Gerald Anderson shares his Father’s Day ritual: “Hindi naman importante ang regalo basta ma-greet mo siya.”

Gerald Anderson on how he dotes on his dad on Father’s Day: “Medyo showy ako, medyo mahilig akong magbigay ng regalo. Like I’ve said, hindi naman importante yun. Ang importante, na-greet mo siya at nagpapasalamat ka sa lahat.”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gerald Anderson nang magkaroon ng National Makeover Day ang HBC sa Trinoma Activity Center noong June 12.

Isa si Gerald sa mga celebrities na nag-perform at kinumusta ito ng PEP kung paano siya nagdiriwang kapag dumarating ang Father’s Day.

Ayon kay Gerald, “Siyempre, igi-greet ko ang dad ko at gusto kong makasama siya, pero siyempre depende sa schedule.

“Pero itong Linggong ito, may ASAP ako. Pero siguro I’ll just visit and greet him at saka alam na niya yun, sobra akong nagpapasalamat sa lahat.”

Hindi na raw sila magkasama sa isang bahay ng kanyang American dad na si Gerald Randy Anderson, dahil may sarili nang bahay si Gerald.

Ayon sa Kapamilya actor, mahirap daw magkasama silang mag-ama dahil sa kanyang busy schedule.

“Mahirap talaga schedule-wise, but as I’ve said, hindi naman kailangan na sa mga ganitong okasyon yung regalo, kundi simpleng mabati mo siya,” saad niya.

Aminado si Gerald na kapag dumarating ang okasyon tulad ng Father’s Day, lumalabas daw ang pagiging “showy” niya o pagka-maalalahanin sa kanyang ama.

Pag-amin niya, “Medyo showy ako, medyo mahilig akong magbigay ng regalo. Like I’ve said, hindi naman importante yun. Ang importante, na-greet mo siya at nagpapasalamat ka sa lahat.”

FATHER’S DAY GIFT. Tinanong din namin si Gerald kung sa mga naibigay niya sa daddy niya, ano ang natatandaan niyang sobrang ikinatuwa nito?

Sabi naman ni Gerald, “Relo... binigyan ko siya ng relo. Isang Rolex.

“Bata pa lang ako, gusto ko siyang bigyan ng relo kasi yun ang ano ng isang lalaki talaga, yung relo.

“So, yun ang regalo ko para sa kanya.”

May naiisip na ba siyang Father’s Day gift?

“Meron siguro, pero like I’ve said, hindi naman importante ang regalo basta ma-greet mo siya,” ulit pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

INHERITED TRAITS. Sa mga katangian na meron ang ama niya, ano ang pinaniniwalaan niyang kahit paano ay nakuha o namana niya?

Pahayag niya, “Yung pagiging masipag, yung pagiging charming.”

“Ang dad ko kasi, charming yun. Pero yung pagiging masipag talaga.”

Kung sakali at maging ama na rin siya, ano ang mga gusto niyang ipakita sa magiging anak niya?

“Yung pagiging hardworking, down-to-earth—sana down-to-earth ako. Hindi nakakalimutan kung ano ang pinanggalingan.

“Huwag makakalimot sa mga blessing,” dagdag pa niya.

MAKE YOUR PAPA PROUD. Tinanong din namin si Gerald kung ano sa palagay niya ang mga nagawa niya na ikinatuwa o ikinasakit ng damdamin ng kanyang ama mula noong kabataan niya.

Sagot niya, “I don’t know, hindi naman, hindi naman. Siguro, noong bata ako...

“Mababaw lang, e. Pero I think, mas nangingibabaw yung pagiging proud niya dahil nakarating ako kung saan ako ngayon and I hope, proud nga siya.”

Papa o Mama’s boy ba siya?

“Pareho ’ko, e,” nakangiti niyang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN