aapela pa sila hinggil dito.

Si Atty. Quicho rin ang may hawak ng hiwalay na reklamong robbery, grave coercion, at grave threats na isinampa ni Malou Becher laban kay Claudine.

Ngunit ang mga naturang reklamo ay "pending for resolution" pa sa kasalukuyan.

Read: Claudine Barretto former househelp grateful for junked qualified theft against her; determined to pursue robbery case vs Claudine


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN