Jake Cuenca on his father: “Sobra akong close sa daddy ko, para ko na rin siyang best friend.”

Jake Cuenca says his dad showed him the world: “Ang isa sa pinakamagandang binigay sa amin ni Papa, nakita namin ang mundo dahil sa tatay ko. Kumbaga, dinala niya kami sa Spain, sa States... kumbaga, noong bata pa lang kami, natikman na namin ang mundo. Later on in life, saka ko na-realize na wow, ang laking bagay pala nun.”


Hindi na itinatago ng Kapamilya actor na si Jake Cuenca kung gaano siya kasaya at ka-in love sa kanyang girlfriend, ang Australian model na si Chanel Olive Thomas.

Nang makausap si Jake ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ginanap na National Makeover Day ng HBC noong Independence Day sa Trinoma Activity Center, tinanong namin siya kung paano niya ipagdiriwang ang Father’s Day.

“Dinner lang with family, simpleng dinner lang kasama na rin namin ang girlfriend ko,” saad niya.

Ayon kay Jake, malapit daw siya sa ama.

Aniya, “Sobra akong close sa daddy ko, para ko na rin siyang best friend.”

TRAVELS WITH HIS DAD. Ang ama ni Jake ay Espanyol at ang mommy naman niya ay Pilipina.

Habang lumalaki, ano ang mga hindi niya makakalimutan sa papa niya?

“Ang isa sa pinakamagandang binigay sa amin ni Papa, nakita namin ang mundo dahil sa tatay ko.

“Kumbaga, dinala niya kami sa Spain, sa States... kumbaga, noong bata pa lang kami, natikman na namin ang mundo.

“Later on in life, saka ko na-realize na wow, ang laking bagay pala nun.

“At siyempre, ang daddy ko, alam niyang busy ako, palagi niyang inaasikaso ang mga kotse ko, bahay ko, malaking bagay.

“So for me, mahal na mahal ko ang dad ko and for me, he’s the best dad in the world,” pagmamalaki niya.

CAR GEEK LIKE DAD. Ang ama rin daw niya ang dahilan kung bakit mahilig siya sa mga sasakyan.

Sabi nga ni Jake, “Hanggang ngayon, ganoon pa rin.”

Ang unang kotse raw niya, binili niya gamit ang sarili niyang pera. At dahil tumira sa Spain ang mga magulang, kinailangan niyang maging independent.

“Pero ngayon, marami akong kotse, siya na ang nag-aayos, siya na rin ang nagme-maintain.

“Baka kung hindi dahil sa kanya, baka sira-sira na ang mga kotse ko,” pagpapasalamat niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pagkakaroon ng foreigner na ama, ano ang mga nakikita niyang advantages at disadvantages?

“Siguro sa advantages, mas open-minded siya. Hindi siya ganoon ka-conservative.

"So, kapag nagkakamali ako, nakikita pa rin niya ang bright side, Hindi niya kinu-condemn ang mga pagkakamaling nagawa ko.

“And with that, parang hinahayaan niya akong matuto sa mga pagkakamali ko. Ako yung tao na hindi mo puwedeng ipilit sa akin ang gusto mo,” pag-aanalisa niya.

GIVING BACK. Matagal na rin siyang nagtatrabaho at masasabing malaki na rin ang kinikita niya sa pag-aartista.

May mga sasakyan at sariling bahay na siyang naipundar.

May mga regalo na ba siya sa kanyang ama?

“Kay Papa, binigyan ko siya ng kotse. Marami na rin, e. Nakapagbigay na ’ko sa kanya ng sports car,” banggit ni Jake.

PAPA JAKE? Ayon kay Jake, gusto niya ang style ng pagiging ama ng papa niya.

“Hindi ako yung typical na conservative; ganoon din si Papa. Malamang, kapag nagka-anak ako, ganoon siguro ang parang peg ko sa sarili ko—parang si Papa.”

Pero ayon kay Jake, matagal pa raw bago siya maging isang ama.

Pahabol pa niya, “Matagal pa, matagal pa... marami pa akong gustong gawin, lalo na pagdating sa career. Sa ngayon, enjoy muna.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN