Mark Herras prepares for this year’s Cosmo Bash: “At hindi ko na yun puwedeng atrasan!”

“Kasi siguro it’s about time na gumawa naman ako ng iba,” ani Mark Herras tungkol sa nalalapit na pagrampa niya sa Cosmopolitan Bachelor Bash ngayong taon.


Malapit na ang Father’s Day. At bilang first-time dad, excited si Mark na mag-celebrate nito kasama ang baby girl niyang si Ada.

“Siyempre gusto kong makasama ang anak ko on that day,” masiglang bungad ni Mark nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Sunday All Stars (SAS) noong Linggo, June 9.

“Hindi mo naman kailangang i-celebrate iyon nang sobrang bonggang-bongga or kung anuman. Makasama ko lang si Ada, okey na sa akin.”

May plano ba siya na lumabas sila ng kanyang anak?

“It depends naman, e. Kasi normally naman mas nai-enjoy kong kalaro si Ada kapag nasa bahay lang. Alam ko na mas safe siya sa bahay, ‘di ba?

“Pero kung nagkataon na ano… may lakad, hindi ko pa rin alam kung saan.”

Kaugnay ng celebration ng Father’s Day, ano naman ang kanyang mensahe sa kanyang ama, si Mr. Claudio Herras Jr.?

“I wish him to stay healthy. And I’d like to thank him for everything.

“Dahil sa maayos na pagpapalaki niya sa akin kaya ganito ako with Ada. Ia-apply ko lang ang natutunan ko sa kanya bilang father at aayusin ko.

“Before pa naman na lumabas si Ada, nangako ako sa sarili ko na parang… never kong pagbubuhatan ng kamay si Ada hanggang sa lumaki siya.

“Gusto kong ma-enjoy niya ang kabataan niya. Gusto ko siyang bigyan ng freedom.

“Mas maganda kasi na ma-enjoy ng bata yung buhay niya na hindi siya nakakatikim ng palo.

“Siyempre yung pagdidisiplina, nando’n. Pero yung pagbubuhatan ng kamay… hindi.”

A DIFFERENT MARK. Dahil tatay na rin siya ngayon, malaki na raw ang ipinag-iba ng pang-araw-araw na buhay ni Mark.

“Mas exciting. Mas masaya.

“At… kailangan mo nang kalimutan yung mga ginagawa mo dati nung wala ka pang responsibilidad na ganito kalaki.

“Before, ‘di ba? May responsibilities na rin ako like kailangan kong ayusin ang buhay ko, etcetera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ngayon kasi, iba na yung kapag meron ka nang baby, e. And the good thing about is kasi, alam mo yung… parang mas nakakapag-isip ka ng tama, ‘di ba?

“Mas malinaw yung utak mo. Mas malinaw kang mag-isip ng mga gagawin mo for every day, ‘di ba?

“Sa araw-araw na ginagawa mo sa buhay.

“At saka… nagbawas ako ng gastos!” sabay tawa ni Mark.

“Bawas-bisyo rin ako. Hindi na ako masyadong naninigarilyo.

“Lalong nagdyi-gym ako ngayon in preparation for the Cosmo Bash. At hindi ko na yun puwedeng atrasan!” tawa niya ulit.

Ang Cosmo Bash o Cosmopolitan Bachelor Bash ang taunang show o party ng Cosmopolitan Philippines Magazine kunsaan rumarampa ang mga nagseseksihang mga lalaking modelo’t artista para sa mga readers at tagasubaybay ng nabanggit na magazine.

“Lalo at kung mag-post ako sa Instagram, sinasabi ko lagi na magku-Cosmo Bash ako this September.

“So ngayon talagang pursigido ako sa sarili ko na mag-gym ako. Lalo na at wala ako ngayong masyadong ginagawa.

“So, almost every day, Monday to Saturday ako nakakapag-gym. At masarap naman yung feeling.”

IT’S ABOUT TIME. Ang tagal na rin niya sa showbiz. Bakit ngayon lang siya nakapag-decide na mag-Cosmo Bash na rin?

“Kasi siguro it’s about time na gumawa naman ako ng iba. I mean may mga kaibigan ako from showbiz and even non-showbiz na sinasabi nilang parang nagawa na naman halos lahat, ‘di ba?

“Na bukod sa acting, nagkaroon na rin ako ng hosting show before. ‘Tapos sa mga mall shows kumakanta ako.

“And yung pagsasayaw nandiyan pa rin.

“So para naman daw may makita yung mga tao na iba for this year para sa akin.

“Parang ako naman, lahat iyon ipinasok ko sa utak ko. And I think okey naman siya.

“Kapag nagawa ko siya, okey naman ang kakalabasan.”

Kasunod na ba ng pagku-Cosmo Bash niya ay ang kanyang pagsalang na rin sa mga sexy at daring na roles?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi. Kapag nag-Cosmo Bash ba, magdi-daring?

“Hindi naman. Ako, ang sabi ko lang sa sarili ko… One time big time.

“Magku-Cosmo Bash ako this year. Pero ayoko namang every year, lagi akong nagpapakita ng katawan.

“Di ba? Hindi rin naman ito yung pinupuntahan ng career ko.

“Hindi naman ito yung gusto kong mapuntahan. Kumbaga, iba yung gusto kong makilala ako.

“Hindi yung… alam mo na.

“So… siguro makakagawa rin ako ng medyo daring. If ever na may offer, ‘di ba? Pero… yung sakto pa rin.

“Hindi ko pa rin naman kaya yung sobrang daring na talaga.”

HOW SEXY WILL HE GO? Sa Cosmo Bash, gaanong ka-sexy na Mark Herras ba ang rarampa?

“Naka-neck tie lang!” tawa ulit na biro ng aktor.

“Uhm… nag-iisip pa ako ng gimik. Kasi parang halos lahat nagawa na rin, ‘di ba?

“Ilang Cosmo Bash na ang dumaan, ‘di ba?

“E, ten years na ako sa showbiz. Sa loob ng sampung taon, ang dami nang nagawa, so kailangan kong mag-isip.

“Hindi ko naman kailangan ng sobrang ibang klaseng atake. Pero siguro kakaibang ano lang, yung hindi masasabi na… ‘Uy, ginawa na ‘yan ni Ganito dati.’

“Kumbaga, gagawin ko pa nga lang ito this year, ayoko namang may masabing gano’n sa akin.

“Actually, bago nga matapos ang Rhodora X, sina Kuya Gardo [Versoza] nag-iisip na. Nag-iisip na kami kung ano ang gagawin ko sa Cosmo Bash.

“E medyo mahaba pa naman yung preparation. Basta ngayon, yung pagdyi-gym ko ang inaasikaso ko muna.

“Feeling ko naman, madali nang gawin ‘yong gimik pagdating ng September.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN