Richard Gutierrez finds more meaning in life because of baby Zion

Richard Gutierrez relates that his one-year-old baby boy’s first word was "Dada" or daddy, much to the actor’s delight.


Tatlo ang selebrasyong ipagdiriwang ng pamilya ni Richard Gutierrez ngayong darating na Linggo, June 15.

Bukod sa Father’s Day, bibinyagan ang kanyang anak kay Sarah Lahbati na si Baby Zion.

Isasabay na rin ang birthday celebration ng bata, na nagdiwang ng kanyang unang kaarawan noong April 29.

Inamin nina Richard at Sarah ang tungkol sa kanilang anak sa June 1 episode ng reality show ng pamilya Gutierrez, ang It Takes Gutz To Be A Gutierrez.

Read: Richard Gutierrez finally admits: "Yes, I’m a proud father."

“We have actually a triple celebration this Sunday,” simula ni Richard nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press sa pocket press conference ng kanyang upcoming suspense-action film, ang Overtime , kaninang tanghali, June 11.

Ang pelikula ay produksiyon ng GMA Films at magbubukas sa July 2.

Ayon kay Richard, nagkataon na ang birthday celebration at binyag kay Baby Zion ay sumabay sa Father’s Day.

“We really wanted a big party pagka-announce namin kay Baby Zion.

“We wanted a celebration, so Sunday, baptism, birthday party, at the same time, Father’s Day.

"So, it’s a good day,” saad ng aktor.

RICHARD, THE FATHER. Anong bahagi ng pagiging tatay ang sobrang nae-enjoy ni Richard?

Sagot niya, “Every moment, enjoy talaga, especially now that he’s trying to speak.

“’Pag tinuruan mo siya, nakukuha na agad niya.”

Ano ang unang salitang sinambit ni Baby Zion?

“Dada,” sabi ni Richard.

“Actually, daddy talaga ang first word niya, kaya sobrang happy ako.”

Kinailangan pa ba niyang pag-aralan ang pagiging ama?

Tugon ni Richard, “It just came naturally.

"I always hear that story that when you become a father, you’re gonna change and stuff like that.

“But I never really had an effort na nung lumabas si Baby Zion, I had to change my ways.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It just came naturally, na parang I just spend more time at home.

"I love spending time at home now. Bihira na akong lumabas.

“Lagi na akong hinahanap ng mga kaibigan ko kung saan na ako nagpunta, pero nasa bahay na ako lagi.

“I’m just spending quality time with my family. Sobrang sarap ng feeling lagi.

“Talagang, kumbaga, nakakataba siya ng puso.

"I enjoy life more and parang life has more meaning."

Inusisa ng PEP si Richard kung ano ang kanyang nararamdaman ngayong naamin na nila sa publiko ang tungkol kay Zion.

Tugon niya, “Sarap. Sobrang sarap, kasi can you imagine what I went through last year?

“I mean, having a kid and then I can’t even share it?

“It was really tough times.

"Nagkalayo pa kami ni Sarah kasi naiwan siya sa Geneva [Switzerland].

"’Tapos, when Sarah gave birth, I was there.

“Nagkataon na pinayagan akong umalis for five days.

“On the third day, nanganak si Sarah.

"After two days, I had to go back, so two days ko lang nakasama yung baby ko.

“And after that, I think one more month bago ako nakabalik.

“So it was tough not being able to share it, I only shared it with my family.

"So I’m very thankful for my family because what I went through wasn’t quite easy."

Pagpapatuloy pa ni Richard, “So now, ito yung kapalit.

“Sinabi ko kay Sarah during those times na we were struggling, ‘You know, it’s just gonna get better from this point on.’

"And what we realized is that when things are starting to fall apart, it’s actually falling into place.

"So that’s what we realized.

“Ang sarap lang ng feeling ngayon, na finally, we are able to share Baby Zion to everyone.”

THE GODPARENTS. Sinabi ni Richard na kinukumpleto pa nila ang listahan ng mga magiging ninong at ninang ni Zion, pero final daw na 25 pairs ang mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa raw sa mga magiging ninang ay ang GMA Primetime Queen na si Queen Marian Rivera na nag-volunteer. Pero hindi makakarating ang aktres dahil nasa Amerika ito ngayon.

“Pero sabi niya, kahit wala siya, ninang pa rin siya.

“Sabi niya, ‘Kahit ano’ng mangyari, Chard, ninang ako, ha!’”

Inimbitahan din daw nilang maging ninang si Anne Curtis, dating girlfriend ni Richard, subalit may commitment din daw ang Kapamilya actress sa araw na iyon.

Hindi na ibinunyag pa ni Richard ang ibang pangalan ng mga ninong at ninang ng anak nila ni Sarah, pero ang mga ito raw ay: “Kasabayan ko sa industriya and movers and shakers ng generation ko.

“People that I look up to, people that created the most change in my generation.”

RIGHT TIME. Matagal ding inilihim nina Richard at Sarah ang pagbubuntis at panganganak ng huli.

Tama ba ang timing ng pag-amin nila ni Sarah tungkol sa kanilang anak?

Sabi ni Richard, “I think it’s the right time also for us.

"Kasi nga, during those times na pregnant si Sarah, and when the time she gave birth, those were the times na medyo magulo in terms of situation namin ni Sarah.

“That time, we didn’t want it na parang maging media circus, ’tapos stressed out si Sarah with her pregnancy.

"We didn’t want complications. We wanted her to be stress-free, smooth lang yung pregnancy niya.

“So, I think, now is the perfect time.

“At least ngayon, all the dust has settled down.

"Sarah is back to work, I’m doing reality show with my family.

“It was also the perfect venue for me to announce.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN