Carla Abellana says love can wait for now; prioritizes career

Pakiusap ni Carla Abellana, huwag muna silang unahan ng My Destiny leading man niyang si Tom Rodriguez. May usap-usapan kasing nanliligaw na ito sa kanya. Ani Carla, “Unang-una, as individuals ang dami naming trabaho. And second, as partners na rin sa TV at sa pelikula. Tuluy-tuloy pa rin yung trabaho namin together. So huwag n’yo kaming unahan."


Ngayong araw na ito, Huwebes, June 12, kasabay ng pagdiriwang ng Independence Day ang mismong birthday ni Carla.

“Meron po akong dinner with my family sa isa sa mga favorite restaurants ko dito sa Manila,” sabi ng aktres nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Sunday All Stars (SAS) noong Linggo, June 9.

Ano ang birthday wish niya?

“Wow! Oo nga, ano? Hindi ko pa naiisip yun, a!

“Parang wala na naman akong mahihiling pa na birthday wish. Pero gusto ko lang magpasalamat kay Lord siyempre for all the blessings.

“Tuluy-tuloy yung work ko. ‘Tapos napapaligiran ako ng mga taong nagmamahal sa akin. Sobrang mahal ko yung trabaho ko, yung mga fans ko.

“So… yun lang. Wala akong birthday wish kundi birthday thanks na lang.”

GREETING HER FATHER. Madalas na nagdidikit ang pagdiriwang ng Father’s Day at ang celebration ng birthday ni Carla Abellana. Gusto raw sana raw ni Carla ay magkita sila ng kanyang amang si Rey “PJ” Abellana.

“Pero ngayon pa lang kasi, alam ko na may schedule na ako sa mismong araw ng Father’s Day.

“So ngayon pa lang ay iti-text ko na siya at babatiin ko na siya ng Happy Father’s Day,” sabay ngiti niya.

“We don’t see each other so often. But I’m just here for him.

“I always want him to know that I love him. And I pray for him all the time.”

Hindi man daw sila magkasama sa iisang bubong, pero natutuwa si Carla na laging nandiyan lang daw ang papa niya at nakasuporta sa kanya.

“Lagi siyang may advice. Lagi siyang may guidance. Lagi siyang merong… ‘Mag-iingat ka sa ganito, mag-iingat sa ganyan...’

“Kumbaga, hindi man nga kami nagkikita all the time, lagi siyang may mga paalala. Gano’n.

“Very daddy talaga siya. At perfect yun for me kasi same industry lang kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Di ba? Kung kailangan ko man ng guidance, siya yung pinaka-perfect na tao na makakapagbigay no’n.”

Ano yung payo na madalas ay naibibigay ng papa niya sa kanya?

“Laging maging mabait sa tao kahit sino pa sila. Lalo na do’n sa mga nakakatanda. Yung gano’n.

“’Tapos siyempre yung takbo ng showbiz na hindi lagi ikaw ang nasa itaas.

“Na, may mga down times din. Umiikot lang daw naman ang buhay sa showbiz.

“’Tapos kailangang pangalagaan mong mabuti kasi hindi raw siya forever. ‘Ayun!”

ON DOING COMEDY. Dalawa ang bagong shows ngayon ni Carla sa GMA. Ito ang soap na My Destiny na pagtatambalan nilang muli ni Tom Rodriguez at ang sitcom na Ismol Family na pagsasamahan naman nila ni Ryan Agoncillo.

“Sa wakas, balik-TV ako. Nakaka-miss din kasi pulos pelikula ang ginawa ko lately.

“At maganda na bukod sa drama series ay may sitcom para at least ma-practice ko pa nang konti yung comedy.

“Actually, hindi na ako masyadong nag-seek ng advice pagdating sa comedy. Mas nakinig lang ako ako sa director ‘tapos sa mga co-actors ko na gamay na gamay na nila yung comedy.

“So, mas nag-reach out ako sa kanila. Mas sa kanila ako kumukuha ng tips at mga ideas.”

Paano ba magpapatawa ang character niya sa nabanggit na sitcom?

“Actually yung charater ko as Majay, hindi naman siya yung magpapatawa, e. Kung tutuusin ang Ismol Family, very light comedy lang siya.

“It’s a family show na may lesson siya. Bawat episode, may moral story at the end of the episode.

“Ang ganda. ‘Tapos pang-buong pamilya talaga.

“So hindi ako dito ‘yong sobrang magpapatawa. Magaan lang yung Ismol Family.

“Lighter side ng Carla ang mapapanood nila. Welder ako dito na isang OFW [Overseas Filipino Worker] na kengkoy lang.

“Masaya. ‘Tapos I get to work with Direk Dom [Dominic Zapata] pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hopefully, marami akong matututunan dito.

“Actually ang isa ngang natutunan ko na… ang hirap mag-isa.

“Kasi kung tutuusin yung mga eksena ko sa Ismol Family, mag-isa lang talaga ako sa harap ng computer. Nag-i-Skype o nagbi-video chat.

“Sabi ko… ‘Ay, ang hirap pala na wala kang kaeksena!’

“Ang kaeksena mo lang ay yung camera na parang… nandiyan yung webcam.”

MY DESTINY. Naghahanda na rin daw si Carla para sa pagsisimula ng kanyang taping naman para sa My Destiny.

“Nabasa ko na yung script para sa pilot week. Supe-cute ng story. Nakakilig siya.

“So… nakaka-excite. Sobrang nakaka-excite.

“Bukod kay Tom, makakatrabaho ko ulit dito si Tita Kuh [Ledesma na gumanap bilang mother-in-law niya sa My Husband’s Lover].

“Magkikita-kita at magkakasama-sama na naman kami. So sana makatulong yun para gumaan yung trabaho nang konti knowing that I will be working with them again.”

Kung sa My Husband’s Lover ay marami siyang pinaiyak, gano’n din kaya sa My Destiny?

“Marami pa ring iiyak sa My Destiny. At maraming maaawa sa character na ipu-portray ko.

“Pero marami ring kikiligin. At magkakaroon ng pag-asa sa pag-ibig.”

ENTERTAINING SUITORS. Speaking of pag-ibig, maraming manliligaw na bang umaaligid sa kanya ngayong single na uli siya?

“Marami!” sabay-tawa ni Carla.

“How I wish may bibilangin! Ha-ha-ha!

“Meron naman. Kahit papano. Meron namang mga nagpaparamdam.

“May artista. May mga non-showbiz naman din.”

Kumusta sila ni Tom ngayon?

“We’re okay naman. We’re looking forrward to working together again.

“Sobrang thankful kami. We feel blessed na… o, tayo na naman ang magkapartner!

“Na kumbaga… ituloy lang natin yung friendship. ‘Tapos yung… kung paano tayo magtrabaho with each other, tuluy-tuloy lang ‘yan.”

Kabilang ba si Tom sa sinasabi niyang nagpaparamdam sa kanya ngayon?

“Ewan ko sa kanya!” tawa na naman ni Carla.

May lumabas na writeup sa isang tabloid kamakailan na mag-on na raw sila ni Tom?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oy, grabe naman!” sabay-ngiti ulit na reaksiyon niya.

“Masyado naman kayong assuming! Ha-ha-ha! Masyado kayong excited!

“Inuunahan n’yo agad, e! Parang gano’n?

“Huwag naman! Ha-ha-ha!

“Basta ngayon, sobrang thankful kami. Unang-una, as individuals ang dami naming trabaho.

“And second, as partners na rin sa TV at sa pelikula. Tuluy-tuloy pa rin yung trabaho namin together.

“So huwag n’yo kaming unahan. Grabe naman! Ha-ha-ha!

“Marami pa kaming ibang dapat na pansinin at i-focus. Ganyan.”

Hindi pa talaga siya nililigawan ni Tom?

“Hindi naman. Hindi naman. Hindi totoo.

“Huwag namang agad-agad! Ha-ha-ha!

“Ako, ang sasabihin ko… basta number one, focus is work.

“Artista tayo, e. Binibigyan tayo ng trabaho at mga opportunity na may bago tayong show. Iyon muna ang focus natin. At saka na ‘yan…

“Everything else can wait.”

Pero ready na ba siyang magmahal ulit?

“Tingnan natin!” tawa ulit ng aktres.

“Huwag namang agad-agad. Huwag naman.

“Hindi naman ako sobrang excited na tumalon sa isang bagong relationship din.

“So everything, kumbaga, needs time. Everything dapat is in perfect time na rin.

“Kumbaga… take your time. Take your time, yes!” pagtatapos ni Carla.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN