Ryan Agoncillo labels himself as Dabarkads and Kapuso; hopes end of network war

Ryan Agoncillo is excited over the idea of doing a project with his wife Judy Ann Santos, Sarah Geronimo, and Matteo Guidicelli: “Wow, if that happens, that would be fantastic. Ang mga anak namin, magiging masaya. Si Yohan kasi, idol si Sarah. At si Lucho, tuwang-tuwa kapag nakikita si Kuya Matt.”


Iilan lang ang maituturing na totoong mahusay sa larangan ng hosting at hindi maitatanggi na isa si Ryan Agoncillo sa may katangian nito.

Naikot na rin niya ang lahat ng major networks sa larangang ito—ABS-CBN, TV5, at GMA.

Pero ngayon ay may bagong sitcom si Ryan sa Kapuso network, ang Ismol Family.

Kasama niya rito ang iba pang Kapuso stars na sina Carla Abellana, Mikael Daez, Carmi Martin, Marc Justine Alvarez, Mike “Pekto” Nacua, Bianca Umali, at Miguel Tanfelix.

Paano ba niya ilalarawan ang estado niya ngayon?

“Well, Kapuso naman talaga ko, definitely,” mabilis niyang sagot.

“I started out as a Kapuso and dahil Dabarkads [ng Eat Bulaga!], Kapuso na rin tayo.

"Pero naniniwala kasi ako sa absence ng network war.

“Sana wala na, sana wala nang network war.

"I can proudly say I’m a Kapuso, but also I’m a friend to everyone as should be, I think.

“Although, I’m very grateful na hindi pa nga tapos sa ere itong Picture! Picture!, may kasunod nang Ismol Family.

"But I’m really hoping in the near future, the network war will disappear."

Natawa naman si Ryan nang biruin namin na para na rin niyang sinabi na mawala na ang corruption.

“Bakit naman hindi, libre namang mangarap,” sabi niya.

Pero kung kontrata ang pag-uusapan, saan nga ba siya may kontrata?

“What I have with GMA-7 is show contract.


"Picture! Picture! just finished, hopefully it comes back.

“And then, yung sa aming handshake deal ni Mr. [Tony] Tuviera, although wala akong kontrata sa Eat Bulaga!, matibay na kamayan yun.

“I guess, what I want to say is, I’m a Dabarkads.

"Yun yun kung naghahanap tayo ng label—Dabarkads and then Kapuso.”

TALENTADONG PINOY. Kinumusta rin ng PEP.ph (Philipppine Entertainment Portal) kay Ryan ang tungkol sa Talentadong Pinoy, na matagal niyang show sa TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May ipinost na picture sa Instagram ang kanyang manager na si Noel Ferrer na tila nakipag-meeting si Ryan sa production para sa show. Ano ang nangyari?

Tugon ng TV host-actor, “Oh, we had a fruitful talk.

"I spoke with Ma’am Wilma [Galvante] and Noel Lorenzana, maganda ang naging usapan.

"Actually, better than expected.

“Nagtanong sila, ano ba ang mga kailangang ingredients ng Talentadong Pinoy sa pagbabalik, nakinig silang mabuti.

“As far as I’m concerned, it’s a matter of meeting expectations.

"Pero alam ko, nag-usap na rin sila ni Direk Rich Ilustre.

"I think, they need to iron things muna bago bumalik ang Talentadong Pinoy sa ere."

IRONING THE KINKS. Dahil nabigyan ng rekognisyon ang show niya sa GMA na Picture! Picture!, at may posibilidad itong mag-extend, magkakaroon ba ng conflict kung sakaling matuloy siya sa Talentadong Pinoy?

“Ang yabang na problema, ‘no?” natatawang sagot ni Ryan.

Biro pa niya, “Sana totoo, sana totoo! Pampalaki ng entrega ‘yan, matutuwa ang asawa ko.

“Hindi ko pa naman alam kung babalik ang Picture! Picture!, hindi ko pa rin alam kung magiging parte pa rin ako ng pagbabalik ng Talentadong Pinoy.

“Whatever capacity I could do to support Talentadong Pinoy, I would do it.

"I think, it really depends sa usap ni Rich sa ating mga bosses ng 5.

“As far as I’m concerned, as long as my concerns are addressed and if Rich’s concerns are addressed, then there’s a chance for me to come back.

“Kami yung pagbabalik na buo ang team. I don’t insist on this for sentimental reason alone but for reasons of consistency and quality.

"It’s not that I don’t wanna work with other directors, it’s just that, anak namin ‘to, e.

"Parang kami nila Rich, kami nila Paolo, we want everything to be present.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Not because kami lang ang gustung-gustong magkatrabaho, but because alam namin ang likaw ng bituka ng Talentadong Pinoy, and we hope to be together when it comes back.”

HARD CHOICE. Pero kung sakaling mag-extend ang Picture! Picture! at magbalik ang Talentadong Pino, ano ang pipiliin niya?

Sabi ni Ryan, “You know that question, it’s like you’re making me choose between Yohan and Lucho.

“Ang Picture! Picture!, bagong baby ko ‘yan. It’s even unfair to think about them on that color, you know.

"Maybe, it’s a matter of management. Management of time, management of expectation also.

“And when things are cleared up, mahirap kasing magsalita ng tapos, and I can make a solid decision... we’ll know.

“Hopefully, I’ll do it in such a way that everybody’s happy, most especially si Misis [Judy Ann Santos] para yung eentrega ko, malaki.”

Patuloy niya, “I’m very conscious. I’m a working dad.

"Unang-una, I want to provide for my family.

“Second, I take my hosting seriously, so I wanna give quality show to my viewers.”

SURVIVOR PHILIPPINES. Mabilis na “yes” naman ang naging sagot ni Ryan nang tanungin ng PEP kung papayag ba siya kung sakaling i-offer sa kanya na mag-host ng panibagong season ng Survivor Philippines, if ever.

“Yeah, yeah, I love that idea,” sambit niya.

Kahit matagal siyang mapapalayo sa pamilya niya?

“They can take a break and visit me.

"Alam mo, wala pang naging offer diyan, but I’ve been asked many times.

“I’ve been asked by different people, hindi yung bosses natin. Sana maisipan nila.

"I’ve been asked and kinikilig ako sa idea.”

“I did Philippine Idol in Channel 5, Fear Factor in ABS-CBN, and if Survivor comes along...” nakangiti niyang asam.



MATTEO AND SARAH. Tinanong din namin si Ryan tungkol sa madalas na pagsasama nila ni Juday sa rumored couple na sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Parang silang mag-asawa lang ang “exclusively” nakakasama ng dalawa at nakakapag-post pa ng pictures sa Instagram account nila.

Nagbibirong sagot naman ni Ryan, “Basta ako, kinikilig ako kay Matteo. Ang pogi, e!

“Sorry, bakit ko ba nasasabi mga ‘to?”

Sa palagay niya, kung sakali, magiging mabuting ama rin si Matteo katulad niya?

“Ang laki ng shoulders niya, e, kapag nag-eensayo kami, nakikita ko. Ano ba ‘to!” nagba-bading-badingan na sagot niya.

Yung seryoso?

“Well, seriously, guys, I know Matteo outside the industry.

"Si Sarah, puwede kong sabihin na I know her outside showbiz, although I worked with her, it’s been a long time ago.

"And I know her as Judy Ann’s sister. Magugulat na lang ako, uuwi ako ng bahay, nandoon ‘yan.

“Nakikipagkuwentuhan sa isang sulok ng hardin sa misis ko.

"So, I’d like to respect that, if you may.

"At saka gusto kong isipin na hindi yata tama na yung kuya nila ang magsalita.

“So, gusto ko sanang huwag munang magkomento.

"Less talk, less mistakes.”

Pero nagiging maluwag ba ang mga magulang ni Sarah na sina Mommy Divine at Daddy Delfin dahil tiwala ang mga ito sa kanilang mag-asawa?

“Well, you know, Divine and Delfin are welcome in our home also.

"Si Mommy Divine nga, ang lakas kumain ng isaw niyan!" natatawang kuwento ni Ryan.

“Minsan, si Sarah lang ang nandiyan, kasama si Mommy Divine. Alam ko, paborito niya ang isaw.

"Si Daddy Delfin, alam ko, mahilig mag-katam ‘yan, kaya ang pinag-uusapan namin, wood works.

“But again, not to betray anyone’s trust, madaldal ako sa maraming bagay, pero pagdating diyan, huwag na tayong mag-comment sa lovelife ng iba.”

Sa personal niyang opinyon na lang, nakikita ba niyang may pagbabago at masaya si Sarah ngayon?

“Well, I know Sarah’s very beautiful. I told her that. She’s very beautiful.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakatrabaho ko siya, parang disiotso anyos lang yata siya.

"And now, she’s a woman, very pretty woman, very confident woman.

“And Matteo’s so handsome!” natatawang biro na naman niya.

Perfect pair sa kanya ang dalawa?

“I wish them the best,” nakangiting sabi ni Ryan.

Halatang na-excite naman si Ryan nang may magtanong kung bakit hindi sila gumawa ng pelikula na silang apat.

“Wow, if that happens, that would be fantastic.

"I do hope there’s a chance to work with them.

“Hindi ko pa nakakatrabaho si Sarah na dalaga na siya, at hindi ko pa nakakatrabaho si Matteo ever.

“I’ve been hearing good things about Matteo also from Direk Joey [Reyes]. Kung magkaroon ng project, ayos.

"At saka, ang mga anak namin, magiging masaya.

“Si Yohan, gustung-gustong nakikita si Sarah. Si Yohan kasi, idol si Sarah.

"At si Lucho, tuwang-tuwa kapag nakikita si Kuya Matt."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN