(UPDATED) Sarah Lahbati’s mom cries foul over unfair treatment at Baby Zion’s party: "The whole party hindi ako pinansin ’tapos para ako patay-gutom na aalukin ng tirang pagkain.”

An excerpt from the Instagram post of Sarah Lahbati’s mom, Esther Lahbati, late last night, June 16: "The Truth! Masakit ang ma ignore sa party. Hindi naman pwede pera pera na lang ang lagi nangingibabaw. Para lang makilala ka sa lipunan. Pag wala ka pera di ka kilala," says Mrs. Esther Lahbati.


Naglabas ng sama ng loob ang ina ni Sarah Lahbati na si Esther Lahbati matapos siyang makaramdam ng pagkailang at diumano’y pagmukhaing “patay-gutom” sa baptismal at birthday party ni Baby Zion.

Si Zion ang anak ni Sarah at ng kasintahan nitong si Richard Gutierrez.

Kagabi, June 16, inihayag ni Esther sa kanyang Instagram account (@estherlahbati) na tila naitsapuwera siya sa birthday party ng sariling apo, dahil isa lamang siyang ordinaryong mamamayan at walang impluwensiya sa lipunan.

Sabi ni Esther sa unang bahagi ng caption ng kanyang Instagram post: “The Truth! Masakit ang ma ignore sa party.

“Hindi naman pwede pera pera na lang ang lagi nangingibabaw. Para lang makilala ka sa lipunan.

“Pag wala ka pera di ka kilala.”

Pakiramdam pa ng ina ni Sarah ay napahiya siya nang sabihan siya sa harap ng bisita na magbalot ng tirang pagkain pagkatapos ng engrandeng birthday celebration ni Zion, na dinaluhan ng ilan sa pinakaprominenteng personalidad sa showbiz at pulitika.

Kabilang sa mga dumalo at tumayong ninong at ninang sina Vice President Jejomar Binay, former President and incumbent Manila Mayor Joseph Estrada, Batangas Governor Vilma Santos, Leyte Representative Lucy Torres-Gomez, Camarines Sur Governor LRay Villafuerte, at Ilocos Sur Representative Ronald Singson.

Dumalo rin sina Susan Roces, Willie Revillame, German Moreno, Aga Muhlach, Richard Gomez, Gretchen Barretto, Angel Locsin, Luis Manzano, James Yap, at TAPE Inc. executive Malou Choa-Fagar.

Read: Richard Gutierrez and Sarah Lahbati celebrate first birthday of Baby Zion

Patuloy pa ni Mrs. Lahbati, “At the end of the day sinabihan pa ’ko ng, ’Esther, magbalot ka ng mga tirang pagkain dyan.’

“Pinarinig pa sa mga bisita, grabe! Naawa ako sa sarili ko.

“The whole party hindi ako pinansin tapos para ako patay gutom na aalukin ng tira pagkain.”

Hindi malinaw kung sino ang pinariringgan ni Esther sa kanyang Instagram post.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-comment naman ang Moroccan father ni Sarah na si Abdel Lahbati na kung tutuusin ay hindi pa naman maituturing na “Gutierrez” si Baby Zion.

Ito ay sa kadahilanang ang opisyal na pangalan diumano ng sanggol sa birth certificate ay “Zion Lahbati.”

Hindi pa kasal sina Richard at Sarah.

Kasama rin ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa imbitadong media na nag-cover ng birthday party ni baby Zion noong Linggo, June 15, sa Wack Wack Gold and Country Club, sa Mandaluyong City.

Noong gabing iyon, kapansin-pansing hindi masyadong visible ang ina ni Sarah na si Mrs. Esther Lahbati at iba pa nilang kamag-anak.

Marahil ay dahil bilang mga artista, parehong abala sina Sarah at Richard sa pag-aasikaso ng mga bisita na halos panay mula sa showbiz.

Kapansin-pansin din na ang mga kinuhang ninong at ninang ni Baby Zion ay hindi malapit ang edad sa magkasintahang sina Sarah at Richard, kundi pawang mga kaibigan ng pamilya Gutierrez.

Noong gabi ring iyon ay tinanong ng entertainment reporters si Sarah kung sino ang namili ng mga ninang at ninong ng anak nila ni Richard, ngunit hindi ito sinagot ng Kapuso actress.

Ang tanging nabanggit ng dalaga ay ang ina ni Richard na si Annabelle Rama ang nag-organize ng engrandeng birthday party ni Baby Zion.

Sa hiwalay na panayam naman ng media kay Annabelle, sinabi nitong regalo niya kay Baby Zion ang engrandeng party.

Read: Annabelle Rama advises Richard Gutierrez and Sarah Lahbati not to get married yet

Sa kasalukuyan, burado na ang kontrobersiyal pahayag na ito ni Esther Lahbati sa kanyang Instagram account.

Ngunit usap-usapan pa rin ito sa social media, lalo na ng supporters nina Richard at Sarah.



SARAH’S INSTAGRAM POST. Isang oras pa lamang ang nakalilipas ay nag-post naman ng mensahe si Sarah sa kanyang Instagram account (sarahlahbati), kalakip ang larawan nila nina Richard at Zion kasama ang kanyang mga magulang na sina Abdel at Esther, habang nasa Switzerland.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Sarah: "We have gone through a lot in the past year and a half. Both the Lahbati’s and the Gutierrez’s had to go through lots of obstacles and sacrifices to be able to help Chard and I deal with our problems.


"Now that all the dust has settled, everyone is happy that we have a new family member, baby Zion. ❤️ He is such a blessing to us. Zion has brought so much joy to our lives, everybody wants to spend time with him.


"Like any other family we have misunderstandings but we will settle this internally and we will move forward.


"I hope that we can all live in harmony. Accept, support and understand one another for the sake of baby Zion... ❤️"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN