Glaiza de Castro admits: “Wala akong gay radar.”

Glaiza de Castro on her non-existent "gaydar": “Hindi ko alam kung hindi ko ’naamoy,’ hindi kasi ako masyadong marunong sa ganun, e, sa ’amuyan.’”


Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Glaiza de Castro sa taping ng Dading, ang launching series ni Gabby Eigenmann sa GMA, noong June 11 sa Parang, Marikina, tinanong naman siya tungkol sa kanyang personal life.

Deklara niya, “Single ako.”

Binanggit namin na wala ring karelasyon ang isa sa cast member ng Dading na si Benjamin Alves.

“Wala ba?” at tumawa si Glaiza.

Hindi kaya sila ang magkagustuhan?

Sila ni Gabby ay hindi puwede dahil isang happy family man sa tunay na buhay si Gabby. Kaya sila ni Benjamin ang puwedeng ma-link.

Ano ang masasabi niya rito?

“Naku, sanay na po ako kung anumang ano... siguro perception, na ma-link?

"Basta kami naman po, e, wala naman, e. Ako, steady lang ako ngayon, e.”

May kissing scene sila ni Benjamin sa Dading. Ano ang lasa ng labi ni Benjamin?

“Ano ba? Matamis!” at tumawa si Glaiza.

“Kasi mahilig siya sa mga matatamis, e.”

May tsikang may idine-date si Glaiza na non-showbiz guy.

Mabilis naman niyang pagtanggi, “Wala po.”

DOESN’T MIND MOTHER ROLES. Unang mother role ni Glaiza sa regular na teleserye ang Dading.

“Well, sa mga ano po... sa Magpakailanman, nakapag-play na po ako [ng mother role].”

Buti napapayag siya?

“Okay lang po sa akin, e.

“Kasi parang dun naman sa istorya, hindi mo naman na ima-mind kung mother or kung anuman yung estado niya sa buhay, ’di ba?

“Parang nag-focus ako dun sa story, ang ganda kasi, e.

“’Tsaka challenge para sa akin kung paano ko ie-emulate yung pagiging nanay, kasi hindi ako masyadong marunong maghawak ng bata.

“Pero ngayon, nakakatuwa, kasi kanina may eksena kami may hawak akong bata, ’tapos medyo at ease na siya sa akin.

“Nung mga first few days kasi, lagi siyang umiiyak, hindi ako marunong. So, hindi ako marunong magpatahan.

"Naaaral ko na po kapagka nagte-taping kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumbaga, parang nasasanay na ako na hinahawakan na siya, kung paano siya kalungin,” masaya niyang pahayag.

Baka naman masanay siyang masyado, biro namin kay Glaiza.

“Actually, puwede rin.

"E, kasi kung sakaling dumating yung time na nagkaanak ako, at least alam ko na.

"Na nung nag-mother role ako, alam ko kung paano humawak ng baby, ganun.

“Preparation, e!” natatawang sabi ng aktres.



DILEMMA. Sa kuwento ng Dading ay magkakaanak sina Glaiza at Benjamin, pero iiwan siya ni Benjamin kaya si Glaiza (as Beth) at si Gabby (as Carding) ang tatayong mga magulang ng bata, na ang twist ng kuwento, bading si Gabby.

Kung sakaling sa tunay na buhay, may asawa siya o boyfriend at madidiskubre niyang bading pala ito, ano ang gagawin ni Glaiza?

“Ang hirap nun, a!

“Well, hindi ko naman siya puwedeng i-judge, e, kung ano talaga siya.

"Kasi naniniwala pa rin ako na kahit sabihin niyang bading siya, may pagkalalaki pa rin siya, e.

“Meron pa ring percent dun sa pagkatao niya na caring, na puwedeng mag-provide siya sa family niya.

“Katulad nung kay Carding, e, na kasi ano lang siya, bakla lang siyang magsalita, bakla siyang kumilos, pero deep inside, kung paano niya i-protect yung pamilya niya, hindi siya yung tipong, ’E, hindi, e, babae pa rin ako, e.’

“Hindi, hindi siya ganun, e. So, sa akin, walang kaso.

“Kaya lang, choice ng both people, choice ninyo pareho kung gusto ninyo ba talagang mag-stick o maghiwalay.

“Kasi kung siya choice niya naman na, ‘Bakla ako, hindi ko na kaya ito na makipagrelasyon sa babae.’

“Kung gusto niya, e, di okay lang, magpaparaya ako.

"Pero kung mapag-usapan naman namin na, ‘Let’s work this out, okay naman, mahal naman natin ang isa’t isa, why not?’

“Basta nandun yung love, e. Nandun yung decision ninyo pareho na gusto ninyong mag-stay together.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO GAYDAR. So, may posibilidad na pumatol siya sa isang bisexual?

Sagot ni Glaiza, “May possibility, puwede, kasi hindi mo rin naman puwedeng piliin, e.”

Wala pa naman daw nanligaw sa kanya na tagong-bading o bisexual.

“Hindi ko alam kung kung hindi ko ’naamoy,’ hindi kasi ako masyadong marunong sa ganun, e, sa ’amuyan.’

“Wala akong gay radar.”

Halimbawa namang malaman niyang ang boyfriend niya ay may karelasyong bading?

“Ayun na, ayun na, yun ang medyo hindi ko kaya.

"Kasi parang sa akin, kung saan mo gusto, kasi parang hindi ko…

"Palagi kong maiiisip na, e. Mapapraning na ako, e."

Paano kung nakaraan na? Na umamin sa kanya ang guy na nagkaroon na ito dati ng karelasyong gay?

“Well, siguro hindi ko pa rin talaga maiisip na, bilang babae, palagi kong matatanong yung ganyan.

"Pero kung ipu-prove niya naman na hindi na siya mambabading, di let’s see," saad ni Glaiza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN