Enzo Pineda on rumored closeness with Kylie Padilla: "Basta ang importante, happy ako, happy siya."

Enzo Pineda on working with ex-girlfriend Louise delos Reyes: "For me, if GMA really wants it, sige, game ako. Because nagtitiwala ako sa kanila and they know what’s best for their artists. Siguro game ako for the challenge. Pero siyempre, we also have to talk about it din, para ayusin yung mga bagay-bagay. Para at least, kung may matuloy man halimbawa na project para sa aming dalawa, ready na ang lahat."


Tila naka-move on na talaga ang Kapuso young actor na si Enzo Pineda mula sa breakup nila ng dating kasintahang si Louise delos Reyes.

“Okey naman, masaya… It’s Father’s Day, so I’m excited to spend time with my family today,” sabi ni Enzo nang kumustahin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa studio ng Sunday All Stars kahapon, June 15.

Ano ang regalo niya sa kanyang ama na si Eric Pineda kaugnay ng selebrasyon ng Father’s Day?

Ayon sa StarStruck V alumnus, “Mahilig yung dad ko na mag-golf, so binilhan ko siya ng mga golf items nung isang araw.

“Naibigay ko na ‘yon sa kanya at natuwa naman siya.”



HAPPY HEART. Masaya ba ang puso niya ngayon?

“Yes, masaya!” bulalas ni Enzo.

“Kasi, I get to focus on the things that make me happy talaga.

“So, yung mga pamilya at mga kaibigan ko, especially with work.

“I get to focus on things that I really wanna do right now, so masaya!

“It’s a different experience for me.”

May nililigawan ba siya ngayon? Handa na ba siyang magmahal ulit at pumasok sa isang panibagong relasyon?

Tugon niya, “Siguro kasi, ayokong pilitin yung mga bagay-bagay.

“Pero if it happens, it will.

“At saka malalaman ko rin naman sa sarili ko kung ready ako or kung siya talaga yung babaeng gusto kong makasama.”

Sa ngayon ba, mayroon siyang idini-date?

“Well, siguro ganito na lang… I’ve been hanging out with friends and meeting new people. Pero hanggang do’n lang muna.

“And I want to take things slow. And I want to focus on other things also.

“Yung mga mas importanteng bagay, lalo na yung trabaho ko, yung career ko, especially my studies.

“So… well, kung ma-develop, e, di okey. Kung hindi, okey lang naman.

“I’m taking my time,” diin pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



KYLIE PADILLA. Sa tono ng kanyang pananalita, parang may nililigawan siya ngayon.

“Hindi naman,” nakangiting reaksiyon ni Enzo.

“Pero marami akong mga taong naa-appreciate. Not just for their beauty but also for their personality.

“At yung mga talents nila, and yung intelligence nila.”

Si Kylie Padilla ba ang tinutukoy niya?

Lately kasi ay marami ang naiintriga sa mga ipinu-post nilang mga larawan na magkasama sa Instagram. Dahilan para isipin ng iba na may espesyal na namamagitan sa kanila ngayon.

Si Kylie ang ex-girlriend ni Aljur Abrenica, na itinuturong third party sa breakup nina Enzo at Louise.

Sabi ni Enzo tungkol dito, “Siguro kung anuman yung nakikita niyo, ano… we’re just friends.

“And kung sinuman yung kasama ko, hanggang dun muna.

“Siguro, I think, masyadong mabilis, e, para magkaroon ako ng special someone ulit.

“Pero kung mangyayari man, siyempre mas gusto ko yung manliligaw ako.

“And I’m gonna take things slow and kilalanin ko talaga yung tao.

“At saka gusto ko, ready ang puso ko. Ready akong mag-commit sa relationship.

“Ayoko nung half-baked ako na porke’t may nangyari na hindi ko gusto, maghahanap ako ng iba para matakpan ‘yon.

“Hindi naman… mali naman ‘yon kasi masasaktan ko rin yung babae.”

Magkaibigan at madalas silang nagkakasama ni Kylie. Open siya sa posibilidad na ma-develop sila sa isa’t isa?

Sagot ni Enzo, “Siguro ano… kung anuman ang meron kami ngayon, happy ako.

“At siguro, dahil sa mga nangyari, mas naging close kami.

“And I appreciate our friendship... ‘yon!

“Basta ang importante, happy ako, happy siya.

“At kung may kailangan siya, nandito lang ako as a friend.”

May blessing ba ng ama ni Kylie na si Robin Padilla ang closeness nila ni Enzo ngayon? Nagpaalam siya sa action superstar?

“Naku, wala!” nabiglang reaksiyon ni Enzo.

“Wala pong gano’n. Hanggang friends lang… and hanggang dun lang po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



EX-GIRLFRIEND. Puwede rin ba silang maging magkaibigan ng kanyang ex-girlfriend na si Louise?

Sabi ni Enzo, “Hindi ko pa kasi na-exprience yung mga ganitong klase ng situations, e.

“Pero siguro, as of now, I just have to be professional about it.

“And para sa akin naman, the past is past, kung anuman ang nangyari before.

“And yung good memories, tini-treasure ko.

“Pero tao lang naman tayo, nagmamahal tayo.

“So, kung anuman yung mga beautiful na nangyari before, iyon ang mga tini-treasure ko.

“And kung anuman yung mga hindi magandang nangyari, kalimutan na lang ‘yon and focus on different things.”

Parehong nasa GMA sina Enzo at Louise, kaya may posibilidad na magsama sila sa trabaho o sa isang project. Papayag ba siyang makatrabaho ang dating kasintahan?

Sagot ni Enzo, “Kung mangyayari ‘yon, open ako.

“Kasi as an actress, magaling siya.

“For me, if GMA really wants it, sige, game ako.

“Because nagtitiwala ako sa kanila and they know what’s best for their artists.

“Siguro game ako for the challenge.

“Pero siyempre, we also have to talk about it din, para ayusin yung mga bagay-bagay.

“Para at least, kung may matuloy man halimbawa na project para sa aming dalawa, ready na ang lahat.

“Para sa akin naman, it takes time for everything. And lahat naman… we’re just humans.

“So, let’s see.

“That’s going to need a lot of thinking and time, pero I’m up for the challenge.”



CO-WORKERS. Kumusta sila ni Louise ngayon? Kapag nagkikita sila sa Sunday All Stars, nagpapansinan ba sila?

Ayon kay Enzo, “Kasi usually, most of the time, we have different dressing rooms.

“’Tapos iba yung mga production numbers namin, so hindi kami nagsasabay masyado.

“Pero kung magkataon man ‘yon, of course, parang, you know… we just have to be professional about it also.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And work is work.

“Work ang ipinunta ko dito. And anything personal, hindi dapat pag-usapan or gawin dito sa trabaho.”

Okey rin ba sila ni Aljur Abrenica, ex-boyfriend ni Kylie at nali-link naman kay Louise ngayon?

“Kailangan pa bang pag-usapan ‘yon?” nangiting sabi ni Enzo.

Marami rin kasi ang gustong malaman kung okey sila ngayon o naapektuhan sila ng mga isyu at intriga.

“Kasi, para sa akin ano… I’m just trying to be professional about it.

“Sina Aljur at Louise, I wish them the best.”

Hindi ba mahirap gumalaw kapag nagkikita-kita sila nina Lousie at Aljur?

Sabi ni Enzo, “Para sa akin siguro, I just have to move on.

“And I think may mga bagay na hindi ko na dapat isipin.

“At dapat na ilagay ko yung attention ko sa iba pang mga bagay, hindi na sa mga bagay na gano’n.

“Kahit ako rin, ayokong maapektuhan yung mga ibang bagay na importante sa akin. Lalo na yung pamilya ko, trabaho ko, and everything.

“Ayokong masira yung routine ko every day when it comes to everything, like working out at yung trabaho ko, nang dahil sa mga bagay na ‘yon.

“So, dapat yung mga bagay na ‘yon, kinakalimutan na.

“Pero dapat din, matuto tayo dun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN