PEP EXCLUSIVE. Businesswoman Emy Madrigal reacts to statement of Sheryn Regis about their alleged affair

“All lies. Nakakatawa dahil sa hinaba ng mga sinabi niya, nabibilang ko ang mga kasinungalingan niya. I know Sheryn too well. Kaya nakakatawa ang mga sinabi niya. And I am sure na hindi siya ang gumawa ng denial na iyon,” pahayag ni Emy Madrigal, ang businesswoman na umaming nakarelasyon diumano ng singer na si Sheryn Regis.


Nag-isyu ng statement si Sheryn Regis tungkol sa claim ng businesswoman na si Emy Madrigal na diumano’y nakarelasyon nito.

Read: Sheryn Regis denies affair with another woman

Ngayo’y heto naman ang reaksiyon ni Emy tungkol sa nabanggit na statement ni Sheryn.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Emy, via private message sa Facebook, noong June 9.

Kasalukuyang nasa ibang bansa si Emy dahil sa kanyang mga inaasikasong negosyo.

Noong una raw niyang mabasa ang denial ni Sheryn sa PEP, natawa lang siya dahil puno raw ng kasinungalingan ang mga sinabi nito.

“All lies.

"Nakakatawa dahil sa hinaba ng mga sinabi niya, nabibilang ko ang mga kasinungalingan niya.

“I know Sheryn too well. Kaya nakakatawa ang mga sinabi niya.

“And I am sure na hindi siya ang gumawa ng denial na iyon.

“From the way it was written, it’s not her—she is not capable of saying those things.

“Like what I said, I know her too well,” diin pa ni Emy.

Isa pang nakitang mali ni Emy sa denial statement ay ang pagtaliwas ni Sheryn sa tunay na isyu.

Hindi nga raw nito sinagot ang tungkol sa kanilang naging relasyon at sa diumano’y pakikipagrelasyon ni Sheryn sa isang kamag-anak ng mister nito.

“Hindi ko kinuwestiyon ang pagiging ina at asawa niya. Lalo na ang pagiging anak niya. Hindi naman iyon ang issue.

“Ang issue ay ang ginawa niyang panloloko sa akin.

“We had a good relationship and I trusted her. Pero pinagtaguan niya ako.

"She made me believe na mahal niya ako. Yun pala ay ginagamit lang niya ako at dahil sa may karelasyon pa ito sa mismong relative ng asawa niya.

“Kahit na sino naman na nasa isang matinong relasyon ‘tapos lolokohin ka ay magagalit.

"Maiintindihan nila ang nararamdaman ko ngayon towards Sheryn.

“Gusto ko lang ay ang mag-sorry siya sa akin sa lahat ng ginawa niyang panloloko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero imbes na mag-sorry siya, hinamon at tinakot pa niya ako at sinabi niya, kahit isiwalat ko pa ang lahat tungkol sa amin.

“Alangan namang manahimik lang ako? Kawalan na rin ito ng respeto niya sa akin.

“Dahil alam niya na sobra ko siyang mahal, mananahimik lang ako?

"Akala kasi niya ay hindi ako magsasalita. Akala niya wala akong kilala sa media. E, di nagulat siya."

EXPLICIT PHOTOS. Sa statement daw ni Sheryn ay never nitong binanggit ang pangalan niya. Ni wala nga raw denial mula kay Sheryn na magkakilala sila.

Sabi ni Emy, “Hindi niya ako kayang i-deny.

“Kahit ang pamilya niya sa Cebu, kilala nila ako at sobra akong mapagbigay sa kanila.

“If she tries to deny na kilala niya ako, magkakasubukan kami.

“Tutal hinamon at tinakot na rin lang niya ako na ilabas ko ang mga nalalaman ko tungkol sa kanya, ‘di ba?

“Kung gusto niyang umabot kami doon, hindi ko siya uurungan at dahil alam niya mismo na marami akong pinanghahawakan.

“I have photos—explicit ones at that.

"I have the transcriptions of her text messages sa akin.

"Sheryn loves to talk dirty and she calls me ‘Honey’ kapag kaming dalawa lang.

“Yung mga conversation namin over Skype, kumpleto lahat ‘yan.

“Kaya hindi niya masasabing hindi niya ako kilala. Kasi ako ay kilalang-kilala ko siya.”

May nasabi pa si Sheryn na baka lang daw na-misterpret ang kanyang kindness. At baka raw nag-assume si Emy na may relasyon sila.

Sabi ni Emy tungkol dito, “It’s the other way around.

"Ako yung masyadong naging mabait sa kanya. Masyado siyang na-spoil sa akin.

“Kahit na nagagawa niyang pagtaguan ako ng ilang buwan, bigla na lang siyang magpaparamdam ‘tapos sabay hingi ng kung anu-ano, lalo na pagdating sa cellphone loads na umabot sa halagang P120,000.

"Totoo ito at walang kasinungalingan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dahil nga naglalambing siya at nagsu-sorry, napapatawad ko siya. Dahil na rin sa mahal mo yung tao.

“Ngayon, sino ang mabait sa aming dalawa? Sino ang manggagamit?

“’Tapos sinabi pa niyang wala sa personality niya ang manghingi? Talaga lang, ha?

"Kaya pala nagkaroon siya ng mga gamit na hindi man lang niya pinaghirapan.

“Easy for her to get all those things, mostly gadgets na Apple. May mga resibo pa nga ako ng mga ito.

“At ang sinasabi niyang nag-assume ako? Bakit sino ba ang nanligaw kanino? Sino ang nagmamakaawa na huwag siyang iwan?

“Noong napuno na ako sa kanya at nakikipaghiwalay na ako, bigla siyang nag-Skype sa akin at may hawak siyang kutsilyo.

“Magpapakamatay daw siya kapag nakipaghiwalay ako.

"Hindi pa nakuntento, nagpadala pa ng pictures na may hawak na kutsilyo, maga ang mata niya sa kaiiyak.

“So, yun ba ang assuming na walang relasyon na namamagitan sa amin?”

READING COMMENTS. Nabasa rin ni Emy ang comments ng ilang readers ng PEP tungkol sa kanyang revelation kay Sheryn.

Kahit na merong mga nanlalait at hindi naniniwala sa kanyang kuwento, okey lang daw sa kanya iyon.

Alam naman daw niya na mga fans ito ni Sheryn at ipinagtatanggol lang nila ang kanilang idolo.

“Bago ko naman naisipang ikuwento ang tungkol sa amin ni Sheryn, I know the repercussions. Napagsabihan na ako ng mga kilala ko sa media.

“Alam ko na may manlalait sa akin. May mga hindi maniniwala.

"Pero gusto kong turuan ng leksiyon si Sheryn. She just can’t have her way with people and get away with it.

“May nag-comment nga na ginagamit ko lang daw si Sheryn.

“Para ano? Hindi naman ako artista na kailangan ng publicity.

"Sino ba siya? Alam naman ng tao ang pinanggalingan niya.

“Actually, ako ang ginamit niya dahil kahit karelasyon na niya yung relative ng mister niya, lihim sa aking kaalaman, niligawan niya pa rin ako at pinaniwala na mahal niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tuloy ako ang pinagastos niya para sa lifestyle na pilit niyang mini-maintain dahil alam niya mahal na mahal ko siya at alam niya na mayroon akong ilalabas.”

SISTER CALLS. Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Emy, tinawagan naman kami ng kanyang kakambal na si Dr. Elvie Madrigal.

Ibinalita nito sa amin na tinawagan daw siya ng kapatid ng mister ni Sheryn mula sa Cebu, at nagpapaabot daw ito ng paumanhin dahil sa diumano’y ginawa ng singer kay Emy.

Sinabi pa raw nito na nabigla sila sa balita, at malaking kahihiyan daw ito sa pamilya nila at kahit papaano ay kilala sila sa kanilang lugar.

Dagdag pa raw nito, umamin na sa kanila si Sheryn tungkol sa pakikipagrelasyon nito kay Emy at sa kamag-anak ng asawa nito.

Talaga raw hindi makapaniwala ang pamilya ng kanyang asawa. Pero ito raw ang totoo.

Sabi pa ni Elvie, “Hindi maamin ni Sheryn kay Earl [mister ni Sheryn] ang totoo kaya kailangan ang kapatid pa nito ang magsabi dito.

“Natatakot din sila para sa kapatid [Earl] dahil may suicidal tendency daw ito.”

Nabigla pa si Elvie nang sabihan daw siya ng ina ni Sheryn na mga baliw sila.

Ito ang naging sagot ni Elvie sa ina ni Sheryn: “Huwag siyang magkamaling sabihan niya ako nang harapan. Never, never, never, at baka itong baliw na pinagsabihan niya ang siyang magpapabaliw sa anak niya.”

Nagbabalak nga raw na umuwi ulit si Sheryn sa Pilipinas kasama ang asawa para magkaliwanagan na.

Nananatili namang bukas ang PEP sa anumang gustong ipaabot ni Sheryn tungkol sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN