Claudine Barretto camp confident that she will be acquitted in robbery case

Claudine Barretto’s legal counsel Atty. Ferdinand Topacio on robbery case against the actress: “Gusto nilang gumastos si Ms. Barretto. Sa halip na ginagastos sa anak niya ay ginagamit sa kaso. That’s part of the factor of the economic abuse.”


Personal na humarap sa Marikina Regional Trial Court si Claudine Barretto kaninang umaga, June 11.

Ito ay upang maghain ng not guilty plea sa kasong robbery na isinampa laban sa aktres ng dati niyang kasambahay na si Jenifer Murillo.

Ngunit ayon sa legal counsel ni Claudine na si Atty. Ferdinand Topacio, “We’re confident that my client will be acquitted.”

“OBVIOUS” SCHEME AGAINST CLAUDINE. Katulad ng nabanggit ni Claudine noon, muling iginiit ng abugado na ang robbery case na isinampa ng dating kasambahay ng aktres ay bahagi ng panggigipit ng kampo nina Raymart Santiago at Gretchen Barretto.

Si Raymart ay ang estranged husband ni Claudine, at si Gretchen naman ang kaalitang kapatid ng aktres.

Read: Claudine Barretto slams Raymart Santiago and Gretchen Barretto over robbery case against her

Ayon kay Atty. Topacio, naglabasan lang naman ang kabi-kabilang “harassment” case laban kay Claudine matapos magsampa ang aktres ng kasong paglabag sa R.A. 9262 o Violence Against Women and their Children (VAWC) Act laban kay Raymart noong August 29, 2013.

April 27, 2014 nang lumabas ang resolusyon ng Marikina Prosecutor’s Office, kung saan nakasaad na mayroong "probable cause" upang sampahan ng kasong physical abuse si Raymart.

Read: Marikina Prosecutor’s Office finds probable cause to charge Raymart Santiago for physical abuse

Nilinaw rin ng abugado na unang naghain ng qualified theft complaint si Claudine laban kay Jenifer noong September 2013.

Kaugnay ito ng dalawang insidente kung saan ninakaw diumano ni Jenifer ang mamahaling paintings at Louis Vuitton bags na pag-aari ni Claudine.

Kaya naman kinuwestiyon ni Atty. Topacio kung bakit hindi agad naghain ng reklamong robbery si Jenifer, kung totoong kinuha ni Claudine ang mga gamit ng dating kasambahay noon ding mga panahong iyon.

“Kung nangyari yun sabay, bakit hindi yun i-finile ng sabay?

“Bakit nung nagkaroon na lamang ng kaso si Mr. Santiago?

“Dapat kung nag-file si Claudine, dapat a week after man lang, sana nag-file na sila ng robbery [against Claudine].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi nung si Dessa Patilan pa, ang abugado pa niya abugado ni Gretchen. They do not even bother hiding it,” saad ni Atty. Topacio.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Atty. Topacio, sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono, ngayong hapon, June 11.

“ECONOMIC ABUSE.” Matatandaang unang naiulat sa PEP ang tungkol sa pagbasura ng Marikina Prosecutor’s Office sa qualified theft complaint na isinampa ni Claudine laban kay Jenifer.

Lumabas ang joint resolution ng investigating prosecutor ng Marikina Prosecutor’s Office noong April 7, 2014.

Read: Claudine Barretto’s former househelp grateful for junked qualified theft complaint against her; determined to pursue robbery case vs Claudine

Kaugnay nito, tinanong ng PEP si Atty. Topacio kung may plano ang kampo ni Claudine na maghain ng apela para rito.

Sagot ng abugado, “Hindi na siguro.

"Hindi naman sumusuporta si Mr. Santiago. Ni singkong duling hindi naman binibigyan [si Claudine]."

Inihayag din ni Atty. Topacio na ang totoo ay “11 months” nang hindi nagbibigay ng financial support ang aktor sa pamilya nito.

Kaya raw ipinaglalaban ng kampo ni Claudine na pawang “economic abuse” ang ginagawang panggigipit ni Raymart, sa pamamagitan ng pagsampa ng “harassment” cases laban sa aktres.

Kabilang na rito ang pagtulong ni Raymart kay Jenifer para sa kasong robbery na isinampa ng dating kasambahay laban kay Claudine.

“Gusto nilang gumastos si Ms. Barretto.

"Sa halip na ginagastos sa anak niya ay ginagamit sa kaso.

"That’s part of the factor of the economic abuse."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN