Doug Kramer to Team Kramer bashers: “We’re not showing a mask... this is how we really are”

Doug Kramer (shown with Team Kramer) fends off negative criticisms about their too-good-to-be-true image: "If it works for us, it can work for everyone else. That’s why, they want to achieve the same for their families. This is how our family is—we’re happy, we’re blessed and we want to be a blessing to a lot of families also."


Ipinagkikibit-balikat na lang ng sikat na PBA player na si Doug Kramer ang intrigang "too good to be true" daw ang sobrang ayos na relasyon nila ng kanyang asawang si Cheska Diaz sampu ng kanyang mga anak na sina Kendra, 4, Scarlett, 2, at Gavin, 1.

Lalo na nga raw kapag sila ay nasa publiko na para raw sobra silang napaka-ideal na tipong walang kaproble-problema sa kanilang buhay-pamilya.

Ang pamilyang Kramer na mas kilala ngayon sa bansag na “Team Kramer” ay umaani ng sobrang popularidad lalo na sa social media dahil sa mga posts nilang mag-asawa na nagpapakita ng maayos na samahan ng isang pamilya, magandang values sa pagpapalaki ng mga anak at normal na mga nangyayari sa loob ng kanilang tahanan.

Reaksyon ni Doug sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa intriga, "We’re not showing a mask, and we’re not trying to hold back something because this is how we really are.

"We are really intact.

"We [were] boyfriend-girlfriend and I’ve been married to Cheska for eleven years now.

"We’re happily married... We spend a lot of time together [with our kids].

"That’s why our fans really look up to us as a loving couple and [admire] our relationship with our kids.

"We are a very spiritual family, we believe in God, Jesus Christ and believe that He is the center of everything in our relationship."

Dugtong pa ni Doug, "If it works for us, it can work for everyone else. That’s why, they want to achieve the same for their families.

"If they say it’s too good to be true, all I wanna say is ’thank you.’

"This is how our family is—we’re happy, we’re blessed and we want to be a blessing to a lot of families also."

Nakapanayam si Doug ng PEP at ilang miyembro ng press sa LG ULTRA HDTV roadshow launch at "Meet and Greet wth Team Kramer" noong June 12 sa Eastwood Mall Atrium sa Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Team Kramer ang family ambassador ng pinakabagong LG UHD TV.

INSTILLING VALUES. Bilang padre de pamilya, paano nga ba niya pinalalaki ang kanyang mga anak at ano ang inspirasyon na nagtutulak sa kanya para gawin ito?

Aniya, "I just want them to be happy no matter what we do.

"I think the most important thing that Cheska and I share is that we want our kids to have Jesus Christ sa buhay nila.

"Kaya nga, we are bringing them up this way.

"We’re happy because of this.

"And I’m sure once our kids have that, they will be able to say no to a lot of worldly and negative things, ’di ba?

"That’s why ganun namin sila pinalalaki."

INSPIRATION. Tampulan daw sila ng inggit ng ilang pamilya dahil sa maayos na pagpapalaki nila ng kanilang mga anak.

Pagkontra ng basketbolista, "Hindi naman siguro inggit kundi they look up to us.

"We are serving as an inspiration to them.

"I think, yun ang dating nito sa kanila.

"What they see in our social media account is what is actually happening in our lives.

"That’s just what we are, kaya nga our followers—actually we call them ’friends’—they can see how genuine we are to them.”

ACCENTUATE THE POSITIVE. Ano naman kaya ang downside ng kasikatan nilang ito? Paano ba nito naapektuhan ang pang-araw-araw nilang pamumuhay?

Paliwanag niya, "Why look at it in a negative way, ’di ba?

"Maybe there are some precautions, but not negative in terms of security and stuff for the kids.

"But you know, it’s something like turning off your location services in your phone para yung mga tao, they don’t exactly know where you are the whole time.

"I don’t post every single time kung nasaan kami.

"Sometimes, I delay my posts because I wanna keep our fans on their toes, too."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy pa niya, "Definitely, not negative to affect the lives of people.

"We are promoting a good and intact family.

"The positive outweighs the negative."

SHARING TESTIMONIES. Hanggang saan ba nila kayang ituloy ang kanilang advocacy?

Saad ng Air21 cager, "Titingnan namin kung hanggang saan kami dadalhin nito.

"The most important thing is we want to be a blessing to a lot of people.

"Right now, there are groups na nag-i-invite sa amin where we share testimonies.

"We are very active sa World Vision.

"As long as our time permits, active kami sa ganitong cause."

FATHER’S DAY CELEBRATION. Ngayong Father’s Day, ano ang plano nila?

Nangingiting rebelasyon niya, "Simple lang kami.

"We’re not going to malls... everyone is there na so it’s going to be hard.

"For occasions like this, I cook our meals at home, we watch TV together.

"Basta, magkasama-sama lang kami. For me, enough na ’to."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN