Kylie Padilla keeps her distance from Louise delos Reyes: “I forgive her but I don’t wanna talk to her. I don’t wanna see her. Bakit pa?”

Kylie Padilla on ignoring Louise delos Reyes: "Well, kasi Louise is my friend—I thought. Plastic naman ako kung makikipag-usap ako sa kanya. Alam ko maraming magagalit, even our fans but c’mon, hindi ko kayang makipag-plastikan, bakit pa?"


Si Kylie Padilla ang naging finale sa ginanap na Kapuso Family Day 2014 sa Enchanted Kingdom kahapon, June 14.

Masaya naman si Kylie nang paunlakan niya ng panayam ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ayon kay Kylie, "Okay na po ako. Umo-okey na actually."

Hindi naman itinanggi ni Kylie na nasa moving-on process pa siya at hindi raw madali ang naging break-up nila ng boyfriend niyang si Aljur Abrenica.

"Magti-three months na, e. So medyo nakakabangon na.

"Actually, mas gusto ko kung sino ako ngayon kesa noon. Mas masaya ako ngayon," dagdag pa niya.

Pagkatapos ng nangyari, paano naman niya nasabing mas masaya siya ngayon? Saan nanggagaling ang saya?

"Hindi ko rin alam," saad niya.

"Maraming issues na nawala after what happened."



NO RECONCILIATION. Diretsahan naman naming sinabi kay Kylie na marami ang nagsasabing baka tulad ng dati na nagbi-break sila, pero pagkalipas ng ilang araw, nagkakabalikan din.

Sabi nga namin kay Kylie, kahit kami may dudang magkakabalikan sila ni Aljur.

"Honestly, ayoko," lahad ni Kylie.

"Kasi tapos na ’ko sa ganun. Because it’s like, kung babalik ka, parang wala kang natutunan.

“Saan yung iniyak mo, lahat ng sakit? Dapat may natutunan ka and then, move on. Move on."



KEEPING HER DISTANCE. Hindi naman niya itinangging pagkatapos nilang mag-break ni Aljur ay may komunikasyon pa rin sila, pero nagdesisyon daw silang itigil na rin ito.

Pahayag niya, "We stopped talking kasi ang hirap, e. Ang hirap makipagkaibigan sa taong in-love ka. So, we both decided to stop talking."

Kung pagmamahal daw ang pag-uusapan, ayon kay Kylie ay hindi pa raw yun lubusang nawawala sa kanya.

Aniya, "Nandiyan pa. The love is there but wala na yung want. Wala na."

Hindi raw si Kylie ang tipo ng babaeng madaling makalimot o makapag-move on, at maghahanap ng bagong makakarelasyon katulad ng ginagawa ng iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya nga, "Ayoko, ayoko ng ganun.

"Ayoko namang gumamit ng tao, like a rebound. Ang gusto ko friends.

“Kasi, ang hirap talagang mag-move on na mag-isa ka. Sobrang hirap, yun lang ang memories mo tapos doon ka babalik.

"If you have new friends and then you make new memories, hindi necessarily na in-love ka, pero yung memories na babalikan mo kapag mag-isa ka, yun ang gusto ko."



REGRETS? Tatlong taon din ang itinagal ng relasyon nila ni Aljur.

Kapag binabalikan niya ito, may pagsisisi ba siya?

Natatawa niyang sagot, "Noong una, [wala]. Pero after a few weeks, meron na.

"Ganoon yata talaga. Dinadaanan ko pa lang ang process..."



LESSONS LEARNED. Nang mag-break sila ni Aljur, ito ang panahon na nasa Australia siya kasama ang ina at mga kapatid.

Mas naging madali ba sa kanya na nasa Australia siya noon?

"Hindi, hindi... Mas mahirap. Kaya ako pumayat, yun ang dahilan," natatawang sabi niya.

Biro pa niya, "At least, nawala na ang baby fat. Pero, okay na yun. Okay na. Ayoko nang balikan ang nangyari sa Australia."

Ano ang mga natutunan niya sa nangyari?

"Kapag nagmahal ka, huwag mong ibigay ang lahat. Magtira ka para sa sarili mo. Yun ang pinaka-sikat dun na quote kapag na-in love ka," natawang sabi pa niya.

"Nangyari sa akin, sobra akong nagmahal."



SHE ALMOST QUIT SHOWBIZ. Habang nasa Australia siya, may lumabas na balitang ayaw na raw siyang pabalikin pa ng mommy niyang si Liezl Sicangco.

Totoo ba ito?

"Opo, totoo yun," pag-amin niya.

"At saka, dumating din po ako sa stage na ayaw ko nang mag-artista. It happened noong malaman ko na ang lahat.

“Yung shock nandoon pa kaya parang ayoko na. Nakakahiya, e! Ako pa ang nahiya e, ’no?" tawa niya.

"Pero after that, I prayed."



RELATIONSHIP WITH DAD. Sabi nga namin kay Kylie, naging kapansin-pansin naman sa mga Instagram posts niya na parang biglang naging mainit muli ang pananampalataya niya bilang isang Muslim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Yeah, okay naman ako doon. Positive naman yun. Happy ako ro’n."

Kinumusta rin namin kay Kylie ang papa niya na si Robin Padilla at mukhang tahimik lang ito sa mga nangyari sa kanya.

Sabi naman ni Kylie, "Ayokong masyadong sabihin, pero hindi siya okay. Hindi talaga siya okay, pero yun lang."

Nagka-usap sila ng papa niya lalo na’t alam ng lahat kung gaano ito ka-protective sa kanilang magkakapatid.

"Yes, especially now, he texts me all the time. Kasi, yung mga post ko, parang may ibig sabihin sa IG, pero actually, wala na.

“Lalo na now, kada-post ko, magti-text siya na, ’Anak, okay ka lang ba?’" natawa niyang sabi.

"Yung relationship namin ng papa ko, yun ang bumalik. I love my father."



IGNORING LOUISE. Nasusulat nga na sa naging break-up daw nila ni Aljur, isang third party ang dahilan.

At ang itinuturong third party diumano ay ang Kapuso star na si Louise delos Reyes. Sa Sunday All Stars, kung saan sila parehong performers, may balitang hindi raw sila nagpapansinan. Totoo ba ito?

"Well, kasi Louise is my friend—I thought," saad niya.

"Plastic naman ako kung makikipag-usap ako sa kanya. I forgive her but I don’t wanna talk to her. I don’t wanna see her. Bakit pa? Nagkita kami sa SAS, pero dedma... I mean, bakit pa?

"Alam ko maraming magagalit, even our fans but c’mon, hindi ko kayang makipag-plastikan, bakit pa? Yun ang weakness ko. Strength daw yun pero weakness din."

Kaya naman niyang makatrabaho sina Louise at Aljur?

"In SAS, I’m working with them, pero mahirap noong una. I’m okay na, really. I really don’t care."



FOCUS ON NEW ALBUM. Sa career naman niya, posible raw siyang magkaroon ng bagong serye sa September. Pero may ginawa raw siyang guesting sa isang panghapong serye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mas pinagkakaabalahan niya raw ngayon ay ang kanyang kauna-unahang album.

Pagmamalaki niya, "I have my music video coming out, excited ako ro’n."

Ang single niya ay "Gitara" na nakalabas na sa iTunes under GMA Records. Sariling komposisyon niya ito. Pero hindi raw niya nasulat yun dahil sa break-up nila ni Aljur.

Sabi nga niya, "Two years ago pa ’to kaso bumagay sa situwasyon kaya akala nila ganun."

Dalawang taon ang nakararaan at love problem din daw ang dahilan kaya niya nasulat ang kanta. Pero sabi nga niya, hindi naman daw swak talaga sa situwasyon nila ngayon.

"Noong sinulat ko, it’s not the same as how I feel now," paglinaw niya.

Ngayong katapusan ng Hunyo posibleng lumabas ang hard copy at music video ng single.

Masayang sabi ni Kylie, "Noong ginagawa namin ’to, wala naman sa isip ko na kapag naglabas ng album, singer na.

“Honestly, arts lang. Nagsulat lang ako, tapos ngayon naglabas ng album si Kylie—singer na siya.

"Nakakabigla naman talaga. Pero sa ngayon, hindi ko pa napapakita ang full potential ko. Unti-unti."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN