Max Collins gives up search for missing dad: “Maybe it’s not meant to be.”

Max Collins has no bitterness towards her missing biological dad. She says, “It’s not really bitterness kasi, hindi ko naman siya nakilala. I think mas masakit kung nakilala ko and then iniwan niya ako or something. Pero hindi ko naman siya maalala.”


Simula nang ipanganak ang Kapuso star na si Max Collins, hindi pa niya nakikita o nakakasama man lang ang totoong ama niya.

Baby pa lang daw kasi siya nang maghiwalay ang mga magulang sa Amerika kunsaan ipinanganak si Max.

Ang alam namin, pilit na hinahanap ni Max ang biological father niya, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ito nakikita.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Max noong June 6 sa pocket presscon ng Innamorata, ang kanyang afternoon series sa GMA-7, sinabi ni Max na tumigil na rin daw siyang maghanap.

“I stopped na, I stopped na rin na hanapin siya. Parang sinabi siguro ni Lord, hindi kami magkikita. E, ’di hindi.

“I tried to look for him when I was in the States but I can’t find him. Maybe it’s not meant to be,” saad niya.

Ang pangalan daw kasi ng daddy ni Max ay Christian Collins—isang karaniwan na pangalan sa mga Amerikano.

Sabi pa niya, “Very common kasi ang name niya. And for me, okay na rin naman kasi, my mom raised me alone and I don’t need to know him if he doesn’t want to know me.”

Naniniwala naman daw siyang buhay pa ang ama.

Aniya, “I think he’s still alive.”

NO CONTACT. Ang alam daw niya, manager ng isang car dealership sa Los Angeles ang ama noon. Nawalan na rin daw ng contact ang ina niya sa pamilya o kahit kaibigan ng ama niya.

Ayon kay Max, “... Noong maghiwalay sila, they stopped talking. Tapos lumipat kami sa San Francisco, that’s where pinanganak ako. Tapos sa L.A. Sila, nawalan sila ng contact.

“Parang hindi naman siya nag-a-update sa mom ko kung kumusta na ako, parang hindi naman niya ako hinanap.”

Yung mga lugar na puwedeng puntahan ng biological dad niya, hindi na ba alam ng mommy niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yeah, but noong bumalik kami sa L.A., wala na siya ro’n. Because his mom din naman doesn’t live in L.A. She lives in another state at siya lang din ang contact ng mom ko,” detalye pa niyang kuwento.

NOT BITTER. Tinanong namin si Max kung may nararamdaman ba siyang “bitterness” sa tunay na ama.

Ang sabi niya, “Noon, yes... but now, no. Kasi, parang he never existed naman to me.

“It’s not really bitterness kasi hindi ko naman siya nakilala. I think, mas masakit kung nakilala ko and then iniwan niya ako or something. Pero hindi ko naman siya maalala.”

QUESTIONS FOR DAD. Kung sakali at makita na nga niya ang tunay na ama, magiging masaya ba siya?

“Hindi rin,” saad ni Max.

“Wala rin naman siyang value na sa akin. Unless he would come to my life and would want to be a father to me, e, ’di okay.”

Kung sakali at makikita niya ang ama, ano ang gusto niyang itanong dito?

“Why did you want to have me?

“Kasi, siya talaga ang may gusto. My mom told me na siya talaga ang gustong magka-anak. And then, nawala siya. So maybe that would be my question,” pahayag niya.

CELEBRATING FATHER’S DAY. Kapag ganitong Father’s Day, paano niya ito ipinagdiriwang?

“Mother’s Day pa rin,” nakangiting sabi ni Max.

“I give my mom gifts. Mother’s Day and Father’s Day, I give her gifts kasi, siya naman ang naging mother and father talaga sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN