Christian Bautista on working with Marian Rivera for new dance show: “Masaya siyang kakulitan at kakuwentuhan!”

Christian Bautista reveals what it was like during their first taping day for Marian Rivera’s new dance show: “Yes, naging masaya ang first taping namin ni Marian! Maraming kulitan on and off-cam.”


Sa pamamagitan ng e-mail ay nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang balladeer/actor/host na si Christian Bautista kahapon, Biyernes, June 13.

Dahil kasali si Christian sa bagong Kapuso Saturday primetime musical/dance show na Marian, puro tungkol sa show halos ang naging katanungan namin sa kanya.

Tinanong muna namin si Christian kung ano ang partisipasyon niya sa dance show ni Marian Rivera.

Sagot niya, “Isa po ako sa mga magiging co-hosts ni Marian sa show kasama sina Paolo Ballesteros, Mark Bautista, at Julie Anne San Jose.”

Ieere na ang Marian sa Sabado, June 21, pagkatapos ng Vampire Ang Daddy Ko sa GMA.

BONDING WITH MARIAN. Ano naman ang unang naging reaksiyon ni Christian nang nalaman niyang kasama siya sa show ni Marian?

“Natuwa ako kasi makakasama ko si Marian sa isang show at masaya din kasi hilig ko din na makakapag-host ako uli,” tugon niya.

Naging masaya raw ang unang araw ng taping nila ni Marian, na first time niyang makasama sa isang regular show, although nakatrabaho na niyang minsan ang Kapuso Primetime Queen.

“Yes, naging masaya ang first taping namin ni Marian! Maraming kulitan on and off-cam.

“Last year nagkasama kami sa isang GMA Pinoy TV Kapuso concert sa Dubai, kasama sina Rachelle Ann Go at Julie Anne.

“We really had a fun time there,” ayon pa kay Christian.

ON CO-HOSTS. At sa muli nilang pagsasama, this time sa isang regular na show, may nadiskubre si Christian kay Marian na hindi niya alam dati na ikinagulat niya.

“Masaya siyang kakulitan at kakuwentuhan!” sabi ng singer.

Dahil magkasama rin sila ni Mark Bautista sa show, mas lalo ba silang nakakapag-bonding?

“Isa pa lang ang naging taping day na nagkita kami, pero Mark and I are friends naman, and sometimes nagkakaroon kami ng time to hang out with the other Champions,” dagdag pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama rin sa show si Paolo Ballesteros. Kumusta itong katrabaho?

“Sa Eat Bulaga! ko po siya nakatrabaho sa una, not yet pa sa Marian since once pa lang ako nag-taping.

"But he’s a very good host,” pagpuri niya kay Paolo.

NEW CHALLENGE. Since dance show ang Marian, kahit kilala si Christian bilang isang singer, ay mapapasayaw rin pala siya dito.

“Yes! Yun ang challenge sa akin. Kailangan kong sumayaw nang konti kahit na hindi ako masyado dancer,” pag-amin niya.

Kung si Christian ay isang uri ng sayaw, ano siya at bakit?

“Alien dance! Kasi parang alien ako ’pag nag-dance!”

Okay lang ba sa kanya na musical program ang bago niyang show instead of a drama series? May plano na ba ang GMA na bigyan siya ng isa pang soap opera pagkatapos ng With A Smile nila dati nina Andrea Torres at Mikael Daez?

Sagot niya, “Yes, of course!

"A musical program would be great, if given the opportunity.

"There’s also a plan for a soap in the next few months."

Kung tatanungin o papipiliin siya, sino ang susunod na gusto ni Christian na maging leading lady sa isang drama series?

“Si Marian,” sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN