Gardo Versoza says Father’s Day more meaningful since birth of son

Gardo Versoza (shown in photo with partner Ivy Vicencio and son Deity Uziel) plays an offbeat role—a flamboyant gay—opposite Gabby Eigenmann in their new TV series, Dading.


Para kay Gardo Versoza, nagkaroon ng mas malalim na kahulugan ang paggunita sa Father’s Day mula nang isilang ng kanyang partner na si Ivy Vicencio ang kanilang supling na si Deity Uziel.

Now, at seven-and-a-half-months old, the healthy-looking baby is indeed a bundle of joy for Gardo and Ivy.

"Feeling ko, everyday is like Father’s Day magmula noon," sabi niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gardo June 14 sa Rockwell Powerplant Mall sa Makati City.

Gardo was accompanied by his partner Ivy and their cute and healthy first-born son, Baby Uziel.

"O, ’di ba? Na-experience mo ang pagiging ’Dading’?" biro naman ni Gardo sa writer na ito, dahil na-witness namin ang mismong delivery ng bata via cesarian section, Oktubre 2013.

Natawa si Gardo sa sinabi, bilang pagtukoy naman sa nalalapit niyang afternoon drama series sa GMA-7, ang Dading: "It’s coinciding with the coming show!"

WONDERFUL. Gardo says portraying another gay role in the forthcoming series is such "a wonderful, colorful, and so fabulous experience!"

Gabby Eigenmann portrays the title role of Carding, a gay dad or "daddy’ng bading," hence the term, "Dading."

At si Gardo ang gaganap bilang Lexi, ang best friend ni Dading.

"Nakaka-enjoy, kasi first and foremost, alam namin na pareho kaming nagpu-portray ng kakaibang roles, na something unusual.

"Nakakatuwa, kasi as an actor, or as an artist, madali kaming nagdyi-jell.

"Hindi siya [Gabby] maramot na artista, kaya parehong open [ang communication] namin.

"Kaya magaan at na-e-enjoy namin ang pag-tackle ng mga scenes."

The two actors have apprehensions about the role—being straight guys who are both real-life fathers.

"Oo, actually umabot nga sa point na natatakot kami [ni Gabby] na baka hindi kami makabitaw [sa character namin]," natatawang pahayag ni Gardo.

"Sabi ko, naku, ipagpag ko muna ito! Afraid!" kuwelang sambit pa ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"After taping, punta muna kami, halimbawa, sa mga girlie club... [parang] ’magpapagpag’, galing sa ’coffee party’," biro pa ni Gardo.

STRAIGHT GUY. Gardo, of course, is not just a "straight looking, straight acting" type of guy. He is fairly adept in doing character parts, including but not limited to gay roles.

Gayunman, para sa tulad niya, alam niya ang katotohanan sa kanyang sarili at hindi na kailangang ipaliwanag.

Natatawang nagbahagi pa ang aktor.

"Sabi ko rin nga sa kanya [Gabby], pag tinitingnan ko yung mga legs [of both girls and boys], hindi ko pa rin ma-appreciate yung sa boys! Sa girls pa rin [ako]!" natawa uli siya.

"Tinanong ko nga, ’Bakit yung legs ng girls at legs ng boys, pareho namang legs yon, pero bakit pag sa boys, hindi ako naa-attract? Pero pag sa girls, naa-attract ako?

"Wala talaga akong appreciation sa legs ng boys!" tawa uli niya.

Kinaaaliwan ng lahat ang pagbabading-badingan ni Gardo, o ni Gabby sa set.

Ayon kay Ivy Vicencio, "Tawanan talaga lagi sa taping. Yung mga crew, ginagaya siya."

Bilang Lexi, sabi ni Gardo, "Kasi ako yung more on the lighter—and louder side!"

Habang hindi all-out gay ang role ni Gabby, si Gardo ang mas flamboyant type.

At sa tuwa raw ng mga crew sa set, binibilisan ng mga ito ang pagse-set up ng ilaw, para makita na nilang umaarteng bading ang mga aktor, lalo na si Gardo.

Lalo naman daw natutuwa si Ricky Davao, ang direktor ng serye.

Sasabihin daw nito sa mga aktor niya, "Kayo ha, masyado n’yong nae-enjoy [ang taping]!"

NOT A DISEASE. While he is confident that his baby will grow up to be a straight guy, Gardo has a ready answer to the question: What if his son turns out to be gay?

"I will give him all the love and support... and all the more try to lift up his spirit."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sang-ayon naman ni Ivy, "Oo, kasi hindi naman sakit ang pagiging gay, e. Dapat talaga, mas pa ang pang-unawa."

"Pero sa nakikita ko, sa porma’t kilos niya, ngayon pa lang, hindi magiging ’beki’ si Uziel!" tawa uli ng actor-dad.

"Matutupad talaga ang pangarap ko para kay Baby ’Machete’!" biro pa ni Gardo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN