Raymart Santiago "no comment" on estranged wife Claudine Barretto’s claims

Ayon sa kampo ni Raymart Santiago, hinahayaan na nila ang korte ang magdesisyon kaugnay ng mga paratang ni Claudine Barretto laban sa aktor. “Ms. Barretto has brought all her claims to court so we will just wait for its resolution,” sabi ng legal counsel ni Raymart na si Atty. Ruth Castelo.


“No comment.”

Ito ang sagot ng aktor na si Raymart Santiago kaugnay ng mga pahayag ng estranged wife niyang si Claudine Barretto laban sa kanya.

Sabi pa niya, “Puro lang naman siya… e, ibigay mo na lang sa kanya lahat yun.”

Tinawagan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Raymart ngayong hapon, June 11, upang kunin ang reaksiyon niya sa mga sinabi ni Claudine kaugnay ng pagbabayad nito ng P100,000 piyansa sa robbery case na isinampa laban sa aktres ng dalawa nilang dating kasambahay.

Read:

Nagulat naman si Raymart sa sinabi ni Claudine na may utang daw siyang P8,000 sa Ateneo.

Hindi raw alam ni Raymart ang tungkol dito.

Pagdating sa isyung financial support sa mga bata, ang abugado ng aktor na si Atty. Ruth Castelo ang nagpadala sa amin ng statement sa pamamagitan ng text message.

Aniya, “Mr. Santiago is currently seeking custody of his children because he wants to make sure that they are completely provided for emotionally, physically, psychologically or otherwise.

“This necessarily includes the issue of financial support which only the court can resolve at this point.

“Ms. Barretto has brought all her claims to court so we will just wait for its resolution.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN