Julie Anne San Jose does not mind working with Elmo Magalona again: “Depende po iyon sa management.”

“Elmo is being groomed to be a leading man sa mga teleserye. Ako naman mas focus ako sa pagiging singer. So magkaiba po ang ginagawa namin ngayon. But kung may pagkakataon na puwede kaming magkasama sa isang show, okey po yun para sa mga fans namin,” saad ni Julie Anne San Jose nang tanungin kung okey lang sa kanyang makasama muli ang dating ka-loveteam na si Elmo Magalona.


Maraming ginulat si Julie Anne San Jose sa bagong image na kanyang ipinapakita ngayon.

Pagkatapos ng kanyang 20th birthday noong nakaraang buwan, nagdesisyon si Julie Anne na magbago ng image, lalo na sa kanyang pananamit.

Sa naganap na press launch para sa weekly dance show ni Marian Rivera na Marian nung June 10 sa Studio 7 ng GMA-7 Annex Building, umapaw ang kaseksihan ni Julie sa kanyang suot habang binibirit ang awiting “Titanium” ni Sia.

Seksing-sexy si Julie sa kanyang tight-fitting hot pink dress with black lace. Nagpakita pa siya ng konting cleavage at ang kanyang magaganda’t mahahabang legs.

Inamin ni Julie na medyo kinabahan nga raw siya sa suot niya dahil medyo sexy nga ang dating.

Pero pinanindigan daw niya ito kaya unti-unti siyang nagiging kumportable na.

“Kailangan din po nating magkaroon ng change sa ating sarili.

“Akala kasi ng iba, bata pa ako. They still associate me with the group Sugar Pop noon. Hindi nila yata alam na lumaki na ako. Hindi na po ako bata,” sabay tawa ni Julie.

Gusto ngang mag-experiment ni Julie sa kanyang pananamit pati na sa kanyang buhok at makeup.

“So far, magaganda naman po ang mga sinasabi nila sa choice of clothes ko at sa mga nagiging ayos ko. Tamang-tama lang daw para sa akin.

“I have a stylist na tumutulong po atin para mas maging polished ang look natin parati.

“Malaking tulong din po na endorser ako ng isang makeup brand, so, nakakapag-experiment kami sa iba’t ibang looks.

“It’s a part of reinventing myself. Kailangan kong dumaan sa ganito to know kunsaan ako papunta sa personally and professionally.”

CHANGE IN CHOICE OF SONGS. Pati nga sa choice of songs ay gusto rin ni Julie na may pagkakaiba na.

“I want to sing different kinds of songs.

“Before kasi, confined ako sa mga love ballads, acoustics, at pop.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Now I can perform songs by Miley Cyrus, Rihanna, Lorde, Katy Perry, Nicki Minaj, and Beyonce.

“Yet I can always sing the songs of Mariah Carey and Whitney Houston.

“I want to be versatile. Na kapag may ni-request na song sa akin ay makakanta ko.

“Since I was three years old, kumakanta na talaga ako and basically my whole life ay na-dedicate na sa pagkanta talaga.

“That’s why music plays a big part sa buhay ko. Kasama rin po ‘yan sa reinvention natin.”

Sa dance show na Marian ay binigyan ng special segment si Julie kunsaan mae-explore nang husto ang vocal talent niya.

“Thankful po ako sa staff ng Marian dahil nabigyan nila ako ng sarili kong segment, which has something to do with singing.

“Noong sinabi nila sa akin na isasama nila ako sa dance show ni Marian, akala ko po pasasayawin nila ako. E, hindi naman iyon ang forte natin.

“Yun pala ay may sarili akong segment na ikinatuwa ko naman po.

“Yung dancing, kay Ate Marian na lang talaga iyon,” tawa pa niya.

WORKING WITH ELMO AGAIN. Maraming fans ang gustong mapanood na magkasama ulit sila ng original niyang ka-loveteam na si Elmo Magalona.

Okey naman daw kay Julie na muling makatrabaho si Elmo.

“Open naman po ako to work with Elmo anytime. Mas ikatutuwa pa ng fans namin na makita kaming magkasama sa trabaho.

“Pero depende po iyon sa management.

“Elmo is being groomed to be a leading man sa mga teleserye. Ako naman mas focus ako sa pagiging singer.

“So magkaiba po ang ginagawa namin ngayon. But kung may pagkakataon na puwede kaming magkasama sa isang show, okey po yun para sa mga fans namin.

“Nagpapasalamat nga po ako sa mga JuliElmo fans dahil nandiyan pa rin sila hanggang ngayon at sinusuportahan kami.”

At dahil 20 years old na nga si Julie, hindi mawawala ang tanong kung meron na ba siyang manliligaw?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala po, e. ‘Tsaka hindi ko naman po priority ang magka-boyfriend.

“Tama lang naman na walang suitors para mas nakakapag-concentrate ako sa mga ginagawa ko ngayon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN