Cherie Gil denies rumored tampuhan with Ikaw Lamang production staff

Marami ang nanghinayang sa pamamaalam ng karakter ni Cherie Gil sa primetime series ng ABS-CBN na Ikaw Lamang. Pinabulaanan naman ng aktres na may tampuhan sila ng production staff ng naturang teleserye.


Namaalam na ang karakter ni Cherie Gil bilang Miranda sa ABS-CBN primetime series na Ikaw Lamang noong Miyerkules, June 11.

Sa Twitter, marami ang nagpahayag ng kanilang panghihinayang sa pamamaalam sa show ng tinaguriang primera contravida.

Ngunit may mga haka-hakang sinadya diumanong pinatay ang karakter ni Cherie dahil sa mga nakaraang isyu na namagitan sa kanya at sa production staff ng programa.


Kumalat din sa social media ang diumano’y tweet ng direktor na si Jose Javier Reyes na nakasaad ang mga ganitong salita: “Quoted from an actress in a teleserye: ’I volunteered to write my own death scene so that I can just get the hell out of that show.’ IBA KA!”

Read: Cherie Gil reacts to her supposed "walkout" on the set of Ikaw Lamang

Minabuti ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingan ng pahayag si Cherie nang namataan namin siya sa play reading ng The Baby Dance ni G Tongi sa Century City Mall, Makati City, kahapon, June 15.

(Si Cherie Gil [kanan], kasama ang aktres na si Pinky Amador, na nanood ng play reading ni G Tongi kagabi, June 15, sa Century City Mall events place, Makati.)

Totoo bang nagkaroon sila ng tampuhan ng production staff ng Ikaw Lamang?

Tugon ni Cherie, “Ako? Tampuhan, wala...

"I mean, it’s just, you know, ups and downs, roller-coaster, just the way soaps should be, the processes is always ganyan.

“’Di naman smooth sailing. Alam naman natin ‘yan na mahirap ang ating trabaho hanggang umaga, so nagkakaroon ng kaunting glitches, pero naayos.”

Sa pinakahuling post naman ni Cherie sa kanyang Instagram account noong June 11, sinabi niyang: “This is a truly happy set. Best team I’ve worked with on a soap #ikawlamang #happyhappy”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN