Carla Abellana still nursing a heartache: "May band-aid pa din ng konti."

Carla Abellana finds strength and inspiration from her family, but admits, "Iba pa rin yung meron kang... you’re in a relationship with someone, nase-share mo lahat."


Bagamat loveless ay marami ang nakakapansing blooming ngayon ang Kapuso actress na si Carla Abellana.

“E, kasi nakahinga na ako, parang ganun,” paliwanag ni Carla nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng bagong GMA sitcom na Ismol Family, kahapon, June 15.

Mas maganda rin ang aura niya ngayon base sa obserbasyon ng marami.

“Salamat! Thank you, thank you. Make-up lang ’yan!” natatawang reaksiyon naman ni Carla.

Ibig bang sabihin dati ay stressed siya?

“Hindi naman stressed but, you know, in any relationship, may mga problems, may mga bigat kang dinadala.

“As much as ayaw mong dalhin sa trabaho, as much as ayaw mong umiiyak ka or malungkot ka, siyempre artista tayo, kailangan naka-smile lagi.

“Hindi maiiwasan na, you know, in any relationship, may bigat na madadala mo talaga.

"So, sabi nila, ‘Kumusta pagiging single?’

“Sabi ko, hindi ko ma-enjoy kasi ang dami kong trabaho.

"So, hindi ko alam kung ano’ng feeling ng pagiging single.

"But I would choose it that way than mag-isa lang ako sa bahay na nakatunganga lang ’tsaka ko naiisip.

“So, mas maganda yung ganun.”

Nagwakas na ang relasyon ni Carla sa aktor na si Geoff Eigenmann.

Read: Carla Abellana admits breakup with Geoff Eigenmann: “We were too different talaga... mas nagka-clash pa kami kesa nagkakasundo kami.”



SEEKING INSPIRATION? Kung may mga problema man siya dati sa relasyon, mayroon din naman daw siyang inspirasyon.

Ngayong break na sila ni Geoff, may inspirasyon ba siya?

Sagot ni Carla, “Family! Actually, ever since naman, family yung inspiration ko.

“Although iba pa rin yung meron kang... you’re in a relationship with someone, nase-share mo lahat.

"Lalo na kasi same pa kayo ng trabaho, same industry, maganda din yung meron kang napagsasabihan.

"Meron kang napagkukuwentuhan na nakaka-relate.

“Or merong tutulong talaga sa iyo, kasi alam niya kung ano ang dapat gawin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At naging close pa siya sa pamilya ni Geoff.

“Oo, naging close ka pa sa family niya, na mas marami tuloy na puwedeng lapitan, puwedeng hingan ng advice.

"Iba pa din yun... yung ’pag meron kang ka-share talaga.

“Pero ’eto ngayon, nandun ako sa time in my life na, ‘Ay, kaya naman pala na kahit wala,’ yung ganun.”

So, ang career niya ang kanyang lovelife ngayon?

Natatawang pagsang-ayon ni Carla, “Oo, ’tsaka okay siyang boyfriend, mabait siya sa akin, yung career!”

LINGERING PAIN. Pero aminado si Carla na hindi pa siya totally nakaka-move on mula sa breakup nila ni Geoff.

“Hindi pa. May band-aid pa din ng konti,” sambit niya.

Ilang percent na ang moving on niya?

“May percent? Well, nagagawa kong ngumiti, ’di ba, nagagawa kong tumawa.

"Pero, we’ll see.

"Hopefully, in the next few months, maging okay na completely... one hundred percent.”

Sarado na ba ang posibilidad na magkabalikan sila ni Geoff?

“Sa ngayon, close.

"But, sabi ko nga, anything is possible naman.

“Ayokong magsalita nang patapos, yung ganyan.

"Sabi naman nila, ’di ba, kung talagang siya e hahanap ng paraan para makabalik.

"Parang ganun, mangyayari’t mangyayari.”

Hindi ba nag-attempt si Geoff?

“Hindi, hindi na siya nag-attempt.”

Halimbawang ligawan siyang muli ni Geoff?

“Not anytime soon, honestly. Ayoko talaga.

“We’ll see... who knows, five years, ten years from now, yung ganyan.

"But not anytime soon."

FAMILY FRIEND. Sa hiwalay na panayam ng PEP sa pinsan ni Geoff na si Gabby Eigemann, sa taping ng Dading, sinabi nitong kabigan pa rin ng kanilang pamilya si Carla.

Read: Gabby Eigenmann finally gets his first title role in Kapuso network

Sabi naman ni Carla tungkol dito, “Oo, binati ako ni Gabby [on her birthday].

“Alam ko naman yun. Si Gabby naman has been very ano naman talaga, ganyan ’yan, nagri-reach out, very vocal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam ko naman yun and nararamdaman ko naman yun.

“So, I know that si Gabby and everybody else is just a text away, yung ganyan.

"So, never naman nilang ipina-feel sa akin na, ‘Ay, hindi ka family!’

“Parang ganun.”

NO COMMUNICATION. Nasaktan ba siya sa sinabi diumano ni Geoff sa IG account nito na "I don’t give a f_ck!"

Ito ay may kinalaman diumano sa interview ni Carla sa TV kung saan inamin nitong break na nga sila ni Geoff.

Sagot ng Kapuso actress, “Okay lang, that’s his Instagram, you know. Instagram is Instagram.

"It’s just a medium for you to express whatever you feel or think, yung ganyan.

“Wala naman na sa control ko kung ano ang sasabihin niya or ano’ng ipu-post niya, ’di ba?

"So, okay lang, nasa sa kanya na iyon. Responsibility niya yun.

“Siyempre nasa ibang tao na rin yun how they would react to it.

"Ako, honestly, hindi naman ako na-surprise or na-shock or anything."

Bakit?

“Parang kilala ko na siya bilang ganyan, parang ganun!” at natawa si Carla.

Wala raw silang komunikasyon ni Geoff ngayon.

“Sa ngayon, wala. Walang communication at all.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN