KC Concepcion on rumor that sister Miel is her lovechild: “Ang creative lang.”

Isang throwback photo ang ipinost ni KC Concepcion sa kanyang Instagram account kung saan kasama nito ang kapatid na si Miel. Bahagi ng caption niya ay nakasaad na: "#throwbacktuesday with #miel (my baby sis who was formerly rumored to be my own kid? Hahaha!"


“Ang creative lang.”

Ito ang bahagi ng pahayag ni KC Concepcion tungkol sa mga intrigang mayroon na siya diumanong anak.

Idinaan ni KC sa Instagram ang kanyang maikling statement sa pamamagitan ng pag-post ng larawan nila ng nakababatang kapatid na si Miel, kaninang umaga, June 11.

Caption niya sa post: “I absolutely love kids & am sooo thankful for all my sisters! I wish every girl could experience having a sister! Blood & BFFs for life 💕 #throwbacktuesday with #miel (my baby sis who was formerly rumored to be my own kid? Hahaha! Ang creative lang) 😂😊”

Si Miel ay kapatid sa ina ni KC na si Sharon Cuneta mula sa pangalawang asawa ng Megastar na si dating Senator Kiko Pangilinan.

June 2 naman nang pabulaanan ni KC ang isyung diumano’y buntis siya.

Read: KC Concepcion denies pregnancy rumor

Sa isang panayam sa ama ni KC na si Gabby Concepcion, mariin ding pinabulaanan ng aktor ang isyungbuntis diumano ang anak.

Aniya, “Ay, ’di naman totoo. Malalaman ko kaagad ’yan. ’Tsaka ’di pa ako handang maging lolo.

“Oo, tinanong ko siya, natatawa lang daw siya. Hindi raw totoo yun."

Read: Gabby Concepcion quells KC Concepcion pregnancy rumors

Pati ang napabalita nitong boyfriend noon na si Paulo Avelino ay pinabulaanan ding buntis ang dalaga.

Read: Paulo Avelino dismisses pregnancy rumor about KC Concepcion


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN