Liza Soberano on bashers’ empty threats: “Parang online lang naman nila nagagawa yun.”

Liza Soberano on dealing with bashers who "hate" her for being the third party in most of Kathryn Bernardo and Daniel Padilla’s movies or TV shows: “Wala naman po, kasi work is work naman po. Wala naman po silang magagawa kung kami ang pinagsama.”


Tatlong taon pa lang mula nang pasukin ni Liza Soberano ang mundo ng showbiz, pero walang duda na maayos ang takbo ng kanyang career ngayon sa bakuran ng ABS-CBN.

Kung si Liza ang tatanungin, tingin daw niya ay dalawang taon pa lang talaga siya sa showbiz.

Ayon kay Liza, nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Linggo, June 8, bago mag-ASAP 19: “Three years na po, pero parang feeling ko, two years pa lang talaga since nagdire-diretso po.”

Nakakabilib din si Liza dahil kahit ipinanganak at lumaki sa Amerika at ilang taon pa lang siyang naninirahan sa Pilipinas, magaling na siyang magsalita ng Tagalog.

Ang ama niya ay Pinoy habang ang kanyang ina ay Amerikana.

Aniya, “Talagang pinag-aralan ko po [ang Tagalog].

"Hindi puwedeng, halimbawa mahirap ang role mo, hindi puwedeng may twang.

“At saka, siguro po kasi, kapag bata, mas madaling matuto.

"Pero nakakaintindi po ako ng Ilocano. Lumaki po kasi ako sa lolo at lola ko sa Amerika po."

DEALING WITH BASHERS. Kung marami ang nagkakagusto kay Liza, mayroon din siyang haters at bashers sa social media.

Ang sabihan siyang baka “mapatay” siya ang pinakagrabe raw na natanggap niyang pangba-bash.

“Sabi po, ’Matakot ka, baka mapatay kita!’” aniya.

Ano ang naramdaman niya nang mabasa ito?

Kibit-balikat ni Liza, “Wala lang, pero para sa akin, it’s not right to tell us, human, lalo na sa artist.

"Hindi ko naman siya kilala at hindi naman niya ako kilala, so bakit siya magsasabi ng ganun, ’di ba?”

Hindi ba siya natatakot para sa “safety” niya na may mga ganoong pagbabanta?

“Hindi rin, kasi parang in person, parang ang babait nila. Parang online lang naman nila nagagawa yun,” sagot ni Liza.

Nababasa raw ni Liza ang comments sa kanya online, pero napipigilan naman niya ang sariling patulan o sagutin ang mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung mga sobrang rude, hindi ko po talaga sinasagot.

"Pero merong iba, like may bagong movie po ang KathNiel, yung She’s Dating A Gangster, kung kasama raw po ako.

“Sinagot ko po ng ’No’ kasi ang dami nang nagagalit sa akin. Akala nila kasama ako.”

Karamihan ng bashers ni Liza ay nag-ugat dahil na rin sa mga proyektong pinagsamahan nilang tatlo nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Wala siyang trauma na makapareha muli si Daniel o maging “triangle” sa dalawa?

“Wala naman po, kasi work is work naman po. Wala naman po silang magagawa kung kami ang pinagsama,” sabi niya.

TYPECAST AS THIRD PARTY? Sa isang banda, sa mga nagiging karakter niya sa telebisyon o pelikula ay madalas siya ang “third party.” Hindi ba siya takot na ma-typecast?

Ayon kay Liza, “Hindi naman po, kasi hindi rin naman po siya kontrabida o third wheel.

"Sa Must Be Love, ako po ang unang girlfriend.

“Sa She’s The One, friend lang naman ako.

"Sa Got To Believe, hindi ko naman alam na may dati siyang girlfriend.

“Hindi po ako kontrabida na kontrabida, parang pampagulo lang.”

NO SUITORS YET. Hindi na nakakapagtaka kung may mga lalaki o ibang Kapamilya stars na magkaroon ng interes sa kanya.

Noong magkasama sila ni Enrique Gil sa She’s The One, na-link din sila. Pero ipinagdiinan ni Liza na wala siyang manliligaw.

Sabi pa niya, “Promise, wala po talaga. Honesto.

“At saka, hindi po sila makakadaan kay Tita.”

Paano kung may mag-attempt na manligaw?

Saad ng 16-year-old Star Magic talent, “Wala pa pong nag-a-attempt.

"Wala pa po yung puwedeng manligaw. Wala po talaga.

"At saka, wala po yung nagsasabing may crush sila or something.

“At saka, isa pa po, hindi ko rin naman po ipinapamigay ang number ko sa boys.”

Tingin daw ni Liza, pagdating niya ng 20 o 21 years old pa lang siya posibleng mag-entertain ng manliligaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Totoo po yun, hindi pa po talaga,” diin niya.

Kahit na mag-debut na siya, hindi pa rin puwede?

Ani Liza, “Puwede po sigurong mag-text sa boys, pero hindi yung may something. Parang friends lang.

"Kasi ngayon, hindi ako nakikipag-text po talaga."

Ang manager daw niyang si Ogie Diaz ang isa sa madalas magpaalala na career lang muna ang atupagin niya.

“Palagi po, basta makita niya lang po ako, ’O, anak, ha, no boys. Kailangan magpayaman ka muna bago ka mag-boyfriend.’ Parang ganun po.

“’Tapos, palagi niyang ipinapaalala sa akin na mag-jogging. Parang daddy na nga, e.”

ASPIRING MODEL. Ang unang pangarap talaga ni Liza ay maging modelo. Kung puwede nga raw, makasama siya sa America’s Next Top Model.

Sa edad na 16, nasa 5’6” na ang height niya.

Pangarap din ba niyang makasali sa mga beauty pageant ’tulad ng Binibining Pilipinas?

“Hindi po, hindi po,” nakangiting sagot niya.

“Ang gusto ko po, parang high fashion, hindi pa-tweetums, hindi pa-sweet.

"Sa beauty pageant po kasi, parang buong bansa pinapanood ka, nakakatakot.

“Hindi ko ma-explain, e, pero baka ma-disappoint sila sa akin or something.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN