Rocco Nacino promises dad to put family first

Rocco Nacino talks about what he admires about his dad: “Being hardworking, I think, yun ang nakuha ko sa dad ko. My dad was a working student at siya yung naging breadwinner para sa eight siblings niya. Nakita ko sa kanya kung paano ang pagiging masipag para makaahon. Sa kanya ko nakita na nagsipag talaga, nagpursige para umabot kami sa ganitong estado.”


“Not anytime soon,” ang nakangiting pahayag ng Kapuso actor na si Rocco Nacino nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung kailan niya nakikita ang sarili bilang isang ganap na ama.

Nakausap ng PEP si Rocco sa launch ng Yahoo Celebrity Awards noong June 4, kunsaan isa si Rocco sa mga nominado sa kategoryang Male Emerging Star.

Lahad pa ni Rocco, “Ano muna, I want to be traditional [get married, have kids] but then, ang dami ko pang gustong gawin.

“Siguro in ten years. It depends, hindi ko talaga masabi.

“It’s hard to say, you can never say when. Darating na lang yun.”

Mahilig daw si Rocco sa mga bata.

“I love kids, so why not?” sabi niya.

DAD’S ADMIRABLE TRAITS. Ano ang mga katangian ng ama niyang si Ralph Nacino na gusto niyang gayahin kung magiging daddy na rin siya?

“Masipag, determined at thoughtful. Pag-isip sa anak muna bago sarili niya," ani Rocco.

“Being hardworking, I think, yun ang nakuha ko sa dad ko. My dad was a working student at siya yung naging breadwinner para sa eight siblings niya.

“Nakita ko sa kanya kung paano ang pagiging masipag para makaahon. Sa kanya ko nakita na nagsipag talaga, nagpursige para umabot kami sa ganitong estado.

“We’re in a good status naman. Nakabuo sila ni Mommy ng pamilya at gusto ko rin makuha kung paano sila mag-disiplina ng anak nila,” kuwento pa ng Kapuso hunk.

Paano nga ba magdisiplina ng anak ang daddy niya?

“Studies first, kahit na anong mangyari, studies first. At saka dapat talaga maging masunurin sa magulang. Ipinakita nila sa akin kung gaano ka-importante na mahalin at unahin ang pamilya mo,” pahayag niya.

Tinanong din namin si Rocco kung sa palagay niya ay nasaktan niya emotionally ang kanyang ama.

“I’ll just keep that to myself,” ang nakangiting sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, “Basta something—it’s hard, e. Mahirap sabihin kasi, very sensitive yun. Hindi ko masasabi.”

Kapag nagkakamali siya, nagsasabi ba siya ng “Sorry” sa ama niya?

“Oo, lahat ng ginagawa kong mali, I make sure I apologize,” giit niya.

FATHER’S DAY GIFT? Katulad ng ibang pamilya, simple lang daw ang selebrasyon nila ng Father’s Day. Magkakasama daw sila, nagdi-dinner sa labas.

“Sana rin makahabol ang gift ko sa kanya. Kaya lang, hindi ko puwedeng sabihin. Basta something na magagamit niya sa work. Magpapa-pogi sa kanya.”

Kotse ba ito?

“Hindi pa kaya ng pera ko yun,” natatawang saad niya.

PROMISE TO DAD. Ano naman sa palagay niya ang nagawa niya na nagpaligaya sa kanyang ama?

“Nakapagtapos ako ng pag-aaral... Nakapasa rin ako sa board exam,” pagmamalaki ni Rocco.

May pangako ba siya sa daddy niya?

“Maging matalino in making decisions and to be successful in life but at the same time, hindi dapat makalimot sa pamilya.

“Family first,” deklara niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN