Lovi Poe is excited to do a scene with Maricel Soriano: “Gusto kong magkaharapan na kami.”

Paano kung nag-asawa na siya at katulad sa Ang Dalawang Mrs. Real ay madiskubre niyang may ibang asawa ang mister niya? Sagot ni Lovi: “There’s always that fear. But then, there’s always this confidence din. Na you have to be confident about yourself. Kasi kapag pinangunahan mo yung sarili mo ng fear, mahihirapan kang gumalaw o kumilos. So I think it’s best na you have your own self-fulfillment talaga.”


Kahit ilang taon na ang lumipas mula nang pumanaw ang kanyang amang si Fernando Poe Jr., patuloy pa rin daw na inaalala ni Lovi Poe ito, lalo raw sa mga espesyal na okasyon, kagaya ng nalalapit na Father’s Day.

“Ang ginagawa ko tuwing Father’s Day, as much as possible kapag walang trabaho, I’m gonna visit my dad,” aniya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng Sunday All Stars (SAS) noong Linggo, June 9.

“Dumadalas ako sa libingan niya. Nagdadala ako ng bulaklak.

“’Tapos kinakausap ko siya. Nagkukuwento ako na parang nandiyan lang siya at nakikinig sa harap ko.

“’Tapos… more of prayers. At saka pagpapasalamat dahil nga alam kong he’s guiding me all throughout.

“Hindi ako magsasawang magpasalamat sa kanya sa legacy na iniwan niya para sa amin.”

Iginagalang bilang “Hari ng Pelikulang Pilipino,” pumanaw si Fernando Poe Jr. nung December 14, 2004, dahil sa stroke.

Noong nabubuhay pa raw ang kanyang ama, marami raw silang bonding moments na hindi niya makakalimutan.

“Pero huwag na nating pag-usapan. I think it’s best to keep it private na lang,” pakiusap ni Lovi.

SEXY LOVI. Kapuna-punang mas sumi-sexy pang lalo ngayon si Lovi.

Aniya nang matanong hinggil dito, “I just try to work out once in a while.

“Kapag walang trabaho, I find time to work out. Normally sit ups lang ang kadalasang ginagawa ko.

“And yung exercise kasi it’s very important hindi lang para sa figure kundi para na rin sa health. It makes us also feel good inside.

“For me, that will make you happy. And happy girls are the prettiest.

“So, to be pretty, you have to be happy!” sabay ngiti ni Lovi.

Kita nga naman sa mukha niya kung gaano siya ka-happy ngayon. At walang dahilan para hindi siya maging masaya.

Nananatiling maganda ang takbo ng kanyang career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Smooth sailing din ang relasyon nila ni Rocco Nacino.

Happy and in love. Kaya wala ring oras na hindi siya inspired.

Isang matamis na ngiti na lang ang naging reaksiyon ni Lovi. Wala na siyang anumang nasabi pa.

ANG DALAWANG MRS. REAL. Masaya rin daw si Lovi na maganda ang feedback ng viewers sa bagong primetime series ng GMA na Ang Dalawang Mrs. Real kung saan kasama niya sina Dingdong Dantes at Maricel Soriano.

“Wala pa kaming nakukunang eksena ni Ms. Maricel. Hindi ko pa alam kung kailan kami magkakaroon ng scene together.

“Pero excited na ako. Gusto kong magkaharapan na kami.”

Sa istorya ng Ang Dalawang Mrs. Real ay dalawa sila ni Maricel na naging asawa ni Dingdong.

May takot ba siyang kapag siya naman ang nag-asawa na, may iba palang asawa ang mister niya?

“Oo naman. There’s always that fear.

“But then, there’s always this confidence din. Na you have to be confident about yourself.

“Kasi kapag pinangunahan mo yung sarili mo ng fear, mahihirapan kang gumalaw o kumilos.

“So I think it’s best na you have your own self-fulfillment talaga.”

Kay Rocco, hindi ba niyang naiisip na baka dumating ang panahon na magkaroon siya ng kaagaw o kahati sa pamamahal nito?

“No. Ako naman kasi, whatever comes, it will come. Yeah!

“So, harapin na lang kung ano ang meron diyan,” panghuling nasabi ni Lovi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN