Gerald Anderson wants to maintain privacy in relationship with Maja Salvador; thankful to solid Kimerald fans

Gerald Anderson on relationship with Maja Salvador: “Kahit paano, ayokong pag-usapan. There’s nothing to talk about. Siyempre, personal life ko yun and, as much as possible, I want to keep it private.”


Kahit sa TV commercial para sa isang coffee brand lamang ay nagkasamang muli ang dating magka-loveteam at magkasintahang sina Gerald Anderson at Kim Chiu.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gerald sa National Makeover Day ng HBC, sa Trinoma Activity Center, Quezon City, kahapon, June 12, tinanong namin siya kung nahirapan sila ni Kim na kumbinsihin upang gawin ang naturang commercial.

Sagot ng Kapamilya hunk, “No, no… maganda naman kasi ang concept.

“And I’m sure, natuwa naman ang ibang fans at sobra kaming nagpapasalamat na kinuha kami…”

At base sa reaksiyon ng Kimerald fans, natuwa ang mga ito nang mapanood ang kanilang mga idolo na muling nagsama kahit sa isang commercial lamang.

Sabi ni Gerald, “It’s been a long time simula noong huling project na magkasama kami ni Kim. I’m sure natuwa sila.”

Huling nagkasama sina Gerald at Kim sa omnibus film ng Star Magic at Star Cinema na 24/7 In Love noong 2012.

Solid pa rin ba ang Kimeralds?

Ayon kay Gerald, “Dami pa rin, e, grabe pa rin sila.

“I mean, sobra akong nagpapasalamat na ganoon pa rin sila.”

Ayos lang din bang magkasama sila ni Kim sa isang teleserye o isang pelikula?

Sagot ng 25-year-old actor, “Oo naman, oo naman.

“Siyempre, open naman ako sa lahat ng projects kung sino ang makatambal ko. We’ll see kung sino ang much better.

“Masaya ako at natutuwa ako para sa mga fans dahil napanood nila kaming magkasamang muli.”

All’s well na ba talaga sa kanilang dalawa ni Kim?

“Oo naman,” nakangiting sagot ni Gerald.

May ilang pa rin?

“Wala naman. Matagal din naman ang pinagsamahan namin, pero siyempre, sa tagal din na hindi kami nagkasama, meron konti.”



MAJA SALVADOR. Masaya rin si Gerald na nagkaayos na si Kim at ang girlfriend ngayon ng young actor na si Maja Salvador.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang nagkaroon ng alitan sa pagitan ng dating matalik na magkaibigan dahil sa pagkakaugnay ni Maja kay Gerald, na ex-boyfriend naman ni Kim, noong 2013.

Sabi ni Gerald, “Sino ba naman ang may ayaw nun? Sino ba ang may gusto ng gulo, ‘di ba?”

Ipinagpaalam ba niya kay Maja ang paggawa nila ni Kim ng TV commercial?

Sagot ng binata, “Hindi naman. Kumbaga, trabaho yun.

“As much as possible, sabi ko nga, yung relationship namin, as much as possible, hiwalay sa trabaho yun.”

Natawa naman si Gerald nang tanungin namin kung si Maja ay nagpapaalam sa kanya kapag nagkakaroon ito ng kissing scenes, gaya ng ginagawa ng young actress The Legal Wife.

Ayon sa Kapamilya actor, “Sinasabi naman, pero siyempre, ako, artista ako. Ganoon ang trabaho namin.”

Bagama’t pareho silang high-profile, napapanatili nina Gerald at Maja na pribado ang kanilang lovelife.

Sabi ni Gerald, “Mas gusto ko na ganito.

“Kahit paano, ayokong pag-usapan. There’s nothing to talk about.

“Siyempre, personal life ko yun and, as much as possible, I want to keep it private.”

Aminado naman si Gerald na sa oras sila medyo nahihirapan ni Maja dahil pareho silang busy.

“Mahirap lang talaga dahil sa trabaho namin. But, ganun talaga, e.

“Blessing yun at pareho naman kaming nagpapasalamat.”

Paano niya ilalarawan ang relasyon nila ni Maja?

“Unique,” nakangiting sagot ni Gerald.

“Unique siya and ayoko rin masyadong magdetalye.

“Pero unique siya dahil hindi biro ang pinagdaanan namin.

“Para ma-survive namin yun, we’re both very strong people and sana, magpatuloy na ganun.”



PIOLO PASCUAL. Madalas namang makasama ngayon ni Gerald sa iba’t ibang proyekto ang kapwa niya Kapamilya star na si Piolo Pascual.

Pagkatapos nilang magsama sa pelikulang On The Job noong 2013, ngayon naman ay magkasama sila sa isang sports show na napapanood sa ABS-CBN Sports and Action Channel (dating Studio 23).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Gerald tungkol kay Piolo, “He’s… ano ‘yan, e, parang big brother.

“Siyempre, ang daming advice na ibinibigay niya sa akin.

“Meron kaming show na pinu-produce ngayon and I’m just so happy na meron akong kaibigang tulad niya.”

Patuloy niya, “Ang galing nga, e.

“He’s one of my idols, ‘tapos hindi ko naisip na kaibigan ko na siya ngayon.

“It’s a great feeling.”

Anong payo ang madalas na ibinibigay sa kanya ni Piolo?

“In a way, kasi pareho rin ang pinagdaanan namin, ‘di ba? Medyo pareho rin ang career.

“I just take it, yung mga nagawa niya at hindi niya nagawa, siya mismo ang nagsasabi sa akin.

“So, yun, tungkol sa buhay, sa career, sa lovelife,” saad ni Gerald.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN