Claudine Barretto blames estranged husband Raymart Santiago for robbery case against her

Ito ang pahayag ni Claudine Barretto pagkatapos magbyad ng piyansang P100,000 para sa robbery case na isinampa laban sa kanya ng dalawa niyang dating kasambahay: “Kahit na-warrant si Raymart, hindi pa rin nawawala ang abuse. Thanks to him. Nagsayang na naman ako ng isang daang libong piso para lang sa piyansa at harassment na ginawa niya, imbes na inukol ko na lang sa mga anak ko. May conspiracy sila. Ewan ko bakit ako ang binaligtad nila.”


Dumalo si Claudine Barretto sa arraignment ng kasong robbery na isinampa laban sa kanya ng dalawang dating kasambahay niyang sina Jenifer Murillo at Malou Becher.

Ginanap ito sa Branch 272 ng Marikina Regional Trial Court kaninang umaga, June 11.

Ang kasong robbery ang countercharge ng dalawang kasambahay sa kasong Qualified Theft na isinampa naman ni Claudine laban sa kanila, ngunit nabasura ito ng korte.

Nagsumite ang kampo ni Claudine ng Motion to Defer Issuance of or Recall Warrant of Arrest, ngunit nabasura rin ito.

Nagpiyansa ang aktres ng P100,000 noong Biyernes, June 6.

Kaninang umaga ang arraignment kung saan nag-plea siya ng “not guilty.”

THE CULPRITS. Naniniwala si Claudine na nasa likod ng robbery case na ito laban sa kanya ang estranged husband niyang si Raymart Santiago at ang dalawa niyang kapatid na sina Gretchen at Marjorie Barretto.

Sabi ni Claudine sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Back-up ‘to ng kabila. Alam na natin yun kung sino sila.

“Ayoko na mag-name names. Tatatlo lang naman sila, e.

“Obvious naman na the abuse will not stop.

“Kahit na-warrant si Raymart, hindi pa rin nawawala ang abuse.

“Thanks to him. Nagsayang na naman ako ng isang daang libong piso para lang sa piyansa at harassment na ginawa niya, imbes na inukol ko na lang sa mga anak ko.

“May conspiracy sila. Ewan ko bakit ako ang binaligtad nila.”

Mensahe pa niya sa asawa: “Thank you, Raymart, that now nagkaroon ako ng ganitong kaso.

“At least, ako, hindi ako nagtatago gaya niyo. Hinaharap ko lahat.

“I hope that someday you’ll find within your heart na ma-explain mo sa mga anak natin kung bakit kinailangan magkaroon ng warrant of arrest ang ina ng mga anak mo.”

Gumagaralgal na ang boses ni Claudine habang patuloy sa pagsasalita ng gusto niyang iparating sa asawa.

“Iba kasi ang sitwasyon ng pagka-warrant ko sa pagka-warrant mo, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung pagka-warrant mo kasi, nananakit ka, inaabuso mo ako, na nakita ng mga anak mo.

“Ito, nakita ng mga anak mo kung ano ang ginawa mong panggugulo sa loob ng bahay namin.

“So, good luck talaga. You’re really doing a great job.”

Ang tinutukoy ni Claudine na “pananakit at pang-aabuso” ay ang kasong paglabag sa R.A. 9262 o Violence Against Women and their Children (VAWC) Act na isinampa niya laban kay Raymart noong August 29, 2013.

Dagdag na pahayag naman ng legal counsel ni Claudine na si Atty. Ferdinand Topacio, “Ang hirap, they’re harassing my client para gumastos at maabala, na hindi naman sila nagsusuporta.

“Nasaan yung decency diyan?

“Sa halip na suportahan niya [Raymart] yung mga anak, pinagagastos pa niya ang maybahay niya para gastusin sa anak niya.”



SUPPORT FROM RAYMART. Tinanong ng PEP si Claudine kung sakaling magbibigay si Raymart ng suporta para sa kanilang anak, tatanggapin ba niya ito?

Tugon niya, “Of course, never naman ako nagsabi ng bawal, e.

“Ang problema is that, sabi nga ni Atty. Ruth [Castelo, Raymart’s legal counsel], ‘di ba, kami daw ang gumawa ng legal obligations.

“Ayan, kami na ang nagpasa niyan sa korte, ayaw pa rin.”

Sabi pa ni Claudine, “Tapos na ang three-day ano…

“Ang mga anak niya, kahit na ano… nag-first day ng classes kahapon.

“Saka may utang pa siyang eight thousand [pesos] sa Ateneo.

“Nakakahiya, Raymart, bayaran mo na ang bill mo.

“Eight thousand na nga lang. My gosh!”



MOVIE ON. Nilinaw ni Claudine na nasa proseso na siya ng moving on, pero kailangan daw niyang pagtuunan ng pansin ang mga kasong kailangan niyang harapin.

Pero gusto na raw niyang magpaka-positive, kaya iniiwasan na niya ang mga pangit na mga dumarating sa buhay niya.

Sabi ng 34-year-old actress, “Ako, positive na lang lahat.

“Ayoko na ng mga ganyan, yung mga negative vibes, ayoko na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya nga ayoko kay Raymart, e. Kasi negative, huwag na.

“Ayoko ng ganyan, ang pangit!

“Ang pangit niya, ang pangit ng mga sinasabi niya, ang pangit na ng mga nangyayari.

“Ayoko ng ganyan, gusto ko maganda lahat. Masaya na lang lahat. Masaya lang ako.

“There’s so much to be thankful for.

“My children, my parents are with me. So, kawawa naman sila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN